Chapter 3

2515 Words
"Bayad po. Salamat Manong," sabi ni Totheé sa tricycle driver. Kumaway pa nga 'to bago siya humarap sa akin tapos naglakad papunta sa gate namin. "Balak mong tumakbong Mayor ng Roxas?" tanong ko habang hinihintay na mabuksan niya iyong gate. Naka-padlock kasi 'yon. Takang tumingin ito sa akin nang maalis niya na iyong kandado. "Mayor? Ako?" umiling si Totheé. Kitang-kita ang pagkalito sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. "Ah. Akala ko kasi plano mo. Masiyado ka kasing friendly. Tapos kilala mo yata ang lahat nang nakatira sa Bagumbayan." Pumasok na ako sa loob. Sumunod din naman 'to. Magtatanghali na halos pero hindi pa rin nakababalik sina Lolo. Tumawag sila sa akin noong nasa bayan pa kami kanina. Baka matagalan pa raw sila nang kaonti roon. Ayaw rin pati iwan ni Lola Ada iyong asawa ng trabahador sa palayan. Hindi raw kasi iyon tumitigil sa pag-iyak dahil sa labis na pag-aalala. "Wala ka bang balak na magluto? Maski magsaing man lang kung hindi ka marunong sa ulam?" awtomatik na umirap ang mga mata ko sa ere. Ganito ba talaga itong lalaking 'to? Pakialamero tapos bossy? "Pag-uwi ng Lolo at Lola mo siguradong gutom na yon. Kahit man lang sana kanin may maabutan sila..." Narinig ko ang mahinang paghalakhak ni Totheé. Hindi ko gusto ang tunog non. Para kasing nakakainsulto. "What?" I sneered. "Hindi ka marunong magsaing, no?" "No! Of course I know how to cook. Magaling ako magluto ng kanin." Mas lalo pang ngumiti si Totheé nang matunugan ang pagkapikon sa aking boses. Sinadya kong irapan 'to nang dumaan ako sa harap niya bago ako dumiretso sa kusina. Palagi kong nakikita si Mama na magsaing. Hindi naman 'yon ganon ka komplikado. I'll just have to put some rice in the rice cooker with a measuring cup, rinse it, put water on it and turn on the rice cooker. Halos pagbalik-baliktarin ko na ang kusina nina Lola ay hindi ko pa rin makita ang rice cooker. I'm sure magkakamukha ang rice cooker kahit pa galing sila sa ibang brand kaya impossible na hindi ko yon mahahanap. "Nasalang mo na?" "Can't you wait? Ikaw yata itong gutom na. Imbes na ginugulo mo 'ko umuwi ka na kaya sa inyo at magsaing na," hindi sinasadyang angil ko rito. Ngumisi lang siya sa akin sabay upo sa mahabang upuan na nasa tabi ng lamesa. Nasaan na ba kasi 'yon? "Ayan lang talaga sa harapan mo iyong palayok na sinasaingan ni Lola Ada. Ano bang hinahanap mo?" bigla nitong sabi nang sa tingin ko ay mapagod na siya sa panunuod sa akin. I look at him with my eyes wide-opened. Itinuro ko iyong kulay orange na pot. "Ito?" nakakunot ang labing kinumpirma niya iyong hawak ko. "Wala bang rice cooker sina Lola?" "Bihira lang ang mayroon non dito. Mas masarap iyong kanin na sa palayok niluto." Dinala ko iyong palayok at binigay sa kaniya habang umiiling. "I know how to make rice but in rice cooker. Hindi ko naman alam na ganito. Didn't expect for it 'cause everyone in the city has rice cooker." "Palusot," bulong ni Totheé bago siya nagsimulang magsaing. Ako naman ay tumakbo sa kuwarto ko para sa aking cellphone. I dialed my Mama's number. Nang akala ko ay hindi niya sasagutin ang tawag ko at ibaba ko na dapat. Narinig ko ang boses nito. "Rai..." "You won't believe this. We don't have rice cooker here!" I informed her. Malalim na bumuntong-hininga si Mama. "Frustrating right? May SUV sina Lolo pero walang rice cooker? Unbelievable!" I exclaimed. "You call to tell me this?" naniniguradong sabi ni Mama. "Yes." hindi pa sure na sagot ko rito. "We used to have one back then but your Lola prefers cooking rice in her pot." "Ganoon? I'm gonna convince her to use rice cooker. It's convenient. Lalo na't they are getting old." "Naisalang ko na iyong sinaing," pagpapaalam sa akin ni Totheé paglabas ko sa kuwarto. "Uwi na ako," anito sabay turo sa main door. Humakbang to at lalampasan na ako nang hinila ko ang laylayan ng damit niya dahilan para tumigil ito at bumaling sa akin. "Huwag mo muna akong iwan." When I realize that I used a wrong choice of words. My mind immediately works with my excuse. "Huwag mo muna akong iwan k-kasi... kasi hindi ko alam kung paano babantayan iyong sinaing." Binitawan ko na ang laylayan ng damit ni Totheé pagkatapos kong mapansin na nakatingin siya sa kamay ko na naroon. The boxy smile is at his lips again. "Hindi ka talaga nagsasaing no?" "Well I'm busy with my ballet. Mas gusto ni Mama na mag-focus ako roon." I paused. "Pinauuwi ka na ba sa inyo? May gagawin ka pa sa bahay niyo?" "Wala naman. Wala na. Natapos ko na lahat kahapon. Magri-ready lang ako para mamaya sa birthday ni Jade." "Ah. Magko-confess ka na sa kaniya?" I couldn't help but be curious. Kung bakit ay hindi ko alam. Maybe out of boredom? Kung nasa Manila ako ay hindi ko papakialaman ang lovelife ng ibang tao. "Hindi pa. Kapag naka-graduate na kami sa junior high school. Aamin ako tapos liligawan ko na siya." "Kaedad daw kita sabi ni Lolo Fergus. It means you're incoming grade 8 too. Dalawang taon ka pang maghihintay. Sigurado ka ba na gusto mo pa rin si Jade after two years?" namula ang mga tainga ni Totheé. "Oo. Bakit naman hindi ko na siya magugustuhan pagkatapos ng dalawang taon?" I rolled my eyes. I don't know if he is just naive or plain fool. "Kasi po nagbabago ang feelings ng tao. Iyon ngang kasal na nagbabago pa rin ang feelings para sa asawa nila iyan pa kaya." Tulad ni Mama at ni Papa. "Kung ikaw pala iyong super faithful na type. Sana dumami pa ang kalahi mo. Rare kasi iyan. Kasing rare na makakita ng remains ng dinosaur sa panahon natin." "Ang lalim naman yata ng hugot mo," komento niya bago tinakbo ang kumukulo ng sinaing. Mag-aalas dose na ng tanghali nung dumating sina Lolo Fergus at Lola Ada. Habang nakaupo pa rin ako sa sofa. Si Totheé na hindi nga talaga ako iniwan nang mag-isa rito sa bahay ay nasa pinto na at nakasalubong na. Sa aming dalawa parang mas mukha pa na ito ang apo nila. Na-conscious ako nang kaonti. I stood up from the sofa and walk to the door way. Nakisilip na rin ako. "Pagpalain ko ng Diyos," ani Lola Ada pagka-bless ni Totheé sa kaniya. Ganoon din ang ginawa niya kay Lolo Fergus. Mayroon pa rin pa lang mangilan-ngila na nagmamano talaga? "Rai..." tawag ni Lolo. Nakalahad na sa harap ko ang likod ng palad niya. I smiled shyly and then take her hand to bless. Ganoon na rin ang ginawa ko nang si Lolo Fergus naman ang pumasok sa pinto. "Buti na lang hindi mo iniwan 'tong si Rai rito," si Lola. "Opo. Natakot kasi akong baka masunog niya 'tong bahay niyo." Ginulo-gulo ni Totheé ang buhok ko. Nakita yon ni Lolo. Giliw na giliw 'tong makita kaming ganoon. "Sabi ko na nga at magkakasundo kayong dalawa," anito. May dala na silang lutong ulam. Hinahanda na 'yon ni Lola. Pumuwesto na ako sa dining table. Kanina pa talaga ako ginugutom. Buti na lang nga at hindi nagwawala ang tiyan ko. Napaka-laking kahihiyan non pagkakataon. "Totheé rito ka na kumain." Pinakita ni Lola Ada kay Totheé ang apat na platong kinuha niya sa kusina. "Bumili ako ng kalderetang kambing. Paborito mo 'yon di ba? Tapos kung matatapos nang maaga yung lakad niyo nina Jade. Birthday niya 'di ba? Daan ka rito padadalhan kita ng inasal. Request yon ni Fergus." Bago matapos magsalita si Lola ay nasandukan niya na ako at si Totheé ng kanin. She glance at me after she sat down on her chair. "Baka may gusto ka ring ipaluto sa akin mamayang hapunan, Rai." "Hindi po ako kumakain ng kanin sa gabi. Oatmeal lang po. May sinusunod akong diet." "Diet?" gulat na gulat si Lola Ada. Tinitigan niya ako nang mabuti. Para bang iniisip niya muna nang mabuti ang sasabihin sa akin. "Hindi ba't masiyado ka pang bata para sa ganiyan." Ang dalawang lalaki sa amin ay kumakain na pero nakikinig pa rin sa usapan namin ni Lola. "Kailangan ko kasing i-maintain itong timbang ko para sa pagba-ballet. Mabilis akong tumaba kaya hindi puwedeng wala akong diet plan," I said. "Ganoon ba? Sige." Lola Ada directed her eyes to her husband. "Maya-maya mag-grocery tayo para sa oatmeal ni Rai. Kung may kailangan ka pa. Ilista mo na lang sa papel." Mahina akong natawa. Imbes na susubo na si Lola ay bumalik pa tuloy ang mata niya sa akin. "I mean... I could message you with the list through f*******:'s messenger." "Alam mo namang wala kaming alam diyan." "Aalis pala ulit sina Lola. Sumama ka na sa 'kin sa birthday ni Jade para hindi ka mag-isa." Mataman kong tiningnan si Totheé. "Ayaw ko nga. May iba na akong plano," I said. ******* "Sa Pillar Ruins po ako." Hindi na nagtanong pa iyong tricycle driver. Sigurado ako na alam na nito kung saan ba iyong tinutukoy kong lugar. Pillar ruins is surrounded by crystal waters and an unobstructed view of the sea. It is a popular Batangas tourist spot because of its iconic Grecian pillar ruins, giving the Santorini Batangas vibe. "Gusto mo bang balikan kita rito para sunduin? Bibihira na lang ang tricycle na nagagawa rito paglubog ng araw. Wala pa man ding kuryente. Alam ba ng Lolo at Lola mo na nandito ka?" the tricycle driver is being nice but I declined his offer. "Susunduin po ako ni Lolo. Alam niyang nandito ako. Susunod din 'yon sa akin maya-maya," I lied. Pag-abot sa kaniya ng forty pesos na bayad. Ngumiti lang ako rito at dumiretso na sa Pillar of ruins. Abandoned places always captivate me. Being there or just seeing photos of those once glorious places heightens my senses and imagination; the breaths made, sighs released, and laughter shared in the past are magnified and revived by the solemnity of the place. Most of the time, I catch myself playing inside my head the hustle and bustle of what used to be busy places, making them livelier to me than ever. This Pillar ruins gave me that feeling. When I finally arrived, it did not disappoint. It's 5:45 in the afternoon. Ilang minuto na lang magsa-sunset na. Iyon talaga ang habol ko rito e. Naupo ako sa sahig ng animo'y dating tirahan ng kung sino mang Diyos o Diyosa. Malapad at napakatamis ng ngiti sa aking labi habang sinusuot ko ang aking pointe shoes. Nang ma-secure na maayos na ang pagkalatali ng ribbon sa aking ankle. Inabot ko ang aking airpods at sinuot yon sa tainga. I opened my music app and click on my playlist full of songs use for ballet. Clair de Lune started to play. The melody and rhythm of the music took in control of my body. The first move that I did was balancé. A three-step combination in which I steps to the side with one foot, lifts onto the ball of the second foot from behind the ankle, then replaces weight on the ball of the first foot to begin again on the other side. I closed my eyes. Noong mga panahong 'yon. Malayang gumalaw ang aking kamay, braso at mga paa na para bang ang buong uniberso ang may hawak ng kontrol sa kanila. I spin and spin with my one foot. The adrenaline rush in my body is uncontrollable. I can dance to a lot of ballet song tonight and even if I'll end up exhausted and sore the following day. I wouldn't mind. "Rai!" biglang nabasag ang kapayapaan. Ang puwersang kumokontrol sa aking katawan ay parang nagulat at natakot sa presensya ng kung sino man kaya bigla na lang ako nitong iniwan. Marahang lumapat ang mga paa ko sa sahig mula sa pagkakatingkayad. I opened my eyes to look for the owner of the voice and I find him staring two step away from me. Hinahapo si Totheé. Malinaw kong naririnig ang malalim nitong paghingi nang hawakan niya na ang kamay ko at hinila ako sa gitna ng Pillar ruins. Ilang segundo pa bago ko nagawang bawiin ang kamay ko sa kaniya. I look at the spot where I was standing before he pulled me. Halos na sa dulo na ako ng sahig, malapit na sa bangin at kung umikot pa ako ng isang beses baka kung ano na ang nangyari sa akin. "Ano bang ginagawa mo? Magpapakamatay ka ba?" asik nito sa akin. Sa mga oras na 'to. Hindi ibang tao ang tingin ko kay Totheé. Ewan basta mayroong kakaiba sa kaniya. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay nito at dinala 'yon sa aking dibdib. Noong una ay pumalag pa siya ngunit nang maramdaman niya ang t***k ng puso ko. Napatingin ito sa akin. Binaba ko na ulit ang kamay ni Totheé. "My heart has always been restless and anxious but I don't feel that way at the moment." Bumuntong-hininga ako. "Hindi pa 'to naging kalmado nang ganito. Now tell me. What made you think that I want to kill myself?" I asked, maamo ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. "Why would I kill myself at the same moment when I feel like I am one with the universe, that it is mine?" Gaya nang sinabi noong tricycle driver na naghatid sa akin kanina. Wala nga talagang ilaw sa paligid kasi walang kuryente. The only thing that gives Totheé and I lights are the moon and the flashlight of my phone. "Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko nang maalala na rin sa wakas na sabihin ang mga salitang 'yon. Kanina pa 'yon naglalaro sa isip ko. "May malapit na private resort dito. Roon cinelebrate iyong birthday ni Jade." "Tapos na?" kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. I sound nosy and I don't like that. Lalo na't ang labas ay para akong masiyadong excited sa whereabouts ng lalaking 'to. "Hindi pa. Nauna lang akong umuwi kasi..." at the last minute. Totheé came up with a decision not to tell me the reason why he left his crush's party. My phone light up at my Lolo Fergus' message. On the way na raw sila ni Lola para sunduin kami. The fact that I am with Totheé would probably save me from their sermon. Buti na lang din nagawi rito ang lalaking 'to. "Nagustuhan ba ni Jade iyong scruchie at hair clip?" Ngumiti si Totheè. Hindi yon katulad ng mga ngiting nasa labi niya kaninang umaga. Pilit ang mga 'yon at may kung anong pilit na tinatago. "Nag-thank you siya," tanging sinabi nito. Totheé sighed. "Hindi ko talaga naibigay. Ang gaganda kasi ng regalo sa kaniya nung ibang bisita. Nahiya ako," anito. All of a sudden I feel bad for him. "Sa susunod ko na lang ibibigay kapag kaming dalawa lang. Marami pa namang next time." Tumayo na 'to. Dinampot niya ang pointe shoes ko. "Lika na. Doon na natin sila abangan sa gilid ng kalsada." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD