CHAPTER 3

1414 Words
GEORGINA’S POV Dahan dahan akong lumapit sa malaking batong pinanggalingan ng kaluskos. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Kuya Arnold kanina. Baka raw may mababangis na hayop sa isla. Bigla akong kinabahan. Paano kung oso? Napakurap ako sa sarili kong naisip. Kaya kong magpatumba ng ilang tao, pero hindi ko pa nasusubukang lumaban sa oso. Ngunit agad din akong napailing. Teka lang. Wala namang oso sa Pilipinas. Dahil doon, bahagyang nawala ang kaba ko. Huminga muna ako nang malalim bago dahan dahang sumilip sa likod ng bato. Pagtingin ko, isang bata lang pala ang naroon. At kinakain niya ang mga binili kong pagkain. Bigla siyang napalingon sa akin at agad namang namuo ang luha sa mga mata niya, na para bang iiyak siya anumang oras. “Sorry, Te. Gikaon nako imong pagkaon. Nagutom naman gud ko, Te.” Hindi ko man lubos na naintindihan ang lahat ng sinabi niya, may ilang salitang malapit sa Tagalog kaya nakuha ko rin ang ibig niyang sabihin. Lumapit ako sa kanya at marahan kong hinawakan ang pisngi niya. “Okay lang iyon. Sana nagsabi ka na lang, ibibigay ko naman sa iyo. Taga saan ka ba? Bakit ka nagugutom? Wala bang pagkain sa inyo?” Umiling iling siya habang humihikbi. “Wala, Ate. Naglayas lang ako sa amin. Tatlong araw na akong nandito sa batis. Huwag niyo pong sabihin sa mga taga isla na nandito ako, Ate ha? Baka ihatid nila ako sa kabilang isla at makita ako ni Tatay. Gugulpihin na naman niya ako.” Parang may kumirot sa puso ko sa narinig ko. Tiningnan ko ang maliit niyang mukha at mas lalo lang siyang naiyak. “Tahan na. Hindi rin naman puwedeng...” Naputol ako nang bigla kong maramdaman na para bang may nakatingin sa amin. Mabilis kong nilibot ang tingin ko sa paligid. Sinuyod ko ng mata ang bawat sulok ng falls, pati ang bahaging tila doon ko naramdaman ang presensya ng kung sino man. Ngunit wala naman akong nakita. Weird. “Bakit, Ate?” tanong ng bata. Mukhang napansin niya ang bigla kong pag iwas ng tingin. “Ah, wala,” sagot ko agad. “Ang sinasabi ko, hindi puwedeng dito ka lang. Baka may mababangis na hayop dito at mapahamak ka. Delikado para sa batang katulad mo na dito tumira. Kaya sumama ka na sa akin, okay?” Umiling siya. “Ayoko, Ate. Nagbabakasakali rin naman ako na makita ko si Kuya Dondon dito. Sa kanya na lang ako magtatago.” “May kuya ka sa islang ito?” Umiling ulit siya. “Hindi po. Taga rito siya sa isla at mabait siya. Sa kanya ako nagtatago dati. Kaya lang kapag may nakakakita sa akin na taga rito at kilala ni Tatay, sinusumbong nila ako. Tapos sinusundo ako ni Tatay kay Kuya Dondon.” Pinagmasdan ko siya nang mabuti. “Puwede bang magtiwala ka sa akin? Ano bang pangalan mo?” “Jenny po.” “O, Jenny, magtiwala ka sa akin, okay? Sa akin ka titira. At kapag sinundo ka ng tatay mo, ako mismo ang kakausap sa kanya. Kapag sinaktan ka pa niya, ipapakulong ko siya.” Bigla namang nalungkot ang mukha niya. “Huwag, Ate. Kawawa naman si Tatay at mga kapatid ko. Baka wala na silang kainin kapag nakulong si Tatay.” Bahagya akong napatitig sa kanya. Sa murang edad niya, iniisip pa rin niya ang pamilya niya kahit siya ang nasasaktan. Tumayo ako at marahang pinatayo siya. Hinawakan ko ang isang kamay niya habang nakayuko akong nakatingin sa kanya. “Okay, Jenny. Sumama ka na sa akin. At kapag sinundo ka ng tatay mo, kakausapin ko lang siya at pagbabantaan. Okay na ba iyon?” Ang lungkot sa kanyang mga mata ay biglang napalitan ng munting saya. Natawa pa siya. “Nakakatawa ka naman, Ate. Sige, sasama na ako sa iyo. Ikaw na ang bahala sa akin.” Ngumiti ako at kinuha ang iba ko pang gamit. Isinuot ko ang tsinelas ko at sabay kaming naglakad pabalik sa kabahayan nang magkahawak ang kamay. Habang naglalakad kami, ilang beses ko na namang naramdaman ang presensyang iyon na kanina ko pa napapansin sa may batis. Parang may sumusunod sa amin, ngunit dahil wala naman itong ginagawang masama, hindi ko na lang nilingon. “Oy, Jenny, dugay naka gipangita sa papa nimo. Makulatahan na sad ka ba.” Napalingon kami sa lalaking nadaanan namin. Bigla namang niyakap ni Jenny ang hita ko sa takot. “Ah, Manong? Pasensya na po. Natatakot ata si Jenny. Bakit ho ba?” tanong ko. “Matagal na kasi siyang hinahanap ng papa niya. Baka mabugbog na naman siya.” Nainis ako sa narinig, pero hindi naman sa lalaking nagsabi noon. Sa ama ni Jenny ako nainis. “Manong, pasensya na po kung makikialam ako ha. Pero kung sasabihin niyo man sa tatay niya na nandito siya, pakisabi na doon kami nakatira kina Jamie. At ako ang kakausapin niya kung gusto niyang kunin si Jenny. Sige po, Manong, mauuna na kami.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Hinawakan ko ulit ang kamay ni Jenny at nagpatuloy kami sa paglalakad. Marami ang nakatingin sa amin habang dumaraan kami, ngunit hindi ko na iyon pinansin. “Jenny, ilang taon ka na?” “Apat po.” “Hindi ka nag aaral?” Umiling siya. “Hindi po.” Malungkot ang sagot niya kaya hindi na ako nagsalita pa. Tahimik na lang kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa bahay. Kinuha ko ang susi na ibinigay sa akin ni Jamie at binuksan ang pinto. Pagkapasok namin, napansin ko kung gaano kadumi ang damit ni Jenny. Naalala ko rin na may nakita akong mga nakadisplay na ukay ukay sa tindahan kanina. Kaya iniwan ko muna siya saglit at lumabas ulit para bilhin ang lahat ng damit na kakasya sa kanya. Pagbalik ko, pinagluto ko muna siya ng tubig at pinaliguan. Pagkatapos noon, binihisan ko siya ng malinis na damit at pinakain ng pagkaing iniwang nakatakip ni Jamie. “Ate, salamat ha,” sabi niya habang kumakain. Ngumiti naman ako. “Ang ganda mo talaga, Ate. Lalo na kapag ngumingiti ka. Bagay kayo ni Kuya Dondon.” Kumunot ang noo ko sa narinig ko. “Sino ba iyang Kuya Dondon na sinasabi mo, Jenny?” “Siya iyong may ari ng islang ito, Ate.” Hindi ko man pinahalata, agad akong naging interesado. “Saan ba siya nakatira?” “Sa likod ng bahay na ito, Ate.” Nagulat ako. Kaya pala may malawak na daanan sa gilid ng bahay ni Jamie. “Pagkatapos mong kumain, ilagay mo na lang iyan sa lababo. Huhugasan ko mamaya. Dahil wala pa si Jamie at wala pa akong mahihigaan, dito ka muna sa sala at magpahinga.” Tumango siya. Nang matapos siyang kumain, nahiga siya sa sala. Pinag unan ko sa kanya ang hita ko at hinayaan siyang magpahinga. Hindi nagtagal, nakatulog siya. At hindi ko rin namalayan na nakatulog na rin pala ako habang nakasandal sa upuan. BOG! BOG! BOG! Nagising ako sa malakas na kalabog sa pinto. Nagising din si Jenny at agad siyang natakot. “Diyan ka muna, okay? Bubuksan ko lang.” Tumango siya habang yakap ang sarili. Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang mukha ng isang matandang lalaking galit na galit. Sa likod niya ay may ilang taong nakatayo, mukhang mga kapitbahay na nakiusyoso sa gulo. “Bakit? Anong kailangan mo?” malamig kong tanong. Bahagya siyang umatras nang ako ang makita niya sa pinto. “Kukunin ko si Jenny. JENNY, GAWAS DIRA! PAGDALI!” Agad kong isinara nang bahagya ang pinto kaya lalo siyang nagalit. Humakbang ako palapit sa kanya. “Huwag kang makialam dito kung ayaw mong idamay kita!” sigaw niya habang pinipigilan siya ng ilang kapitbahay. Tumaas ang kilay ko. “Kung ganiyan ka makiusap sa akin para kay Jenny, mas lalong hindi ko siya ibibigay sa iyo.” Galit kong sinabi iyon, ngunit tila mas lalo lang siyang nainis. Bigla niyang hinubad ang sinturon niya at bago pa ako makaiwas, mabilis niya iyong inihampas sa akin. Tumama iyon sa hita ko. Napasinghap ako sa sakit at napaupo sa kinatatayuan ko. Narinig ko ring sabay sabay na napasinghap ang mga tao sa paligid. Itinaas niyang muli ang sinturon para hampasin ako ulit, ngunit bago pa man iyon bumagsak, isang malalim at nagbabadyang galit na boses ang umalingawngaw sa paligid. “ISANG HAMPAS PA NG SINTURON MO, AT HINDING HINDI KA NA MAKAKAUWI SA ISLA NIYO, DELFIN!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD