Chapter 3

1363 Words
HERA MATAGAL-TAGAL na rin nang hindi ako nagkakaroon ng time para mag-bar hopping, adulting stage makes sense now. Masyado na akong naging abala sa tambak na trabaho sa opisina and sleeping is now a greatest reward for all those tiring day. I prefer to sleep than to have a friday night out. But, everything changed when I met that jerk. Naging exciting na ang office days ko because I found a new target. Maliban sa secretary ko ay siya pa lang ang kauna-unahang empleyado na hindi malapit sa akin ang nagawang sagutin ako na parang wala lang. I hate him but I admit, he's challenging. Sa tuwing naaalala ko ang mukha niya ay laging kumukulo ang dugo ko, there was an unexplainable feeling I can't give name when I first saw him. Maybe, I despise him that much for hurting my ego. Nakaupo ako at tutok ang mata sa mga papel na nakatambak sa harapan ko pero wala naman dito ang isip ko. "Venus!" Sigaw ko mula sa pagkakaupo. Hindi naman siya magkandaugaga para lumapit sa akin. "Yes, madam? Bakit po kayo sumisigaw? Ano pong nangyari sa inyo?" Nag-aalalang tanong niya. Sinikap kong kumalma ng maalala kong galing nga pala siya sa check-up at hindi ko pa man lamang nakukumusta. "How are you feeling? Kumusta ang check-up mo?" "Okay naman po, madam." "That's good to hear." "Iyon lang po ba ang itatanong mo, madam?" "Meron pa ba dapat?" "Ah eh, bakit niyo po ako tinawag? Akala ko po kasi ay may ipapagawa po kayo." Bigla kong naalala kung bakit ko siya tinawag, "Kilala mo ba 'yong lalaking pinagpapantasyahan ng mga babae sa designing team?" Nag-isip muna siya na tila inaalala kung sino ang lalaking tinutukoy ko dahil lima ang lalaki sa designing team. Maya-maya pa ay ngumiti siya ng pagkatamis-tamis sa akin, "Yung matangkad po ba na macho, at may killer smile? Tapos laging may dala-dalang maliliit na halaman?" Napakunot ang noo ko sa description ni Venus sa lalaking tinutukoy ko. Macho daw? Para ngang di nakakakain yo'n sa oras, masyado siyang payat para sa height niya. With killer smile? No way in hell! Killer smile na ang tawag nila sa ngiting mala-demonyo ng lalaking yo'n? Maybe, I should set a free seminar sa mga female employees ng company para malinawan naman sila kung ano ang tunay na description ng good-looking na lalaki. Do'n sa part na nabanggit niya ang maliliit na halaman, I knew right away na kilala nga niya ang tinutukoy ko. "Yeah. Sino yo'n?" walang ganang sagot ko. "Si Daniel, my loves," kilig na kilig na sabi niya habang may papikit-pikit pa. "Mukhang kilala mo nga siya. What's with the sudden giggling of yours?" "Naku madam! Campus heart throb po yo'n si Daniel ko." "Stop calling him endearments, it's disgusting," kinikilabutan kong saway sa kanya, I can't believe my own eyes seeing my secretary to be under his spell. "At paano naman naging campus heart throb yo'n? Naging kaklase mo ba o school mate ang Daniel na sinasabi mo?" "Hindi, madam. Actually, dito ko na lang po siya nakilala at na-starstruck ako sa kanya." "Tapos campus heart throb ang tawag mo sa kaniya? Nasa campus ba tayo?" "Kasabihan lang naman yo'n, madam. Hindi po ba uso yo'n nong nag-aaral ka pa po?" "Stop asking me as if I was born during the jurassic era, alam ko naman ang ibig sabihin ng campus heart throb. But to tell you honestly, nasa kompanya tayo at wala sa university." "So, ano po ang dapat itawag sa kaniya? Office heart throb?" Nawala pansamantala ang inis ko sa Daniel na yo'n dahil sa mga tanong ni Venus na mukhang hindi niya pinagkakaabalahang pag-isipan. I heaved out a sigh in dismay. Sometimes, I am wondering kung saan siya ipinaglihi ng nanay niya. "Do you know anything about him? "Ano po bang gusto niyo malaman tungkol sa kaniya? Yo'ng parang sa slumbook po? Kung sino ang crush niya, sino ang first love niya, first kiss..." "Stop it, Venus! Yo'ng may sense naman, something important," iritang saway ko sa kaniya. "Ano nga kasi, madam? Be specific." Kung may balak lang akong mademanda sa pang-aabuso ng shungang empleyado ay matagal ko ng pinaupo itong secretary ko sa silla electrica. Nakakaubos na minsan ng pasensya ang hindi matapos-tapos na usapan namin dahil mas madami pa ang tanong niya kaysa sa matinong sagot niya. Siya pa ngayon ang nagdedemand sa akin na maging specific. "My goodness! Hindi ka ba aware sa tinatawag na personal background? Gusto ko na talaga kausapin ang HR department para itanong kung anong standards ang ginamit sa paghire sayo." "Ay grabe ka naman, madam! Siyempre alam ko naman ang ibig sabihin ng personal background, yo'n nga lang wala ako masyadong alam tungkol kay Daniel loves ko dahil masyadong mysterious ang pagkatao niya." "So, are you telling me this company hired an employee with unknown background?" "Anong background kasi, madam? Puwede ka naman pong humingi ng kopya ng resume niya para malaman mo po ang tungkol sa background niya. Kaya ko naman po kayo tinatanong ay baka may gusto po kayong malaman tungkol sa kaniya na something personal, at wala po kaming alam talaga." "Oh! I forgot about it, thanks for reminding me. Anyway, pakikuha mo na lang ako sa HR ng kopya ng records ng Daniel na yo'n. Just be sure to keep it a secret." "Uy! Kunwari pa si madam na nagpapaka-professional pero interesado rin kay Daniel. Okay lang yo'n madam, normal lang naman magkaroon ng crush," panunukso sa akin ni Venus. "What?! Crush? Sino namang may sabi sayo na crush ko yo'ng kumag na yo'n?!" may pagka-exaggerated kong sabi dahilan para mapaluwa ang mata niya sa pagkabigla ngunit maya-maya pa ay ngumisi naman ng nakakaloko. "Naku! diyan po talaga nagsisimula iyan. Kunwari galit, pero interesado naman. Kunwari ayaw makita, kapag wala naman ay hinahanap. Kunwari nagsusungit pag kaharap, pero ngingiti rin pag nakatalikod na. At pag napansin na.. kunwari ayaw at pa-hard to get pero deep inside gusto lang magpahabol." "What are you talking about? Having crush on someone is not my thing. Hindi nangyari sa akin iyang mga pinagsasabi mo. If someone likes me, and I like him back we go straight to the point, walang paligoy-ligoy at pagpapakipot. Ano bang punto ng pagpapakipot kung gusto niyo naman ang isa't-isa? Just a waste of time." "Ay hala siya! Hindi naman po porke gusto mo yo'ng lalaki eh, laglag panty agad. Kailangan din pong dumaan sa ligawan para mapatunayan ang intensyon ng isang lalaki sa paglapit sa isang babae." "Kaya maraming nalolokong babae ay dahil diyan sa sobrang paniniwala sa panliligaw. It's the same as allowing the guys to manipulate you. Konting sweetness with flowers and chocolate ay nauuto na, that's why it's very important to be a financially independent woman para hindi masyadong nasisilaw sa fancy dates at mga low-class gifts." "Bitter ka, madam! Iba pa rin ang pakiramdam kapag may gumagawa ng something special para sayo." "Why would I depend on other people, when I can do it for myself?" "Baka kasi hindi ka pa naman po nai-inlove ng totoo kaya di mo po naaappreciate ang presence ng isang espesyal na tao. Pero mukhang mangyayari na po ngayon dahil malakas po ang feeling ko na crush mo si Daniel, at kahit crush ko po siya ay ipapaubaya ko siya ng buong-puso sayo." "Hindi ko siya crush, okay? May gusto lang akong malaman tungkol sa kanya." "In-denial ka lang po, madam. Sa tagal ko na pong nagtatrabaho sayo ay hindi pa kita nakitang nauna magpakita ng interes sa isang lalaki lalo na sa kagaya ni Daniel na mailap sa babae." "Oh, do you really know me that much?" "Medyo lang po. Basta kung kailanganin mo man po ang tulong sa pagpapapansin sa crush mo ay support po kita." "Tss. Let's go back to work. Stop lecturing me about love dahil aware din akong NBSB ka," pagpuputol ko ng usapan namin. Basta siya talaga ang kausap ko ay nagiging madaldal ako kahit hindi naman ako palakuwentong tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD