CHAPTER 2

1346 Words
GEORGINA’S POV “Bakit, Kuya? Anong meron dito?” “Ibig kong sabihin, Ma’am, mag ingat kayo rito dahil may mga mababangis na hayop sa islang ito, kaya huwag kayong magpapasok sa mga kakahuyan.” Tumango lang ako. Napansin ko ring mas marami pa palang kabahayan sa bahaging ito kumpara doon sa mga bahay na nadaanan namin malapit sa tabing dagat. May mga nasalubong kaming mga taong nakatambay sa labas ng kani kanilang bahay, at binabati nila kami habang dumaraan. Ngumingiti lang naman ako bilang tugon. Maya maya ay nagtanong si Kuya kung saan matatagpuan ang bahay ng pamangkin ng matandang nakausap namin kanina, at mabuti na lang ay may nagturo agad sa amin. “Sige, sulod mo, Kuya,” sabi ng babaeng lumabas ng bahay. “Ma’am, pasok daw po tayo,” sabi ni Kuya sa akin. Tumango naman ako at sumunod sa kanya. “Aaah, Gang? Palihog lang kog bantay bantay kay Ma’am ha? Ikaw na bahala sa iya. Ug dili diay na siya kasabot ug Bisaya, Tagalog lang.” “Sige ho, Kuya, ako na ang bahala.” “Sus, kahawod man diay, haha.” Napatingin ako sa kanila nang magsimula akong makaintindi sa usapan. Nag adjust na rin sa pagsasalita ang babae, kaya mas nasundan ko na ang mga sinasabi nila. Doon ko nalaman na Jamie ang pangalan niya, at isa pala siyang teacher. “O siya, sige, Iha, aalis na ako. Ma’am, aalis na po ako. Tawagan niyo na lang po ako kung magpapasundo kayo o kung may problema kayo rito.” “Sige, Kuya. Salamat po. Mag ingat kayo.” Ngumiti si Kuya Arnold bago tuluyang umalis. “G? Halika, tutulungan na kita sa pagdala mo ng gamit sa kuwarto.” Ngumiti ako. Sinabi ko kasi sa kanya na G na lang ang itawag sa akin. “Sige, salamat.” Tinulungan niya akong ipasok ang mga gamit ko sa kuwartong paglalagyan ko. Maliit lang iyon, pero maayos naman at malinis. Gayunpaman, nang mapansin kong wala itong kama, napatingin agad ako kay Jamie. “Jamie, saan puwedeng makabili ng kama?” “Ah, oo nga pala. Sa kabilang isla pa kasi makakabili noon, G. Pero sige, puwede naman tayong magpautos doon sa labas. May mga mauutusan naman dito basta mabigyan lang ng kaunting hulog.” “Sige, pasabay na rin ako ng isang kabinet, unan, comforter, at aircon.” Bigla siyang natawa kaya napakunot ang noo ko. “Bakit?” “Galing ka pala talaga sa mayamang pamilya. Iyong mga sinasabi mo kasi, pinag iipunan pa namin bago mabili. Ikaw, kayang kaya mong pagsabay sabayin.” Bigla naman akong nahiya sa sinabi niya. “Pero iyong aircon, G, imposible iyon. Wala tayong kuryente rito. Baterya lang naman ang gamit namin para sa ilang sasakyan. Isang pamilya lang ang may kuryente dito dahil may generator sila. Tayo, wala.” Napakurap ako. Oo nga naman. “Sige, pasabay na rin ng generator.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. “Huy, G. Hindi ko sinabi iyon para bumili ka. Sinabi ko iyon para malaman mo.” “Alam ko,” sagot ko habang tumatawa. “Kaya nga bibili tayo.” Napahawak siya sa noo niya at napabuntong hininga. “Hay naku. Sige na nga. Ako na lang ang pupunta sa kabilang isla. Baka itakbo pa ng taong uutusan natin ang pera kapag nasilaw.” Tumango ako at agad na naglabas ng pera. Nang ilagay ko sa kamay niya ang dalawang daang libo, para siyang nanginig. Nagpabili na rin ako ng gas stove, gasul, mga gamit sa kusina, at kung ano ano pang kakailanganin ko. Sa kanya ko na ipinaubaya ang iba pang detalye dahil mukhang mas alam niya ang mga dapat bilhin. “Nakakatakot palang humawak ng ganitong kalaking pera, G,” sabi niya habang nakatitig sa perang hawak. “Parang gusto ko na tuloy huwag nang umalis.” Natawa ako sa sinabi niya. “Mas lalo kang gumaganda kapag ngumiti ka,” sabi niya. Ngumiti lang ako. “Salamat.” “O siya, aalis na ako at baka gabihin pa ako. Ikaw, puwede ka namang mamasyal sa labas. Mababait naman ang mga tao rito.” Pagkasabi noon ay umalis na siya. Ako naman ay binuksan ang maleta ko at nagpalit ng damit. Nagsuot ako ng maong shorts at maluwag na T shirt na hindi gaanong mahaba. Kinuha ko rin ang slippers ko bago lumabas ng bahay at i-lock iyon. Sa may baybayin ay nasa sampung bahay ang nandoon, samantalang sa bahaging ito ay nasa dalawampu naman, hindi pa kasama ang maliit na eskwelahan ng mga bata na sa tantiya ko ay may apat na silid. Lumabas ako ng bakuran at naglakad papunta sa tindahan. Habang naglalakad, hindi ko maiwasang mailang sa bawat taong nadaraanan ko. Hindi naman kasi talaga ako palakaibigan. Sanay akong ihiwalay ang sarili ko sa mga tao. Sa pamilya at sa mga katrabaho ko lang ako madalas makipag usap. Bilang isang negosyante, maraming natatakot sa akin. Hindi lang dahil sa dala kong apelyido kundi dahil mahirap talaga akong katrabaho. Halos lahat yata ng kasama ko sa opisina ay natatarayan ko. Pero ngayon, kailangan kong mag adjust. Pagdating ko sa maliit na tindahan, napamangha ako sa mga panindang naroon. May mga mumunting pagkain, makukulay na kendi, at mga supot supot na chichirya na bihira ko nang makita. “Tao po,” tawag ko habang kumakatok sa gilid ng tindahan. “Unsa man?” Napatigil ako. Patay. Paano ito? Sana marunong siyang mag Tagalog. “Pabili po ako.” Nakita kong nakakunot pa rin ang noo niya habang nakatingin sa akin. Lalo tuloy akong kinabahan dahil hindi naman ako marunong mag Bisaya. “Ah, sige. Ano sa iyo?” Agad akong napangiti. Inunahan lang pala ako ng kaba ko. May matigas siyang accent, pero malinaw naman ang Tagalog niya, at sapat na iyon para magkaintindihan kami. “Magkano po ito?” tanong ko habang tinuturo ang isang maliit na supot ng pagkain na may pangalang Rinbee. “Piso iyan, Iha.” Napadilat ako. “Sigurado po kayo?” “Oo, Iha. Piso lang iyan.” Natatawa akong napailing. Tawang tawa rin sa akin ang matanda. “Sige po, pabili po ako nito, tsaka nito, ito, ito, at ito pa.” Kung ano ano na ang tinuro ko. Sa dami ng binili ko, pati soft drinks ay isinama ko na rin. Halos mapuno ang mga supot na dala ko. “Ang dami naman nito, Iha. Mauubos mo ba iyan?” Tumango ako at ngumiti. “Ang ganda ng ngiti mo, Iha. O siya, heto. Otso dos lahat.” Naglabas ako ng isang libo dahil wala akong baryang dala. “Naku, Iha, ang laki nito. Wala akong panukli.” “Ah, mamaya na lang po, Manang. Diyan lang naman ako kina Jamie nakatira. Suklian niyo na lang po ako kapag mayroon na. Thank you po.” Nagpaalam na ako at muling naglakad habang dala ang mga supot ng pagkain. Ang totoo, natutuwa ako sa simpleng ginagawa ko. Pakiramdam ko, isa ito sa mga bagay na dapat maranasan ng isang tao kahit minsan sa buhay niya. Habang palayo ako nang palayo, bigla akong napatigil nang makarinig ako ng agos ng tubig. Alam ko agad kung ano iyon. Batis. Sinundan ko ang tunog hanggang sa makarating ako sa isang napakagandang falls na tila nakatagong bahagi ng isla. Agad akong lumapit at inilapag sa gilid ng malaking bato ang mga pagkain at ang iba kong gamit na hindi puwedeng mabasa. Hinubad ko ang slippers ko at dahan dahang lumapit sa rumaragasang tubig. Hinayaan kong mabasa ang buhok ko, ang mukha ko, at ang buong katawan ko. Ilang minuto rin akong nakatayo roon, nagpapalamig at ninanamnam ang kakaibang saya ng sandaling iyon. Ngunit nang maisipan kong bumalik sa gamit ko, bigla akong napatigil. Wala na ang mga pagkain ko. Namilog ang mga mata ko at mabilis na napalingon sa paligid. Maya maya, may narinig akong kaluskos mula sa likuran ng malaking bato. Agad akong napahigpit ang kapit sa sarili kong mga kamay at inihanda ang sarili sa kung sino mang kumuha ng mga pagkain ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD