HERA
"Nahanap mo na ba ang pinapahanap ko? Sino daw 'yong bibili ng lupang 'yon?" Tanong ko kay Venus tungkol sa lupang kinatitirikan ng bahay nila Daniel.
"Okay na po, madam. Si Mrs. Sylvia Villanda daw po. Gagawin daw po sanang malaking grocery store ang lupang iyon pero nang marinig ang offer niyo ay agad naman siyang pumayag na ibenta sa inyo ang lupa."
"Very good!" Masayang turan ko. Things are going according to my plan.
"Aanhin niyo po ang lupa doon, madam? Magtatayo rin po ba kayo ng bagong business doon?"
"Hindi. Binili ko lang 'yon for someone."
"Wow naman! Napakaswerte naman ng taong iyon. Binilhan niyo pa siya lupa. Sino naman po siya?"
"Malalaman mo din, soon. Ikaw muna ang bahala dito dahil may aasikasuhin muna ako."
"Okay po."
Dali-dali akong pumunta sa aking private cafeteria at hinintay doon si Daniel na ipinatawag ko doon para kausapin. Nasa limang minuto na akong nakaupo ngunit wala pa rin siya. Napaka-ungentleman naman! Nauuna pa ang babae sa meeting place kaysa sa kaniya.
Maya-maya ay humahangos itong dumating at nagmamadaling lumapit sa akin.
"Sorry, Ms. Buenaventura. There's an urgent matter I needed to attend that's why I am late." Magagalit sana ako but he looks so exhausted. Wala rin ako sa mood magtaray ngayon dahil sa magandang balita na bumungad sa akin pagpasok ko pa lamang ng opisina.
"May I know, what is the important matter that is more important than me kaya ka na-late? Kung investors ang ka-meeting mo, I am sure na mawawalan ka na agad ng possible client. You know in a business world, time is really gold."
"I'm sorry again, miss." I was shocked in his reaction, napakalumanay at mapagkumbaba without sarcasm.
Na-guilty rin ako dahil sa inasal ko.
"Ipinatawag kita rito para sa isang offer. I'm sure you'll like it." Nakangiti kong sabi. Siya naman ay parang naguluhan at mukhang walang idea kung ano ang gusto kong iparating.
"Offer po? Tungkol po saan?"
"Be my guy."
Awtomatikong nagsalubong ang makapal niyang kilay at talagang inaasahan ko namang iyon ang magiging reaksyon niya.
"Sorry to be disrespectful, madam, pero marami 'ho akong kailangang asikasuhin. Kung kalokohan lang naman po ang gusto ninyo ay iba na lang po."
"At bakit ayaw mo? May girlfriend ka na ba? May magagalit ba?" Mapanghamon kong tanong sa kaniya. Napabuntong hininga naman siya at 'di man lang ginagalaw ang dessert na nasa harapan niya.
"Wala. But it doesn't mean I am available to be your toy. Busy akong tao. Having a girl is not my thing. Hindi kaya ng schedule ko." His voice deepened and he talks very casual. 'Yong walang pagpipigil kahit pa boss niya ako.
Umayos ako ng upo at dumekwatro. Tinitigan ko siya sa mata at ngumiti.
"Your mom. Nasa ospital siya to have her chemotherapy and you badly need extra income para sa tuluy-tuloy na gamutan niya." Napaawang ang bibig niya dahil sa sinabi ko. Marahil ay hindi siya makapaniwalang alam ko ang tungkol sa ina niya.
"How could you talk about my mom's illness with no emotion? And what do you expect me to do? Pumayag sa gusto mo kapalit ng pagpapagamot niya? You're insane. Hindi mangyayari iyan." Halos pasinghal niyang sabi sa akin. Paano ko ba dapat sabihin? In a melancholic voice? Napakaarte naman. Siya na nga itong inaalok ng tulong, siya pa itong masungit. Wala nang libre sa panahon ngayon, aba!
"Really? The hospital bill is already paid. Don't act like a mighty hero, Daniel. You need my money and I need you. It's a win-win deal. No strings attached just purely business. Be my guy and in return I will take care of all the hospital expenses of your mom hanggang sa gumaling siya. What do you think?"
Tila ay nag-iisip siya nang malalim sa pandaliang pananahimik niya. Mukhang effective ang offer ko.
"Paano mo nalaman ang tungkol sa mama ko? Wala naman akong pinagsasabihan ng tungkol sa sakit niya ah?"
Hindi ko napigilang matawa sa tanong niya.
"I have my sources, my dear. Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman. Ang mahalaga ngayon ay ang sagot mo."
"Ano naman ang gagawin ko kung sakaling pumayag ako sa offer mo?"
Gotcha! Sabi ko na nga ba at papayag rin siya. Kaunti na lang. Chill lang, Hera. Magtiyaga ka lang sagutin ang mga inquiries niya.
"Sasamahan ko kung saan ako pupunta. Akin na rin ang katawan mo at wala nang ibang babae ang puwedeng lumapit sa'yo."
Pinagpawisan siya kahit well-ventilated naman ang cafeteria. "K-Katawan ko? Honestly, I'm still virgin. Never been kissed, never been touched."
Kabado siya at pilit niya iyong itinatago sa akin.
I can't believe na mas experienced pa ako kaysa sa kaniya.
"That's good to hear! Para hindi ka naman lugi, itataas ko ang bayad sa'yo. Kapag pumayag ka na sa offer ko ay ipapalipat ko agad sa mamahaling ospital ang mama mo para ituloy ang therapy niya. Ako na rin ang bahala sa maintenance medicines niya pati na rin ang private nurse na mag-aalaga sa kaniya lalo na kapag nasa trabaho ka."
"Okay. But please, let's be professional at work. I'll go with you whenever you want after work."
"Iyon lang ba ang kondisyon mo?"
"At huwag mo sanang babanggitin sa mama ko ang tungkol dito, sasabihin ko na lang sa kaniya na umutang ako sa'yo ng pera para sa gamutan niya."
"Don't worry, hindi naman ako chismosa. Hindi rin naman ako magpapakita sa mama mo. Ipo-provide ko lang 'yong mga napag-usapan natin and that's it. Siguraduhin mo lang na aayusin mo ang performance mo."
Napalunok siya nang ilang ulit kaya natawa ako. I can't believe na ang masungit at kinababaliwan sa opisina ay ganito pala kahina. Para siyang teenager na first time kausapin ng crush niya.
"K-kailan ako magsisimula?"
"Excited ka na ba?"
"Hindi. Gusto ko lang malaman mo na ginagawa ko ito para sa mama ko."
"Masyado ka namang defensive. Wala naman akong sinasabi na para sa akin ito. 'Yon nga lang baka naman sa katagalan magustuhan mo na rin. One last warning, don't you dare fall in love with me. I don't do serious relationships."
Siya naman ang ngumisi bago nagsalita. "Huwag kang mag-alala hindi naman ikaw ang tipo ko ng babae. Sabi mo nga it's purely business. I'll make sure na sulit ang bayad mo sa akin."
Kinindatan ko siya bago tumayo mula sa pagkakaupo. "It's a deal already. See you after work. Mayroon tayong pupuntahan. Bawal ang maarte."
"Saan?" Gulat na parang natatakot ang reaksyong nakarehistro sa kaniyang mukha. Gustong-gusto ko talaga ang pagiging inosente ng itsura niya sa tuwing may sasabihin akong hindi niya agad nakukuha ang ibig sabihin. Parang ang sarap niyang asarin.
"Bakit parang natatakot ka? Hindi naman ako nagtutulak ng droga. Mukha ba akong drug addict?"
"Naninigurado lang. Sabihan mo na lang ako mamaya."
"Ako ang dapat manigurado dahil may investment na ako."
"May isang salita naman ako. Bakit mo nga pala ito ginagawa?"
Natigilan naman ako at bahagyang napaisip.
Paano ko ba sasabihin na napaka-challenging niyang lalaki nang hindi nagmumukhang desperada? I like his style. Hard to get. Pasimpleng arogante. Kumbaga sa pagkain ay isa siyang bagong putahe.
"Sabihin na lang nating trip ko lang. Just go with the flow, dear. Enjoy the game and feel the flame. Masyado kang seryoso sa buhay."
Pagkasabi ko no'n ay tumalikod na ako at mabilis na nagtungo sa pintuan upang umalis. Bahala muna siyang mag-isip kung paanong adjustment ang gagawin niya.