bc

Dating The Nation's Idol (The Nation's Idols Series #1)

book_age16+
1.1K
FOLLOW
5.5K
READ
possessive
aloof
confident
band
popstar
sweet
bxg
city
gorgeous
passionate
like
intro-logo
Blurb

Rai Sulline enjoys the peacefulness of her life. Everything is bound to change upon meeting the man whom she became friends one summer back in her teenage years for he is now one of the country's hottest idol.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Rai." Walang kagana-ganang napatingin ako kay Mommy. Ilang segundo na ring bumubukas at sumasara ang bibig nito dahil sa sinasabi niya sa akin. Hindi ko naman naririnig ang mga salitang iyon dahil naka-earphone ako at malakas na naka-play ang music na pinakikinggan ko. "Mommy!" marahas at biglang protesta ko nang bigla niya na lang hinablot mula sa aking tainga ang earphone. Kinuha niya ang isang pack ng wipes galing sa bag sabay abot nito sa akin habang tinuturo niya ang aking labi pati na rin ang pisnge. "Malapit na tayo sa bahay ng lolo at lola mo. Burahin mo na iyang nasa labi mo. Hindi nila magugustuhan kapag nakitang nagmi-make up ka na samantalang thirteen years old ka pa lang." I breathe deeply and grab the wipes from her. Agresibo at walang kaingat-ingat na pinunasan ko ang aking labi pati na rin ang pisnge bago padabog na tinapon iyong wipes sa kung saang parte ng kotse. Bumuntong-hininga si Mama na para bang naubusan na rin siya ng pasensya. Hindi lang parang. Sigurado ako na naubusan na talaga siya nang pasensya. I rolled my eyes on her. Napatingin ako sa bintana ng kotse at napansin ang palayan na nasa gilid ng kalsada. Tirik ang araw pero abala pa rin ang ilang magsasaka na itanim ang mga palay. Sa rami ng tao roon. Isang batang lalaki ang saglit na nakakuha ng atensyon ko. Suot nitong ang isang hinabing sumbrero, lumang jogging pants at kupas na camisa de chino. Sandaling nagtama ang mga mata namin. Natigil ito sa ginagawang paglalagay ng palay sa lupa. Ngumiti ito at muling yumuko para magpatuloy. Sa wari ko ay kaedaran ko lang ang lalaking 'yon. "Ganoon ba kahirap na makinig sa akin?" biglang sabi ni Mommy dahilan para mapatingin ako sa kaniya. "Harold wants to adopt you and I'm considering it." Mabilis na nangunot ang noo ko. "Aampunin ako? Bakit daw? Ayaw ko nga. Hindi ako papayag. Kung magpapalit ka ng apelyido kasi ikakasal na kayong dalawa bakit pati ako damay?" hindi ko na napigilang magtaas ng boses. "I am Rai Sulline Trujillo and I will remain Rai Sulline Trujillo until the day that I die." Mommy smirk before she released a soft chuckle. "Kapag kinasal ka mapapalitan din ang apelyido mo. Hindi ka magiging Rai Sulline Trujillo sa buong buhay mo hija," anito. Wala kaming imikan na dalawa hanggang sa binuhay niya na ang makina ng kotse at pinaandar ito. "Nandito na tayo," anunsyo ni Mama na para bang hindi ko alam na dumating na kami sa bahay ng mga magulang niya. Kabisado ko ang lugar na 'to. Palagi kasi akong hinihiram nina Lola tuwing summer pero madalas ay isang linggo lang ang tinatagal ko. Ngayon lang ako mag-stay rito buong summer kasi magiging busy na si Mommy at Mr. Castañeda sa preparation ng kasal nila sa June. Ayaw ni Mama na maiwan ako nang maiiwan mag-isa sa apartment namin kaya rito ako hanggang sa tapos na sila sa preparation. "Isarado mo iyong gate," utos sa akin ni Mama pagka-park niya sa maliit na garahe. Kinalas ko iyong seatbelt sa aking katawan sabay baba ng kotse para sundin ang utos nito. Ilang hakbang lang naman ang layo ng garahe sa gate na ngayon ay kulay white na mula sa dating puti. Nang binalik ko ang tingin sa bahay nina Lola ay saka ko napagtanto na bago na rin ang kulay nito. Sa kaliwang bahagi ng maliit na bakuran nila ay may swing na yari sa gulong ng truck. Nakatali ito sa sanga ng malaking puno ng mangga. "Rai!" Lola called me. Sa akin sila dumiretso ni Lolo. The fact that I am their only grandchild probably has a lot to say about why I am still their favorite even if it's hard to deal with me most of the time. Kinuha ko ang kamay ng dalawang nakatatanda para mag-mano. Giliw na giliw naman nila akong tinitigan. Animo'y ako na ang pinaka-mabait na batang nakita nila dahil lang nag-bless ako sa kanila. "Nagustuhan mo ba? Kagagawa lang niyan kahapon," ani Lolo habang pabalik-balik ang mata sa akin at swing. I looked at my mother. She is giving me that glare. A warning that I should pick nice words and appreciate my Lolo's effort. "Ang c-cute po," tangi kong nasabi bago dumiretso sa loob ng bahay. Sa center table sa sala ay nakahanda na ang pitcher na may juice pati na rin ang isang plato ng buchi at binangkal na specialty ni Lola. "Tatlong maleta? Ang dami nang dala niyang gamit. Parang may balak kang dito na tumira," sabi ni Lolo pagkapasok niya sa mga gamit ko. I tore my eyes off my phone. "Siyempre hindi. Ayaw kong tumira rito," dire-diretsong lumabas ang mga 'yon sa bibig ko. Mariin akong napapikit lalo na nang makita ko ang pagalit na tingin ni Mommy. "Rai dreams to become a Prima Ballerina," sabi na lang ni Mommy at sumapat na yon na dahilan para sa sinabi ko. Hindi kasi angkop ang pangarap kong 'yon sa lugar na 'to. Hindi ako magiging isang sikat na Prima Ballerina kung nandito ako sa probinsya dahil una sa lahat nasa siyudad ang iba't ibang ballet company. And I don't think people from rural appreciates the art of ballet. "Kailangan ko ring bumalik sa Manila bukas ng madaling araw," sabi ni Mommy kina Lolo. Kasalukuyan na kaming nagmemeryenda. Naka-on ang tv dahil tinatapos pa ni Lola ang paborito nitong noon time show na hindi ko maiwasang isiping baduy at walang kalatoy-latoy. "Rai magpakabait ka rito. Iwasan mo ring magmaldita para naman may maging kaibigan ka. Ilang taon ka nang pabalik-balik pero wala akong nababalitan na naging ka-close mo." "Kailangan ba talaga yon?" I whispered to myself before I drink my juice. "Huwag ka nang mag-alala Paula. Kami ng bahala sa apo namin. Kapag naging kaibigan nito si Totheé malamang magiging kaibigan niya na rin iyong ibang kabataan dito," si Lola. I don't like the sound of that name and the sound of Lola's idea. I'd rather stay all day inside of my room for the next two months like how I always spend my vacation here. "Totheé? Anong klaseng pangalan 'yon?" sa isip-isip ko pa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

POSSESIVE MINE

read
970.9K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.8K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
326.1K
bc

That Professor is my Husband

read
504.8K
bc

My Possessive Boss (R18+ COMPLETED)

read
5.3M
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
535.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook