"Malayo pa ba?" tumigil din si Totheé sa paglalakad nang bigla akong humarap sa kaniya. Ang isang kamay ko ay nakataas pa rin at tinatakpan ang aking mukhang natatamaan ng sinag ng araw.
Thank God for sunblock.
Totheé tilted his head and body to my left then pointed at a small shed. "Doon tayo papara ng tricycle." Ngumisi siya sa akin sabay sa pagbalik niya sa dating tindig. "Wala ka pa naman tayong sampung minutong naglalakad." Napatingin ito sa aking kamay. "Saka hindi mo pa kailangang gawin iyan. Maaga pa. Maganda pa ang epekto ng sikat ng araw sa katawan mo kapag ganitong oras." I tsked at him and then starts walking towards the shed.
"Palagi kang kasama tuwing nagsisimba sila?" tanong ko. Ilang minuto na rin kaming nakatayo sa waiting shed. Ilang tricycle na rin ang dumaan pero puno na ang mga 'yon kaya hindi kami makasakay na dalawa.
"Oo. Linggo-linggo. Tapos kapag may gawain si Lola Ada sa simbahan. Sinasamahan ko rin siya minsan kapag wala masiyadong gagawin sa palayan namin." Wala sa sariling napatingin ako sa kupas ng itim na pantalon niya at halatang lumang rubber shoes.
"Palayan niyo? Ibig sabihin mayaman kayo?" mahinang tumawa si Totheé. "Hindi kami mayaman. Saktong may kinakain lang para sa araw-araw."
"Paanong hindi e may palayan nga kayo?" giit ko pa. Feeling ko kasi gino-good time niya lang ako.
"Mayroon nga. May palayan kami pero hindi ekta-ektarya katulad ng sa pamilya niyo." Natapos ang saglit na pag-uusap namin ni Totheé nang makapara siya ng tricycle na walang pasahero.
"Una ka na," anito. Bago ako pumasok sa loob. Napansin kong hinarang niya pa ang kamay sa aking ulo. Inaalalayan na hindi tumama sa sidecar ang aking ulo. "Simbahan po Manong," sabi niya sa driver bago pumasok sa loob at tumabi sa akin.
Diretso lang ang tingin sa unahan. Medyo may kalakihan iyong sidecar kaya hindi naman kami nagsisiksikan na dalawa. Kumportable naman siya.
Napasinghap ako at mabilis na napatingin kay Totheé nang inabot niya sa akin ang kulay purple niyang panyo. "What am I gonna with these?" I asked confusely.
"Tabon mo sa binti mo."
"Ha?"
"Basta itakip mo na lang," sabi niya nang hindi napatingin sa akin. Tumingin ako sa aking binti. Saka ko lang napagtanto na tumataas pa lang ang dress ko at halos nakikita na ang suot kong safety shorts. Dali-dali kong binuklat iyong panyo sabay latag non sa ibabaw ng aking binti.
Sampung minuto lang halos ay narating na namin ang simbahan. Dahil nasa sentro ito ng Bagumbayan madalas namin itong nadadaanan pero ngayon pa lang talaga ako makakapasok.
Habang papasok kami sa simbahan ay tinutupi ko ang panyo ni Totheé. Ilang minuto na rin kaming nakaupo sa panglimang hilera ng pew sa simabahan bago ko kinalabit si Totheé. Mabilis itong napatingin sa akin. I handed him his handkerchief. "Salamat." Tumanggo ito. "Pero sa susunod kasi dapat mas mahaba nang kaonti iyong susuotin mo para hindi na mauulit iyong sa tricycle kanina."
Habang nakatingala ako at pinagmamasdan ang chandelier pati na rin ang iba't ibang painting sa kisame ng simbahan. Animo'y hinango ito sa sikat na paintings sa kisame ng Sistine Chapel na gawa ni Michaelangelo. Bigla na lang lumapit sa amin ang tatlong babae.
"Jade," masigla ang pagkakasabi ni Totheé sa pangalan ng babaeng nakasuot ng kulay white na babydoll dress. Bagay 'yon sa kayumangging kulay ng kaniyang balat. Kinomplema rin ng disenyo ang bilugun at inosente nitong mga mata na parang kumikislap pa nga.
Napatingin ito sa akin. "Magkasama kayo?" para bang naiilang ang tono ng boses ni Jade. Saglit pang nagtama ang mata nito pati na rin noong dalawa pang babaeng nasa likuran niya na wari ko ay kaedaran lang din namin.
"Oo." Tumingin sa akin si Totheé sabay kamot sa kaniyang batok. "Si Rai. Apo ni Lolo Fergus at Lola Ada. May emergency kasi sa lupa nila kaya kami munang dalawa ang magkasama," dire-diretsong sabi ni Totheé. Hindi nakatakas sa aking mga mata ang pamumula ng kaniyang tainga pati na rin ang pagiging tensyonado nito. Kanina naman chill lang siya.
"Ganoon? Sige mamaya na lang sa birthday ko. Kita tayo... Rai?"
"Hmm?" I murmured. "Punta ka rin kung wala kang gagawin," sabi nito sabay alis na para pumunta sa mas naunang pew.
Totheé breathe deeply. Tahimik na nagpabalik-balik ang mata ko sa kaniya at sa puwesto kung saan naupo si Jade. Tingin ko ay kasama niya rin ang pamilya niya sa pew na pinuntahan.
"Ang cute ng dress niya. Mas lalo siyang gumanda," I said while eyeing Totheé.
Mas mabilis pa sa pagkisap ng mata na tumanggo-tanggo ito para sang-ayunan ang sinabi ko. "Maganda talaga. Ang bait pa..." I hardly press my lips together to stop myself from bursting out of laughter.
"May gusto ka roon sa Jade no?" humawak si Totheé sa batok niya. His boxy smile showed up again. "Halatang-halata ba?"
"Oo kaya."
Natapos ang misa. Hindi na nakapunta pa sina Lolo at Lola kasi kinailangan nilang samahan iyong isa sa trabahador na natuklaw ng ahas.
"Puwede na tayong sumakay rito?" I asked him. Marami kasing tricycle na nakaabang sa tapat ng simabahan.
Totheé looked around. "Oo... pero teka lang. Kinuha niya ang coin purse mula sa bulsa ng pantalon na suot. Punta muna tayo sa bayan. Ngayon pa lang ako bibili ng regalo para kay Jade. Samahan mo 'ko." Tumaas-taad ang kilay nito. "Huh? Samahan mo ko. Sandali lang naman," pangako niya pa.
"Rai tingnan mo 'to." Pinakita ni Totheé ang hawak niyang pulang silk na scrunchie saka dalawang hairclip na may tatlong white daisy na design.
"Nakita mo naman si Jade kanina di ba? Bagay ba 'to sa kaniya?" Hinawakan ko iyong mga pinakikita niya. Totheé has an eye for this kind of thing. It's like alam na alam niya kung ano ang ginagawa niya pero clueless siya na alam niya yon at the same time. Ang ganda-ganda ng mga napili niya at sa totoo lang ay parang gusto ko rin non.
"Mahaba at mukhang malambot na malambot ang buhok niya. Bagay 'to sa kaniya. Bilhin mo na," I said.
"Sige." Sang-ayon niya pa. "Babayaran ko lang 'to saka ipalalagay sa maliit na box," sabi niya bago kinuha sa akin iyong scrunchy at hairclips.