Chapter 30

1388 Words
“Kate Sanchez!" Umakyat na kami sa stage, inabot kay papa ang medal ko habang ako naman ay nakikipag-shake hands sa mga teachers at sa principal naman manggagaling ang aming diploma. “Congratulations, Miss." sabi ng principal namin, ngumiti ako sa kaniya at tumango. Inabot niya sa akin ang diploma at inilahad niya sa akin ang harapan ng stage. Pumunta ako sa harapan at sinalubong doon si papa. Isinabit niya sa akin ang medal at humarap kami sa photographer para makuhanan kami ng picture. Narinig naming sunod na tinawag ang kapatid ko kaya gumilid kami para magkaroon kami ng picture kaming apat. Hindi naman issue iyon para sa mga teachers since alam nilang magkapatid kami. Masyado kasi akong active sa mga school contest kaya nalalaman nila kung sino ang mga kaibigan ko at kapatid ko. After a while, pumunta na sila sa harapan para isabit ang medal sa kapatid ko. Pagkatapos naman ay nagpicture lang silang dalawa atsaka kami tinawag para kasama na kaming dalawa ni papa. Feeling ko ay babagsak na ang luha ko kaya sinabihan ko na sila na bumaba na kami. Sa sobrang pagiging family oriented ko, any occupations na related ang family ko ay naiiyak ako. Bumalik na kami sa mga kaniya-kaniya naming mga upuan. Nandoon pa rin si Louis at pumapalakpak sa akin. Nag-bow down naman ako sa kaniya bilang pakikisabay sa palakpak niya, nagtawanan naman kaming dalawa. “Panis, ako lang 'to." Natatawang sinabi ko sa kaniya, inabutan niya naman ako ng isang rose like my father did. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa bulakbulak at sa kaniya. Grabe naman ang taong ito, talagang seryoso siya sa mga ginagawa niya sa akin. “Ayaw mo ba?" natatawang tanong niya, agad na kinuha ko iyon. Mahirap na, baka bawiin niya eh. “Remember, I'm your boyfriend for a day." bulong niya sa akin, lumayo ito sabay kindat. Tumayo naman siya at sinundan ko lang siya ng tingin, kinikilig ako! Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa kaniya, wala pa nga akong pa-thank you! “Pila na ako. Be back to you later." kindat niya at tuluyang umalis. Sobrang gwapo talaga nitong si Louis, 'yung gwapo na aakalain mong may lahing amerikano. I didn't know na sa pag-uusap namin 2 hours ago ay papasok kami sa ganitong kalokohan. Ang kapatid ko ay biglang tumawag sa akin, hinanap ko kung nasaan siya. Winagayway niya ang kaniyang bulaklak na bigay din ni papa para makita ko siya. Nagtaas kilay ako habang nakatingin at kausap siya sa cellphone. “Ano meron?" tanong ko sa kaniya. “Te, magkano bibigay mo sakin?" tanong niya, kumunot naman ang noo ko. “Bakit? May bibilhin ka ba?" tanong ko. “Wala naman pero baka kasi kulangin ako. Alam mo naman." may bahid ng pag-aalala sa boses niya. “Is 5 thousand enough?" napaisip ako, may pera pa nga ba akong natira? As far as I remember, nagbayad ako ng mga utang nila mama. Hindi ko na maalala kung magkano ang lahat ng iyon pero sigurado namang kahit papaano ay lumiit na ang utang nila. “Talaga ba? Legit na 'to?" tanong sakin ng kapatid ko, tuwang-tuwa. Tumalikod na ako sa kapatid ko since nararamdaman ko na ang pagluluha ng aking mga mata. I couldn't contain the happiness, annoyance, sadness, my mixed emotions. I just wanted for my sister to experience all the things she never experienced before. Tumahimik ang nasa kabilang linya, narinig ko ang pagkukwento niya sa mga kaibigan niya. Kung ano ang mga plano nilang bilhin, kainin at kung ano-ano pa. Well, at least nagagawa na niyang makapag-enjoy na walang kahit anong iniisip. Baka kasi awayin niya na naman sina mama dahil lang sa hindi niya makuha ang mga gusto niya. “Anong gusto mo 'te?" tanong niya bigla, nagulat naman ako. Napatingin ako kay Louis na kumakaway sa akin, kumaway naman ako sa kaniya pabalik. Kasama niya sa pila ang kaniyang tita, lumingon ang tita niya sa akin dahil mukhang may sinabi siya dito. Kumaway siya sa akin kaya kumaway din ako sa kaniya. Pagkatapos ay nakita kong nagbulungan sila, ano ba iyan! Nakakahiya! “Ate, ano na?" pagtatanong ulit ng kapatid ko. “Makatanong ka naman kung ano gusto ko, akala mo naman talaga." natatawang sagot ko sa kaniya. “Atsaka mo na ako tanungin kapag sariling pera mo na ang ipambibili mo. Ang sakin lang ay mag-enjoy ka at akong bahala mag-finance sa'yo." dugtong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung ano na ang itsura niya dahil first time kong nasabi iyon sa kaniya. Gaya ko, alam kong nagulat din siya doon. “Ang Corny mo, te. Sige na!" binabaan niya ako ng tawag, nag-iba ang tono ng boses niya kanina. Tonong paiyak na. Napailing na lang ako at akmang ibabalik ko na sa purse ko ang cellphone ay tumawag naman si Louis sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at iwinagayway niya ang kaniyang phone. Sinagot ko naman din. “Ano? Miss me? Di makahintay?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya pagkasagot. Narinig ko naman ang pagtawa niya, nakaka-inlove talaga ang taong ito. “Baliw, kakausapin ka raw ni Tita." natatawang sagot niya sa akin. “Hoy!" “Hi, Hija. Nakwento ka sa akin ni Louis ngayon, nasa fun relationship daw kayo. Mukhang magiging real pa iyang fun relationship na iyan." Natatawang sinabi niya sa akin. “Louis is a really good guy and I know he will take care of you. You guys would form a beautiful relationship. Anyway, Congratulations!" Dugtong niya. “Thank you po. Titigil din naman po namin ito after ng graduation ceremony, sobrang boring lang po kasi kaya naisipan namin na gawin ito." pagpapaliwanag ko sa kaniya. “Oh, okay. You can guys be friends naman, malay niyo kayo ang end game." Sambit nito, “Bigay ko na Louis." Etong tita niya naman ay masyadong pinapangunahan ang future, daig pa niya ang mga manghuhula sa bilis niya mag-predict. Masyado rin naman kasi mabilis itong si Louis at talagang sinabi niya agad sa tita niya. I find it cute though, at least ay hindi siya nagtatago sa kaniyang tita since tita lang din naman pala ang kakampi niya. “Huwag mo pansinin si Tita, masyadong malakas ang trip niyan eh." nakita ko pang napakamot ito sa likod ng ulo niya. “Palakwento ka kasi, ayan tuloy." sagot ko sa kaniya, natatawa. Sa lahat ng nakilala kong lalake, eto ang pinakamabilis sa lahat. Nagawa niya agad ako ipakilala sa tita niya kahit biruan lang 'yung ginagawa naming dalawa. Ewan ko ba dito kay Louis. “Eh kasi tingin daw ako nang tingin sayo." sagot nito. “Tingnan mo na lang iyong babaeng nasa harap mo, mas maganda siya sa akin hoy!" sabi ko sa kaniya. Sa pagkakaalala ko ay siya ang nanalo sa beauty pageant sa school namin. Her face is really mesmerizing, ito iyong tipong kahit walang ginagawa mapapalingon at madidistract ka kasi para kang tinatawag ng aura niya. Aside sa kagandahan niya, sobrang talino rin nito at siya ang salutatorian! Kung ang valedictorian namin ay sobrang private, ang salutatorian naman namin ay sobrang public. Grabe talaga ang tatalino ng mga ito, umaapaw din ang blessing nils! “Bakit pa ko titingin sa iba kung maganda naman ang girlfriend ko?" natatawang tanong niya sa akin. “Ay sus!" rinig kong sinabi ng tita niya. Naramdaman ko namang namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niyang iyon. Sobrang galing ng taong ito magpaikot ng iba. “Ay talaga ba? Sure ka na ba sakin? Kasi ako unang kita ko pa lang sa'yo, ready na ko na magpasira ng buhay sa'yo." natatawang sinagot ko sa kaniya sabay dinilaan siya. Nakatingin naman kasi siya sa akin. May tumapik ng balikat ko, napatingin ako doon at nakita ko si Rach at kasama niya ang mga kaibigan namin. Ngumiti sila sa akin habang ako ay nag-aalinlangan pa. Binalik ko ang tingin ko kay Louis, tumango siya sa akin. “Talk to them. Malay mo maayos niyo na." sabi niya sa akin at ibinaba ang tawag. He sends me a thumbs up as a sign that it is okay. Tumango ako sa kaniya. Let's do it, hindi ko ipagkakait sa kanila iyong mga kailangan nila sa akin. Either explanation from what happened or they needed help. Whatever it may be, okay lang. Basta maayos kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD