DUMATING NA ang mga pulis. Ligtas na si Avery at ngayon ay kinakausap na ng mga opisyal. Agad namang sumugod si Jakob sa pinangyarihan. Wala kasi ang magulang nila kaya siya lang ang nakapunta. Nagaalalang iginala ni Jakob ang tingin niya. Nakita niya si Elijah na ginagamot na. Bagama't nanghihina ay mukha namang walang tinamong sugat. Sa paglingon niya, nakita niyang ginagamot din ngayon ng mga paramedic si Penelope sa loob ng ambulansya. Gilalas siya nang mapansin na duguan ito. "Penelope...!" Malakas na sigaw niya at agad na sumakay sa ambulansya na kinaroroonan nito. "Immediate family ka po ba, sir?" tanong sa kanya ng personnel sa loob. Nanginig siya nang makita ang kaawa-awang sitwasyon ni Penelope. Maputla. Walang malay. Duguan. Mukhang pagod na pagod ang itsura nito. At alam

