CHAPTER 1

1174 Words
GEORGINA’S POV  “Good afternoon, Ma’am.” Tumango ako at huminto sa harap ng mesa ni Sally, na nakapwesto sa labas mismo ng opisina ko. “Email those documents from yesterday to Kuya and Gia, Sally.” “Yes, Ma’am.” Pumasok na ako sa loob ng opisina ko. Kakagaling ko lang kasi sa school. Graduating na ako, at ngayong semester lang ako lumipat mula New York. Nagpalit kasi kami ni Gia, ang kakambal ko, ng lugar. Siya ang nasa New York ngayon at ako naman ang nandito sa Manila. Kailangan naming gawin iyon dahil nakadepende kung saan kami titira sa proyekto na ibibigay ni Kuya. Sa pagkakataong ito, ako ang naatasang humawak ng isang mahalagang transaksiyon. Kailangan kong mabili ang isang lupa, o mas tamang sabihin, isang buong isla sa Mindanao. Balak kasi naming gawin itong resort. Marami na kaming ipinadala roon para makipagnegosasyon, ngunit wala ni isa sa kanila ang nagtagumpay. Ayaw talaga itong ibenta ng may ari. Si Gia naman ay tumangging pumunta sa Mindanao dahil natatakot daw siya, kaya nauwi sa pagpapalit namin ng assignment. Dahil wala ring magandang resulta ang lahat ng taong ipinadala ko roon, nagdesisyon akong ako na mismo ang pupunta. Personal akong makikipagnegosasyon, at hindi ako uuwi hangga’t hindi ko nakukuha ang islang iyon. Pinindot ko ang intercom at pinapasok si Sally. “Sally, call the pilot. Sabihin mo aalis ako bukas nang maaga. Tungkol naman dito sa office, ikaw muna ang bahala. Kapag natagalan ako roon, tatawag ako para may pumalit sa akin. At kung may emergency, itawag mo agad kay Kuya. Okay?” “Okay, Ma’am. Baka may nalimutan pa po kayo?” Napakunot ang noo ko habang nag iisip. “Wala na, Sally. You may go.” Tumango siya at tuluyang lumabas. Binalikan ko na lang ang mga naiwan kong trabaho. Nang mag uwian na, nagpahatid ako pauwi sa mansion. “Manang, akyat ka mamaya sa kuwarto ko. Magpapalagay ako ng mga gamit sa maleta. Pipili muna ako ng mga dadalhin,” sabi ko habang kumakain sa hapag. “Sige po, Ma’am.” Pagkatapos kong kumain, umakyat na ako sa kuwarto. Naligo muna ako, nagbihis ng pantulog, saka naghalukay ng mga gamit na dadalhin ko sa biyahe kinabukasan. Sa dami ng inilabas ko, aabot na yata sa tatlong maleta ang mapupuno. Mas mabuti nang sobra kaysa kulang, lalo na kung matagalan man ako roon. Pumasok si Manang at inayos ang mga gamit ko sa loob ng mga maleta. Tumulong din ako para alam ko kung saan nakalagay ang bawat isa. Nang matapos kami, lumabas na siya at humiga na rin ako para matulog. Kinabukasan, maaga akong nagising. Nag ayos ako ng sarili at bumaba para kumain. Ilang minuto pa lang ang lumipas nang marinig ko ang tunog ng chopper sa labas. Dumating na pala ito. Pinababa ko agad sa mga katulong ang mga maleta ko para maikarga sa chopper. Pagkatapos kong kumain, sumakay na ako. Ang chopper na iyon ang magdadala sa akin sa isla sa Mindanao. Sa Isla ng Samal ang punta ko, pero hindi mismo ang pangunahing isla ang target namin. Ang gusto naming makuha ay isang maliit na islang hiwalay rito. Tinatayang nasa sampung ektarya rin ang lawak nito. Matagal ang biyahe dahil ilang beses kaming huminto, at kinakailangan din naman iyon. Nang sa wakas ay makarating kami, agad na pinatay ng piloto ang makina ng chopper at ibinaba ang mga gamit ko. Pagkababa ko, napangiti ako. Itinaas ko pa ang dalawang kamay ko habang nilalanghap ang hangin. “Wooooooh!” Kahit mainit, napakasarap ng simoy ng hangin mula sa dagat. “Ma’am, masarap talaga ang hangin dito,” sabi ng piloto. “Panigurado, mae-enjoy mo ang pagtira rito. Mababait din ang mga taong nakatira sa islang ito, kahit kaunti lang sila.” Napalingon ako sa kanya. “Nakapunta ka na dito?” “Opo, Ma’am. Dito kasi kami nakatira dati. Kaya lang nang makahanap ng trabaho ang tatay ko sa Maynila, lumipat kaming lahat doon. Nakapag aral ako, at nang makatapos, sa inyo na ako nagtrabaho. Tuwang tuwa nga ako nang malaman kong dito pala ang punta mo, Ma’am.” Ngumiti ako at tumango. “Saan pala ako puwedeng makituloy dito, Kuya?” “Halika po, Ma’am. Papakiusapan ko ang kakilala ko rito kung puwede kang makituloy.” Tumango ako. Kinuha ko ang isa kong maleta habang ang dalawa pa ay siya na ang nagdala. Naglakad kami nang halos sampung minuto hanggang sa makarating kami sa bahagi ng isla na may ilang kabahayan. May mga tao ring nasa labas, abala sa kani kanilang ginagawa. “Ma’am, pasensya na po. Wala po kasing masasakyan dito at pinaglakad pa kita.” Ngumiti ako dahil halos mangiyak ngiyak siya sa paghingi ng tawad. “Okay lang naman, Kuya. Saan tayo lalapit?” “Doon po, Ma’am.” Itinuro niya ang isang maliit na bahay. Nang makalapit kami, agad siyang sumigaw. “Ayoooo! Nang Ising! Nang Ising!” Bumukas ang pinto at lumabas ang isang matabang matandang babae na nakakunot ang noo habang nakatingin sa amin. “Kinsa man mo?” tanong nito. “Nang Ising, ako ni si Arnold. Kumusta man ka, Nang?” Biglang nagbago ang ekspresyon ng matanda. Napalitan ng tuwa ang dating kunot niyang noo. Agad itong bumaba at pinaghahampas si Arnold sa braso. “Huy, nodnod! Kumusta naman ka, dong? Nganong karon pa man ka nakabisita?” “Pasensya na, Nang ha. Busy kaayo sa trabaho. Naka adto rako diri kay akong amo nagpauban. Gusto unta siya mopuyo diri dapita. Naa ba kay kaila nga puwedeng mapuy an diri? Bayaran man.” Wala akong maintindihan sa pinag uusapan nila. Nang mapatingin sa akin ang matanda, ngumiti na lang ako nang alanganin. “Siya?” tanong nito habang nakatingin sa akin. Tumango si Arnold. “Sige. Didto nalang na siya mopuyo sa akong pag umangkon. Siya ra isa didto. Naa didto sa tapad sa eskwelahan sa mga bata. Ingna lang nga ako siyang gipapuyo didto.” “Sige, Nang. Ug pila man?” “Usa ka libo lang kada bulan.” Lumingon sa akin si Arnold at ipinaliwanag na isang libo lang kada buwan ang upa. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Sobrang mura. Agad akong naglabas ng limang libo at iniabot iyon sa kanya. “Ma’am, ang laki nito.” “Sige na, Kuya. Tulong ko na rin.” Tumango siya at muling nakipag usap sa matanda sa wikang hindi ko maintindihan. Makalipas ang ilang sandali, inihatid na niya ako sa matutuluyan ko. Habang naglalakad kami, may napansin akong isang lalaki sa may masukal na bahagi ng daan. Nagsisibak siya ng kahoy. Ngunit nang mapansin niya kami, huminto siya. At tumingin sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla akong kinabahan. Hindi naman ako iyong tipo na natitinag sa simpleng titig lang, pero kakaiba ang paraan ng pagkakatitig niya. Parang matalim, mabigat, at may kung anong hindi ko mabasa. Dahil doon, mabilis kong iniwas ang paningin ko at nagpatuloy na lang sa paglalakad. “Ma’am,” tawag ni Arnold. “Mag ingat pala kayo dito, ha?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD