Kabanata 4

2350 Words
"THAT'S all gentlemen, thank you," Tinapos na ni Penelope ang presentation sa harap ng mga client. Wala siyang nakuhang reaction. Nakakunot-noo lang ang mga ito. "That's it?" "Iyon na 'yon?" "Sinasabi ko na nga ba, nagaksaya lang tayo ng oras pumunta rito. Ano pa nga ba ang aasahan natin sa isang secretary lang?" "Alam mo ba ang pinagsasabi mo, Ms. Domingo?" Napalunok ng matindi si Penelope. Ang ganitong senaryo ay hindi na bago sa kanya. Noong nag-aaral pa lamang siya ay madalas na siyang kutyain ng iba. Mahina kasi masyado ang loob niya at mahiyain siya. Pakiramdam niya ay hindi niya laging kaya. Kaya naman simula elementary, highschool hanggang college ay lapitin siya ng bullies. Kasi tingin ng mga ito sa kanya ay mahina. At madiling apihin. Napakahinhin naman kasi talaga niya at siya 'yung tipo ng babae na mukhang hindi lalaban. Napayuko siya ng ulo. Natandaan niya ang sinabi sa kanya ni Elijah noon, nang makuha nila ang kauna-unahang deal nila noong bago pa lang siyang secretary nito. "I love people like you, Penelope. Kahit minsan weirdo ka at may sariling mundo, napakahardworking mo, maunawain at napakasipag! Sigurado akong mas marami pa tayong makukuhang client basta ikaw ang secretary ko," ang nakangiting mukha ni Elijah ang naalala niya. Kaya naman tinatagan niya ang loob niya ngayon. Kahit may hindi sila pagkakaunawaan ngayon ni Elijah ay ito ang unang tao na naniniwala na may kakayahan din siya. At ayaw niyang biguin ito. "Please hear me first, gentlemen..." huminga siya nang malalim. "Come on, speak, Ms. Domingo. Don't let them eat you. Say what you want," pagpapalakas ng loob sa kanya ni Mr. Llanares. Nagpapasalamat si Penelope at naroon ang matanda kaya naman kahit papaano ay lumakas ang loob niya. "We assure you that your money is in good hands. Hindi kayo magkakamali sa pagpili sa amin. Kilala ang mga empleyado namin bilang masisipag at magagandang magbigay ng results," "Pero what your boss asking is too much! Gusto agad ng boss mo ng malaking sahod sa mga agents, pero wala pa namang result? Hindi ba't mas magandang malaman muna namin kung paano kayo magtrabaho, and later 'yung increase ng sahod?" tanong ng isa. Tumango si Penelope. "I understand your perspective, sir. As a businessman point of view, siguro ho ganyan din ang magiging mindset ko. But, this is two business, sir. Your business and our business. Our company is making sure that our employees get the right benefits that they deserved. Paano po nila kayo bibigyan ng magandang result kung hindi po sila namo-motivate sa liit ng sahod?" Tila nakapagisip ang iba. Nagpatuloy si Penelope. "Kapag nalaman nilang maganda ang pasahod sa kanila, mas gagalingan nila sa trabaho nila. Kasi iniisip nilang may pakialam sa kanila ang client, "Hmm... sa company niyo lang advantage 'yan. How about us? Ano ang katibayan namin na hindi masasayang ang paglabas namin ng malaking pera tapos palpak lang naman pala?" Nagseryoso ang mukha ng dalaga. "We're not just pro-employee, sir. Pinapahalagahan din po namin ang mga clients namin, dahil sainyo kaya nanatiling matatag ang kompanya namin. Without our clients, we are nothing. Kaya naman hindi lang ho ang mga empleyado ang iniisip namin, kundi ang aming mga kliyente. Kung sakali man na tatanggapin niyo ang probisyon namin na mataas na sahod agad, at tama naman ho kayo, hindi lahat ng empleyado ay maayos magtrabaho. If that happens, we will assure you to eliminate all those ineffective employees. At ang matitira lamang ay ang maayos magtrabaho at deserve ng sahod na hinihingi namin. It's a win-win situation. As clients, you don't invest in machines or tools. You invest in people. The right people," "How long we will wait for the results?" "Six months, sir. Since we have a 6 months probationary period. After that, 'yung mga empleyado na hindi deserve ang kanilang trabaho ay mapapalitan ng maayos," "And how about those employees na maayos? I read here in your proposal na bibigyan ulit sila ng increase?" Tumango si Penelope. "Yes. I believe that efficient employees deserve rewards, gentlemen," "If that's the case, masyadong malaki ang magiging gastos," "Mas malaki rin naman ho ang magiging balik dahil maayos magtrabaho na empleyado ang gagawa ng trabaho niyo. Okay, let's say na mababa nga ang sahod na ibibigay niyo, puro palpak naman at maraming magre-resign dahil hindi sapat sa kanila ang income. Mas papangit ho ang resulta na mabibigay nito sa kompanya n'yo. And we're not asking for a managerial salary. Above average lang ho ang hinihingi namin. Today, ang isang libo ay parang isang daan na lang. At kung hindi ka marunong humawak ng pera, wala pang next cut-off, wala ka nang pang-gastos. Paano pa ho kaya ang mga may binubuhay na pamilya?" "Problema pa ba namin 'yon?" Matapang na tumango si Penelope. "Yes, sir. Kasi tao ho ang kinukuha niyo para gawin ang task ng company niyo. Kapag nalaman po ng mga empleyado na pinapahalagahan sila ng kompanya at client, mas ganado po silang magtrabaho at tatanawin nila ito ng utang na loob. In return, magugulat na lang kayo sa results na ibibigay nila," Nagdiskusyunan ang mga client sa harap niya. "Okay, we got your point, Ms. Domingo. But we will only give you 12 months. Once na hindi namin makita ang result na sinasabi mo, mag pu-pull-out kami," Napangiti na ng malawak si Penelope. Nakikita na niya ang tagumpay. "If you will read the clause of the contract sir, in Agreement 10.2, mababasa niyo ho na kapag naman ho kami ang nagkulang at palpak, in 12 months time, kami na ho ang kusang magwi-withdraw. At ibabalik ho namin ng 100% ang cost niyo sa kompanya namin. Win-win situation," taas noong sabi niya. Nagmamadaling binuklat nga ng mga ito ang kontrata at binasa ang sinabi niya. "Woah! Totoo nga!" "Ngayon lang ako nakabasa ng ganitong kontrata!" "Goodness, is this for real?" "Alright, Ms. Domingo. Please lend us a pen, we will sign the contract right away," Hindi magkandauto ang mga ito sa paghahanap ng ballpen. Nakangiting binigyan niya ang mga ito isa isa. Humalakhak si Mr. Llanares. "See? I told you, Ms. Domingo is not just a secretary. Pang CEO ang datingan," "You're right about that, Mr. Llanares. Magkano ang sahod mo rito, Ms. Domingo? I'll double it. Napakagaan mo maging secretary!" Kiming ngumiti lang si Penelope. Walang pera ang makakapagparesign sa kanya sa kompanya ni Elijah. Ang hindi alam ng mga ito, meron din silang kompanya. Mayaman din sila. Nagkataon lang na ginive-up niya 'yon para lang makasama si Elijah. Ganoon niya kamahal ang binata. Wala siyang hindi gagawin para rito. "Oh, you can't snatch Ms. Domingo from Mr. Rosselli. This woman is very devoted to her work," "Well, Elijah is so lucky to have a secretary like her. Goodness, nowadays, napakahirap nang maghanap ng matinong secretary!" "I agree!" "Besides, duda akong papayag si Elijah na makuha natin ang secretary niya. Aba, sobrang swerte na niya kay Ms. Domingo. Akala ko kanina walang ibubuga at mahiyain. Pero nilamon tayo," Namula siya sa mga papuri nito. Aaminin niyang masaya siya na marinig ang mga ganitong compliments dahil noon ay lagi talaga siyang nabu-bully dahil sa pagiging mahina at mahiyain niya. Atleast ngayon, luamalabas na siya sa comfort zone niya. Nagsitayuan na ang mga client at hinatid niya ang mga ito hanggang sa elevator. "We will waiting for that result, Ms. Domingo," Nakangiting yumuko siya sa mga ito bilang pag-galang. Pagkawala ng mga ito sa elevator ay parang tanga na nagtatalon siya sa lobby. "Yes! Yes! Yes!" pinagsusuntok niya ang hangin. Sobrang saya at kilig ang nararamdaman niya ngayon. Hindi siya makapaniwalang nakuha niya ang mga pirma nito. Tiyak na matutuwa mamaya si Elijah kapag nalaman na kahit wala ito ay nakuha pa rin nila ang mga kliyente. Nasa ganoon siyang senaryo nang may tumikhim sa likuran niya. Gilalas na napalingon siya. Nakita niya si Jakob na nakasandal sa pader at nakapamulsa ang dalawang kamay sa pantalon. Nakatitig ito ng matiim sa kanya. Napasigaw siya sa sobrang gulat. "J-Jakob! Anong ginagawa mo rito?" Napahawak siya sa dibdib. Lumapit ito sa kanya. Si Jakob ay ang half-brother ni Elijah. Kung hindi nga lang sinabi ni Elijah na kapatid nito ang lalaki, kahit kailan ay hindi niya iisiping magkapatid ang dalawa. Sobrang layo ng itsura ng dalawa. Si Elijah ay mestizo ang datingan, mukhang Kastila, maputi at mamula mula. Samantalang si Jakob naman ay moreno at berde ang mga mata. Bubbly at charming ang dating ni Elijah, si Jakob naman ay rude at playboy ang dating. Gayunpaman, parehas magandang lalaki ang mga ito at mababait. Nagkataon lang na hindi niya type ang kagwapuhan ni Jakob. Mas gusto talaga niya ang mga lalaking dating ni Elijah. "Ikaw ang ano ang ginagawa mo. Hindi ko alam na kinakausap mo na ang sarili mo, Pen," nakataas ang isang sulok ng labi nito. Napahiya siya at namula ang dalawang pisngi. "Heh! Alam mo bang parang papatayin mo na ako sa gulat?" Irap na lang niya rito. Natawa ito. "Hindi ko naman akalain na nerbiyosa ka, eh," Nagpatuloy siya maglakad patungo sa post niya. "Kung hinahanap mo si Elijah, sorry ka, wala siya rito." Kumunot ang noo nito. "Saan nagpunta?" Alam niyang ayaw ni Jakob kay Avery para sa kapatid nito. Alam kasi ni Jakob na ilang beses nang sinasaktan at pinapaasa ni Avery si Elijah. At kapag sinabi niya 'yon baka mag-away lang ang magkapatid at magalit pa sa kanya si Elijah. Kaya naman pagtatakpan na lang niya ito. "Ah... eh... m-may biglaang meeting siya sa isang client," Mukhang naniwala naman sa kanya si Jakob. "Bakit ka nga pala masaya?" She sheepishly smiled. "Kasi nakuha ko ang deal kahit wala ang kapatid mo," Nanglaki ang mga mata nito at natutuwang binuhat siya at inikot-ikot. "Wow! I'm so happy for you, Pen! Nag-i-improve na ang communication skills mo. I love it!" Alam kasi nito kung gaano siya kamahiyain. "Thanks, ibaba mo na kaya ako makita pa tayo rito," nakasimangot na sabi niya. Napakamot ito sa ulo. "I'm sorry, na-carried away lang. Anyway, susunduin kita mamayang pag-out mo," "Huh? Bakit?" "Let's celebrate your success," "No need, Jakob!" Hinilamos nito ang palad sa mukha niya. "Ito talaga, napaka KJ. Hindi naman tayo magtatagal. 'no? Sa dami kong kakilalang gustong magpalibre, ikaw lang 'yung ayaw malibre," natatawang sambit nito. Wala naman siyang gagawin mamaya sa bahay. Same routine lang din naman. Kaya nga, bakit hindi? "Hmm, sige na nga!" "Parang napilitan ka pa, ah," angil nito. "Ganoon na nga," Nagkatawanan sila. Magaan ang loob niya kay Jakob. Mabait naman kasi ito at protective sa kapatid nito kahit mas matanda si Elijah dito. "O siya, sige, mauna na ako. Later na lang. Swerte mo, ililibre ka ng gwapong tulad ko," Inirapan niya ito. "Napakahambog mo naman," Natawa nanaman ito at nagpaalam na nga. Kumain na ng lunch si Penelope at naging busy na rin siya sa mga sumunod na oras. Samantala, si Elijah naman ay katatapos lang nila ni Mr. Miranda mag-golf. Ang dami nitong sinasabi tungkol sa business nito at kabataan nito na hindi naman siya makarelate. Kung hindi lang talaga dahil kay Avery ay hindi siya magtitiis ng ganito. Saktong alas-kwatro sila lumabas ng golf-center. At gutom na gutom na siya. Babalik muna siya sa office para kunin ang ibang gamit at para mag-sorry na rin kay Penelope. Nakalimutan na niyang humingi ng pasensiya rito. He will treat her dinner to make up. Sigurado namang walang gagawin ngayon si Penelope sa bahay. Pangiti-ngiti pa siya nang umakyat sa building. Hindi pa naman out, may 15 mins pa bago mag end of shift. Nakasalubong niya ang mga empleyado niya. "Congrats, Mr. Rosselli!" "Congratulations, boss," "Thank you, boss!" "Wew! We love you, sir!" Napuno ng pagtataka ang mukha niya. Ano ang mga pinagsasabi ng mga ito? Sumakay siya sa elevator. At nakita niya si Ate Maricel. Ate Maricel ang tawag niya rito dahil sobrang tagal na nito sa kompanya at matanda na 'to. Ilang dekada na ito sa kompanya. Ang lolo pa lang yata niya ang nagma-manage ng business ay naroroon na ito. "Thank you, Elijah, napakabuti talaga ng puso mo. Manang mana ka sa lolo at ama mo," Litong-lito na si Elijah. "Hay, salamat at na-i-close ang deal. At tataas na ang mga sahod. Bawat taon pamahal ng pamahal ang bilihin kaya malaking tulong talaga ito," "N-Na-i-close ang deal?" utal na sambit niya. "Hindi ba't inutos mo kay Penelope na siya ang humarap sa mga client kasi masama ang pakiramdam mo kanina? Ayun, tinuloy niya at panalo. Nakuha niya ang mga pirma. Salamat talaga sainyo, Elijah," Nanginig siya sa narinig. Penelope did that...? But why? Sinabi niya ritong i-cancel ang meeting. Nakaramdam siya ng sobrang sakit sa kalooban. Idagdag pa na pinasama niya ang loob nito at hindi siya nagsorry dito. Damn, bakit ba siya nagiging harsh kay Penelope? Hindi na niya nasagot si Ate Maricel at tuloy tuloy na lumabas ng elevator pagdating sa floor niya. He needs to say sorry to Penelope. I-de-date niya ito ngayon. She deserves it. Punong-puno ng pag-asa ang mukha niya at binuksan ng malawak ang pintuan para lamang makitang naghaharutan ang kapatid niyang si Jakob at Penelope. Nakaakbay pa ang kapatid sa balikat ng dalaga. "For sure, magugustuhan mo ang pagkain 'don," "Siguraduhin mo lang! Dahil kung hindi, ikaw ang kakainin ko," balik ni Penelope. Sumama bigla ang timplada niya. So, hindi na pala niya kailangan yayain si Penelope dahil may dinner date na ito kasama si Jakob. Doon lamang napansin ng dalawa ang presensiya niya. "Oh, Elijah!" natutuwang bati ni Jakob. Tumingin lang sa kanya si Penelope. Mahal niya ang kapatid, pero ngayon parang gusto niyang tusukin ang mga mata nito. Huminga siya ng malalim. Elijah, relax... "What are you doing here?" tanong ni Penelope. "Ano pa ba, siyempre may kukunin sa opisina. Kompanya ko 'to, eh," inis niyang sambit. Nagulat ang dalawa sa reaksyon niya. Bumulong si Penelope kay Jakob. "Badtrip siya, baka may nangyari kanina. Halika na nga," nagmamadaling lumabas na ang mga ito sa private office. Nagngingitngit na sinundan niya ang mga ito ng tingin. Tuluyan niya nang nakalimutan magsabi ng sorry dahil sa nakita niya. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD