Chapter 29

1434 Words
“Paano mo nalaman?" tanong ko sa kaniya. Pareho na kami ngayon nakaupo sa hagdan, forgetting that we are wearing our toga at naka-formal attire rin. “Ang ano?" pagtatakha nito. “Na umiiyak ako." “Ah, I was my way out para bumili ng water kaso nakasalubong kita kaya ayon, binitbit na rin kita." natatawang sagot nito sa akin. Tinignan ko naman siya. He looks different when he smiles. Unlike sa fierce face niya, nakakatakot. I feel like this man will be a better partner. “Gusto mo maging boyfriend ko?" pang-aasar ko sa kaniya, gusto kong i-avoid ang usapan namin about sa mga friends ko dahil for sure, magtatanong siya. Ayokong nilalabas ang saloobin ko sa iba lalo at tungkol ito sa mga kaibigan ko. Ayokong i-back stab sila para lang maging maayos ako. “Sure ka? Pwede naman. We're both single!" sabay nito sa asar ko sa kaniya. “For real or for fun lang?" tanong niya sa akin. Ay, totoo ba? Akala ko ay sumasabay lang siya sa akin, hindi ko naman akalain na gusto niya iyon maging totoo. Pero why not, for a change lang. I looked at him, observing. I don't know if gusto ko na nga ba talaga na mag-boyfriend or I am just in love with the idea of having a boyfriend. Complicated. “For fun?" hindi siguradong sagot ko sa kaniya. Natawa naman ito at inilahad ang kamay sa akin, tinignan ko iyon. Without knowing why and without him answering, I hold his hand. Accepting the challenge which I initiated. This is for fun, no other than fun! Inalalayan niya akong tumayo at pinagpagan ang toga ko sa likod. He's really acting as my boyfriend! Dahil nga for fun lang ito, lumapit ako sa kaniya para punasan ang kaniyang pawis. Masyado na kasing mainit dito sa labas. “Tara na sa loob, mawawala 'yung freshness mo." natatawang sinabi ko sa kaniya. This will be surely memorable for me. I will indeed remember this gentleman whom I met for only a day. Binuksan niya ang pintuan at pinauna akong pumasok. Medyo malapit na kami dahil 2 rows before sa amin na lang. Bumalik kami sa upuan namin, ramdam ko ang tingin ng mga kaibigan ko. Nandoon pa rin kasi sila naka-pwesto at mukhang nag-eenjoy sa mga pinag-uusapan nila. This wasn't the first time that it happened, na maging outcast ako saming magkakaibigan. The first time was noong nabalitaan ko na nag-movie night out sila at kasama nila iyong mga kaklase naming hindi nila gusto ang ugali. Alam ko kasi mismong si Kyle ang nagsabi sa akin. I didn't ask them why and they didn't even bother to explain. They didn't owe me any explanation kaya pinalampas ko iyon dahil baka nga nagkita lang sila doon sa sinehan. Next thing I know, every night na pala ginagawa iyon. Nag-movie night out sila or just shopping at ang napansin ko lang ay lahat ng ginagawa nila is involve ang pera. Maybe they didn't invite me dahil alam nilang wala akong pera, hindi ako papayagan, nakalimutan nila, or ayaw lang talaga nila. I can't be bother with the thought of them enjoying their night with the classmates that they didn't even want the attitude. Bahala sila. Tapos nagtanong ako sa kanila kasi hindi ko na mapigilan magtanong noon lalo na at nakakalimutan nila ako. “You're friends with them?" “Yeah, It just happened." sagot ni Rachel as if it wasn't a big deal. God knows kung gaano ka-hate ng mga kaibigan ko ang mga kaklase naming iyon. “Why?" “Basta, it happened. Nangyari na ang nangyari.” Kath answered me in a cold tone, tinignan ko siya. “Treating me like an outcast now, ha?" inis na sinabi ko sa kanila. Hindi ko alam kung paano kami nagkaayos noon. Wala akong idea paano nangyari na tinolerate ko lang ang ginagawa nila sa akin. Hindi ako nag-be-benefit sa kanila nor sila sa akin. They were really my good friends, time changes us. Kaya ang nangyayari ay mas nagiging close na silang tatlo. “May ginawa sila sa'yo ano?" sambit niya as if meron nga pero naman talaga. Nanliliit ang mata kong tinignan siya, natatawa. Trying to avoid pa rin sa usaping iyon. “You know what, ang swerte ng magiging girlfriend mo. Sobrang gentleman mo." puna ko mula sa mga actions na pinakita niya sa akin kanina. Lumapit ito sa akin at inilapit niya ang braso niya sa braso ko, ang mukha ay papalapit na sa mukha ko. “Swerte mo pala." natatawang sagot nito at lumayo sa akin. Oh shoot, nandito nga pala ang parents ko. I know they've been watching my actions ever since na humiwalay kami ng pwesto kanina sa kanila. “Iyong totoong girlfriend mo." pagdidiin ko sa word na 'totoo'. Inalis ko na lang sa aking isipan ang parents ko. “Let's make it real, then." biglang sinabi nito sa akin, hinampas ko naman ang braso niya. “Alam mo, pigilan mo 'yung bunganga mo. Kung ano-ano lumalabas." natatawang sinabi ko sa kaniya. After 15 minutes ay lina na namin ang tinatawag. Tumayo na ako, nakita ko sa dulo ng row namin si papa na naghihintay. Tumingin ako sa likod ko, hindi ko na makita si Louis dahil nakasunod na rin sa likod ko ang kapatid ko at ang iba pa. Inabot ko ang braso ni papa at kumapit doon, ang kapatid ko naman ay sa kapatid ko. “Ma, alis kami mamaya ha." rinig kong sinabi ng kapatid ko, tinignan ko siya. “Saan kayo pupunta?" tanong ni papa. “Tagaytay lang. Pahingi ako pera ha." Walang alinlangang sinabi ng kapatid ko. “Walang pera, manahimik ka sa bahay." si mama na agad tumanggi sa kagustuhan ng kapatid ko. “Kapag si ate, pwede umalis kahit kailan niya gusto. Kapag ako, bawal?" pagkukumpara ng kapatid ko, hindi ako sumagot. Ayokong makipag-away ngayon dahil alam ko mamaya ay may away na magaganap. Knowing my mother, she will get in the roots of everything hindi para ma-solve ang problema kung hindi ay para maipagkumpara kami. We already told her na iba ang panahon namin sa panahon niya. We respect their generation, respect ours too. Hindi pwedeng habangbuhay kaming magpapakaalipin sa mga pangarap at kagustuhan niyo para sa amin. “Manahimik ka sa bahay, tigilan mo ko sa kakaganyan mo." sagot ni mama sa kapatid ko. Kinalabit ako ni Pia, tinignan ko siya. Nakalahad ang palad nito, nanghihingi ng pera. Umiling ako, hindi dahil sa nagdadamot ako sadyang nakatago lang ang pera ko. “Ang damot mo naman, te!" biglang sigaw nito. Ang ilang mga nasa pila ay patingin sa amin. “Tumahimik ka nga, para kang bata dyan." sabi ko sa kapatid ko. All she do in her life is to impressed her friends. Kahit walang-wala na kami, gusto niya pa rin makibagay. I get her point, minsan na rin siyang na-bully dahil sa wala kaming maipambili ng sapatos niya. I looked at her, puro kalungkutan ang makikita sa mga mata niya. Umiwas ako ng tingin at namumuo na ang luha sa aking mga mata. Hindi ko kayang nakikitang naghihirap ang kapatid ko. Ayokong naiinggit siya sa iba dahil lang may mga kaya sila na hindi namin kayang bilhin. “Mamaya na, meron pa ako dito sa wallet." sabi ko sa kaniya. I am working not for myself, too but also for my family. Ayokong magdamot sa kapatid ko, ayokong ilayo siya sa mga bagay na dapat nakukuha niya pero hindi niya magawa dahil pinipigilan namin siya. Narinig ko na sinermonan siya ni mama pero hindi niya ito pinapakinggan, may kausap na ito sa cellphone. Nakuha niya ang fighting spirit ni mama kaya ayan, hindi sila nagkakasundo. I wanted to share my every amount that I earned sa kapatid ko. Gusto ko maging proud siya sa mga nakukuha niya at maging proud sa amin. Tumingin na ako ng diretso sa pila. Medyo mabagal ang pag-move forward dahil masyadong maraming picture taking ang nangyayari sa stage. May binigay si papa sa akin na bulaklak, kinuha ko iyon. A red rose kahit na hindi ito bouquet tulad ng hawak ng iba, mas masaya ako sa ganito. “Salamat, I love you." sabi ko sa kaniya. I appreciate all his small efforts, kahit na matanda na siya at pinipilit na lang kami pagtapusin ay sobrang pasasalamat namin sa kaniya. He knows the best, hinahayaan niya kaming magkamali para matuto kami. Hindi siya tulad ni mama na hindi pa namin nagagawa, pinipigilan na kami. I promise that I will be successful at sisiguraduhin kong matutulungan ang parents ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD