Chapter 1

1030 Words
Alas-kuwatro ng madaling araw nang ginising ako ni Mommy. Nagpaalam lang 'to na babiyahe na siya pabalik sa Manila. Humalik siya sa pisnge ko at mahigpit akong hinagkan bago binilinan na huwag ko raw pasasakitin ang ulo nina Lolo at Lola. Dahil binabalot pa ng antok ang katawan ko sa mga oras na 'yon. Hindi ko na inintindi pa si Mommy. Basta lang akong tumanggo sa kaniya sabay talukbong ng kumot. Ang malakas na pagtilaok ng mga manok ni Lolo ang sumunod na gumising sa akin higit isang oras pagkatapos nang pang-iistorbo ni Mommy. Inilalim ko ang aking ulo sa ginagamit na unan at pilit na bumabalik sa himbing ng aking tulog ngunit parang napaka-impossibleng gawin non. The roosters are loud and I just can't ignore them. Iritable akong bumangon sa kamang sakto lang para sa isang katao.  "Lo!" tawag ko sa atensyon ng Papa ni Mommy. Lumiwanag ang mukha ni Lolo. Animo'y mas nauna pang sumikat ang araw sa mukha niya bago sa kalangitan. "Rai----" "Lo iyong mga manok mo sa labas. Ang iingay. Hindi ako makatulog e inaantok pa po ako." Nang sandaling pinasadahan nang mata ko ang bahay. Nakita ko ang paglakad ni Lola pa-dining table bitbit ang platong may lamang fried egg, bacon at hotdog. "Mabuti at nagising ka na hija. Halika na't kumain na tayo. Baka mahuli tayo sa misa. Ngayon pa man din ang unang linggo ng buwan," sabi ni Lola. Naghila pa ito ng upuan sa puwesto kung saan niya ako gustong umupo. "Matutulog pa po ako," anunsyo ko sabay pasok sa kuwarto at sarado ng pinto. Wala pang tatlong minutong nakasarado ang aking mga mata. Napilitan akong magmulat. Ilang segundo ring nasa puting kisame ang paningin ko bago ako napa-buntong-hininga. Iritableng napakamot ako sa aking batok bago pumunta sa cabinet. Bago natulog kagabi ay inayos na ni Mommy iyong mga gamit ko sa maleta. Nasa cabinet at drawer na ang karamihan sa mga damit ko. My hand ends up picking a pastel green floral dress. It's sleeveless and the cut is above my knee. Kumuha rin ako ng puting medyas para sa isusuot kong white sneakers. Pinatong ko ang mga 'yon sa ibabaw ng kama bago ko kinuha ang aking robe at towel sabay labas ng kuwarto. "Ligo lang po ako," sabi ko sa dalawang nakatatandang nagkakape na sa hapag. Puminta ang ngiti ng tagumpay sa labi nilang dalawa. "Sige. Bilisan mo lang nang kaonti para sabay-sabay na tayong tatlong mag-uumagahan. "I-Iyan ang suot mo sa simbahan?" puna ni Lolo paglabas ko sa kuwarto nang bihis na. Saglit akong humigop sa mainit na gatas na tinimpla ni Lola. "Opo," maikli kong tugon. Sandaling nagkatitigan ang dalawang matanda. "B-Bakit po?" I asked them. "Hindi ba't parang masiyadong maikli ang tabas ng bestida mo hija? Wala pang manggas," komento ni Lolo. Napatingin ako kay Lola. Humawak ito sa kamay ni Lolo bago bumaling sa akin nang nakangiti. "Bagay naman sa kaniya... Ganiyan na talaga ang mga uso ngayon." Depensa sa akin ni Lola. Muli akong pinasadahan nang tingin ni Lolo. Bumuntong-hininga siya na para bang tinanggap na lang niya na wala siyang magagawa para mapagpalit ako ng damit. "Lolo Fergus? Lola Ada?" sabay-sabay kaming napalingon sa sala nang marinig ang pang-lalaking boses na nanggagaling doon. Tumayo si Lolo at kinawayan iyong lalaki na pumarito sa hapag-kainan. "Ada, ikuha mo nga ng plato si Totheé," utos ni Lolo. "Ay ikaw na lang pala. Ikaw na lang ang kumuha ng plato mo. Sumabay ka na sa aming mag-umagahan," ani Lolo pagkatapos na magbago ang isip nito mula sa nauna niyang desisyon. "Tapos na po akong kumain," narinig kong sabi nung lalaki. Wala sa sariling napatingin ako rito nang maramdaman kong hinila niya ang upuan sa aking tabi at doon pumirmi. Our eyes interlock. My pupils dilated after I realized why this young man looks familiar. Siya iyong nakita ko kahapon na nagtatanim doon sa palayan. "Ito nga pala iyong apo ko. Si Rai." Tinuro ako ni Lolo roon sa lalaki. "Rai ito si Totheé... iyong sinasabi ko sa iyo kahapon. Parang apo na rin namin 'to ng Lola Ada mo. Sila iyong may-ari ng palayan at niyugan malapit sa lupa natin." When I glance at the young man I saw a boxy smile on his lips. It's full of bliss and is carefree. "Magkaedad lang kayong dalawa," dagdag na imporma naman ni Lola. "Birthday ni Jade ngayon. Gusto mong sumama sa amin? Maliligo po kami sa dagat at magpi-picnic mamayang hapon Lo," sabi ni Totheé kay Lolo. Pinagpapaalam na kaagad ako kahit na hindi ko pa naman sinasabi na gusto kong maki-join sa birthday bash nung Jade. Hindi ko nga kilala kung sino 'yon. "Ano sa tingin mo Rai? Gusto mo ba?" si Lolo na hinihingi ang opinyon ko. "Masaya yon. Mababait iyong mga pupunta. Walang mang-aaway sa iyo. Ako ang bahala." "Mukha bang ako iyong tipo na papayag na awayin ng iba? Kaya ko ang sarili ko. And no thanks. Ayaw kong mag-crash sa birthday party ng ibang tao," I said before I rose to my feet. "Kuha lang po ako ng cardigan, Lo." Bumuntong-hininga ako pagkasarado ko sa pinto ng kuwarto. Pakiramdam ko mayroon na naman akong nasabi na hindi maganda at hindi ko dapat sinabi. He was trying to be friendly and I was rude. Mabilis akong nakahanap ng cardigan na ipapares ko sa aking dress pero hindi muna ako lumabas. Saka lang ako kumilos nang marinig na umandar ang makina ng kotse ni Lolo. "Hija, susunod na lang kami ng Lolo mo sa simbahan. Sasamahan ka muna ni Totheé habang wala kami. May emergency lang sa niyugan natin," ani Lola sa nagmamadaling tono. Natauhan na lang ako nang sinarado na ni Totheé ang gate sabay baling ng mata sa front door. "Alis na tayo, Rai? Papara pa tayo ng tricycle roon sa sakayan," anito habang lumalakad papasok sa bahay. Dire-diretso niyang kinuha ang susi ng pinto sa drawer na nasa ilalim ng patungan ng tv. Ang lalaking 'to. Mas kabisado niya pa ang pasikot-sikot ng bahay nina Lolo kesa sa akin. "Labas na para masarado ko na itong bahay," aniya habang nakangiti. Napangiti na lang din ako sabay hakbang palabas ng pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD