Kabanata 5

1976 Words
HANGGANG NGAYON dala-dala pa rin ni Elijah ang pagkabwisit niya sa nakitang senaryo sa opisina niya. Ano ang ginagawa roon ni Jakob? Oo alam niyang magkakilala si Penelope at ang kapatid. Siya ang nagpakilala sa dalawa. Pero hindi naman niya alam na close na ang mga ito. At kailan pa naging close ang dalawa! Hindi niya alam pero naiinis siya na hindi mawari. Parang wala naman kay Penelope na hindi sila magpansinan. Samantalang siya nagiisip pa kung paano siya mag-so-sorry dito. May relasyon ba ito at si Jakob? Hindi yata talaga nag-iisip ang babaeng 'yon. Bakit sa dinami-rami ng lalaki si Jakob pa ang napili nitong gustuhin. Mahal niya si Jakob. Kapatid niya ito. Ngunit alam niya kung gaano ito kapalikero. Alam niya kung paano nito winawasak ang mga puso ng kababaihan. Ni minsan ay hindi ito nagseryoso ng babae. Para kay Jakob ay laro lamang ang pakikipagrelasyon. Ilang beses na niyang pinagsabihan ang kapatid tungkol dito. Pero tinatawanan lang siya nito at sinabing hindi pa nito nakikita ang babaeng talagang magugustuhan nito. Hinayaan na niya ito dahil may sariling isip naman na ito. Pero hindi siya makapaniwala na si Penelope ang nanaisin nitong i-target. Out of all many women out there, bakit si Penelope pa? Maayos na babae ito. Mabait at karespe-respeto. Hindi ito dapat sinasaktan. At kung pagbabalakan ito ni Jakob na saktan, kahit kapatid niya pa ito ay talagang makakalaban siya nito. Penelope is not just his secretary. Kaibigan na ang turing niya sa dalaga. Para itong si Elianna, ang bunso nilang kapatid na babae. At hindi niya hahayaan na masaktan ito. Kahit iyon man lang ang maging ganti niya sa pagiging mabuti nito sa kanya. Dare-daretso siya sa loob ng bahay. Wala ngayon ang magulang niya, nasa Switzerland ang mga ito ngayon at doon nagba-bakasyon. Nakasalubong niya ang bunsong kapatid na si Elianna. Hindi naman masyadong malalaki ang agwat ng edad nilang magkakapatid. Tapos na si Elianna ng college. "Hello, kuya. Bakit nakabusangot ang mukha mo?" natatawang tanong nito. Lumapit siya kay Elianna at hinalikan ito sa noo. "Just... don't mind me. Okay? Ang Kuya Jakob mo, nar'yan na ba?" tanong niya. Alam niyang maaring wala pa ito sa bahay. Kasama nito si Penelope. Baka hinatid pa nito ang dalaga sa bahay. "Wala pa, kuya. Kilala mo naman 'yon si Kuya Jakob. Laging late umuuwi," ngumiwi ito. "Buti na lang kasama mo si Chichay, hindi ka nalulungkot dito," tukoy niya sa regalo nilang babaeng shihtzu rito. Ngumiti lang ito. Ginulo niya ang buhok ng kapatid. "Sige na, magpapahinga na ako at napagod ako ngayong araw. Kapag gising ka pa, at naabutan mo si Jakob, pakisabi sa kanya kakausapin ko siya," bilin niya. "Nag-away ba kayo, kuya?" nagaalalang tanong nito. Tumawa siya. Kahit kailan ay hindi pa sila nag-aaway ni Jakob ng literal. Sigurado kaunting hindi pagkakaunawaan at tampuhan, pero kahit kailan ay hindi sila nagkasagutan. Mahal na mahal nila ang isa't-isa. "Don't worry, Elianna. Hindi kami nag-away ng kuya mo. May gusto lang akong tanungin sa kanya," Nagkibit-balikat ang babae at tumango. "Alright, kung gising pa ako sa lagay na 'yon," Umakyat na siya sa kwarto niya. Naligo at nagbihis. Pagod na siya at naaantok kung tutuusin. Ngunit tila may sariling utak ang kanyang katawan at ayaw matulog. Tila alam ng sarili niya na dapat niyang makausap nang kapatid. This is a serious matter. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na gising dahil maya-maya ay narinigi na lamang niya ang tunog ng makina ng kotse nito. Bumangon siya sa kama at sinilip ang bintana. Si Jakob nga. Dare-daretso ito papasok sa loob ng bahay. Si Elianna naman ay nasa sofa at nanonood ng netflix ng biglang pumasok ang kapatid. "Kuya Jakob---" "Elianna, I know. Now, go to your room and sleep," dominanteng utos nito sa kapatid na babae. Napasimangot si Elianna. "Ano ako, bata?" Seryosong hinarap ito ni Jakob. Napalunok ang dalaga nang makita na ngayon lang nagpakita ng ganitong ekspresyon ang kapatid. "A-Alright, matutulog na," pagsuko niya agad at pinatay ang TV sa sala. Pagpasok ni Elianna sa kwarto ay napatanong pa ito sa sarili. "Bakit ang seseryoso nila?" Huminga nang malalim si Elijah at binuksan ang pinto ng kwarto niya. Nagulat pa siya nang makitang nasa tapat na niya si Jakob at seryosong nakatingin sa kanya. Oooh, mukhang alam na ni Jakob na may paguusapan silang "importante". Tumango siya sa kapatid. "Sa library tayo. Katabi lang ng kwarto ko ang kwarto ni Elianna. Ayaw kong marinig niya tayo," Sumang-ayon naman si Jakob. Sabay silang naglakad sa dulo ng pasilyo patungong library. Pagkapasok doon ay si Jakob na ang nagsarado n'yon. Nagpapakiramdaman sila. Pero dahil alam ni Elijah na siya dapat ngayo ang "in-charge" at dahil siya ang kuya sa kanilang dalawa ay nagsimula na siya. "I can't believe it, Jakob. Pati ba naman si Penelope, tinalo mo? Akala ko papalagpasin mo siya dahil kaibigan mo na rin siya kung tutuusin. Pero bakit pati si Penelope gusto mong pakialaman?" maanghang na tanong niya. Nagulat naman si Jakob sa pag-aakusa ng kapatid. Pero dahil hindi rin natutuwa si Jakob sa ginagawa ni Elijah kay Penelope, hindi ito papayag na hindi rin sumagot. "Bakit kuya, kung pakialaman ko man si Penelope, ano naman?" subok ng binata sa kapatid. Nagseryoso ang mukha ni Elijah. Kahit kailan ay hindi siya nagtataas ng boses sa kapatid. Pero mukhang there's always a first time. "Jakob, you don't dare to do that! Alam mong iba si Penelope sa mga babaeng nilalandi at nakakama mo! Penelope isn't like that! Spare her!" Nakita niya ang pag-ngisi ni Jakob. Isang ngisi na kahit kailan ay hindi nito ginagawa sa kanya. At gustong matakot ni Elijah sa klase ng ngisi na 'yon. It looks... so dangerous. "How well you judged me, kuya. Pero in some point, tama ka. Penelope isn't like that. Hindi siya 'yung tipo ng babae na dapat saktan," madiing wika nito. Nagkunot ang kilay niya. "Iyon naman pala. Alam mo naman pala eh. Bakit nakikipaglapit ka sa kanya? Walang masama kung magiging magkaibigan kayo. Pero hindi ako tanga, Jakob. Sa nakikita ko, hindi lang pagkakaibigan ang habol mo. You want her in your bed," pagaakusa niya. Tumawa ito at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa. "Baka naman masyado ka lang nagiging mapanghusga sa akin, Kuya Elijah? Kung talaga gusto kong angkinin si Pen, una pa lang, kayang kaya ko nang gawin 'yon," nagmamalaking sabi nito. Nagngingitngit si Elijah. Mabilis na nilusob niya ito at hinagip ang collar ng damit nito. "Jakob, wala akong pakialam kung ilang babae pa ang meron ka. Kung sino sinong babae ang kasama mo bawat gabi. Pero hindi si Penelope. Tatandaan mo 'yan," pagbabanta niya. He smirked at him. "At kung si Penelope? Ano ang gagawin mo, Kuya Elijah?" "Hindi ako mangingiming idapo ang palad ko sa mukha mo kahit kapatid pa kita," matinding bitaw niya ng salita. Sa buong gulat niya ay tinumbasan nito ang galit at ka-seryosohan ng mukha niya. "Talaga? Grabe ka makapanghusga sa akin, Kuya. Ang sarili mo ba, nakikita mo?" asik nito. "What do you mean?" Inis na tinanggal nito ang pagkakahawak niya sa damit nito. "Bago mo ako punain, tignan mo kung maayos ba ang trato mo kay Penelope," Mas nagkunot ang noo niya. "Huwag mong ibahin ang usapan, Jakob! Of course, maayos ang trato ko sa kanya. Close kami. We're friends. Mataas ang sahod niya at maraming benefits. Hindi siya iba sa akin," Napailing sa kanya si Elijah. "Alam mo, Kuya, minsan gusto kong maawa sayo," Nabwisit na siya ng tuluyan. "At ano ang tinutumbok ng salita mo, Jakob?" "Gusto kong maawa sa sarili ko dahil sa panghuhusga mo sa intensyon ko kay Penelope. But hearing you right now, mas gusto ko pa lang maawa sayo," Elijah gritted his teeth at muling kinorner ang kapatid sa gilid at hinablot ang damit. "What the hell are you talking about?!" Pinalis nito ang kamay niya at sa isang iglap lang ay nakawala ito sa kanya. "Don't give me that look and accusations, Kuya Elijah. Nakakakaawa ka, dahil may dalawang mata ka man, pero hindi mo nagagamit ang tunay na saysay nito," He chuckled. "And now you are what? A philosopher?" Sarkastikong aniya. Hindi niya matumbasan ang kaseryosohan ng mukha nito. "Tsk, nakakaawa ka kuya. Dahil masyado kang bulag. Bulag sa paligid mo. Masyado kang manhid. Hindi mo kayang mag-appreciate ng iba dahil iisa lamang ang mahalaga sayo. At dahil doon ay naaawa ako sayo. You're pathetic, Kuya Elijah," Iiling-iling na sabi nito. Gigil na gigil si Elijah. First-time lang nilang magsagutan ni Jakob ng ganito at dahil pa kay Penelope. "What the heck are you talking about, huh? Hindi kita maintindihan!" "Hindi mo ako maintindihan dahil ginugusto mong hindi ako intindihin. Sinasabi mo sa akin na hindi ako marunong magmahal. Pero alam mo, kung ano ang totoo, Kuya Elijah?" hamon nito sa kanya. Hindi niya alam pero bakit parang kinabahan siya na hindi mawari. "A-Ano...?" paos na tanong niya. "Ikaw ang hindi marunong magmahal. Dahil kung marunong kang magmahal, alam mo ang nararamdaman ng ibang tao sa paligid mo. Minsan, sabi nga nila, ang maling pag-ibig ay nakakabulag. Hindi mo alam na isa itong lason. At malalaman mo lang kapag huli na ang lahat," "Hindi marunong magmahal? Are you fuckin' kidding me, Jakob? Buong buhay ko, isang babae lamang ang minahal ko, si Avery! Hindi ako tulad mo na parang underwear lang kung magpalit ng babae!" Jakob mocked him. "Bakit, sinabi ko bang mahal ko sila? It takes two to tango. Kahit naman gustuhin ko sila, kung ayaw nila, hindi ko sila mapipilit. Ang pagpayag nila sa kaya kong ibigay na set-up ay hindi ko na kasalanan. Ang kasalanan eh 'yung paasahin ko ang isang tao na mahal ko ito kahit hindi naman. Ang kasalanan eh 'yung mabulag ka sa isang huwad na pag-ibig at hindi makita na ang tamang tao ay nasa paligid mo lang!" sigaw din ni Jakob. Napasinghap si Elijah. Isang kahiwagaan para sa kanya ang binibitawan na salita ni Jakob. Hindii niya ito maunawaan. "Are you saying that Avery is not the right person for me?" "Hindi ko sinabi, Kuya. Ikaw ang nag-isip niyan," Elijah clenched his fist. "Nilalayo mo lang ako sa totoong usapan. Bakit sa akin napunta? Ang pinaguusapan natin ay si Penelope! Now, tell me, gusto mo ba siya? Gusto mo ba siyang paglaruan katulad ng paglaro na ginagawa mo sa mga babae mo?" "Penelope is different, Kuya Elijah. Hindi ako tulad ng ibang lalaki na tanga at kayang saktan siya. Oo, gusto ko si Penelope. Isang malaking karangalan sa akin na makuha ang pag-ibig niya. May magagawa ka ba roon, Kuya Elijah?" pang-iinis ni Jakob. Nanghihinang nabitawan ni Elijah ang damit ni Jakob. Parang kakapusin siya sa paghinga. Si Jakob... may gusto kay Penelope! "Gustuhin mo na ang lahat, huwag lang si Penelope. Hindi ko hahayaan na saktan mo siya," Tumawa ito. "Ako ba talaga ang nananakit sa kanya? Hayy, mahirap talaga minsan na tanggapin ang pagkukulang natin," "Nagkaroon kami ng misunderstanding ni Pen, pero kahit kailan ay hindi ko siya sinaktan," tanggi niya. "Wala naman akong sinasabi, hah? Bakit masyado kang defensive, Kuya?" nang-aasar na tanong nito. Inis na inis si Elijah. Hindi niya malaman kung ano ang gustong palabasin ni Jakob. "Anyway, kahit naman gustuhin ko si Pen, alam kong impossible. Sa isang tao lang siya naka-focus. And I hate to think na bakit kaya siyang saktan ng taong ito nang hindi nito namamalayan," Huh? May nagugustuhan bang lalaki si Penelope? "Naantok na ako, Kuya Elijah. At sana magising kana sa katotohanan. Sana ma-realize mo ang lahat lahat," Napakunot-noo siya. Ma-realize ba ang ano? Lumakad na ito palabas ng library. Nang bigla itong tumigil at nilingon siya. "Oh, and Kuya, before I forgot... sabi nga ni mama, hindi lahat ng ginto ay kumikinang. Sana alam mo 'yan," matalinghagang sabi nito at iniwan siya. Naiwan namang nagiisip si Elijah. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD