Kabanata 23

2383 Words

NGAYONG ARAW ang pagbabalik ni Penelope sa trabaho. Tapos na ang maternity leave niya. Hawak-hawak na rin niya ngayon ang pinaprint na resignation letter. Nakapagdesisyon na siya. Alam niya ang gagawin niya ngayong hakbang ay napakalaki. At dito nakasalalay ang magiging future niya, Pero sa paglabas ng anak niyang si Hope, isa lamang ang narealize niya: ito ang pinaka-importante sa lahat. Gusto niyang matutukan ito sa paglaki. Lalo na't sanggol pa lamang ito, ayaw niyang may ibang tao na mag-aalaga sa anak niya at gusto niyang siya mismo ang mag-alaga rito. Ito ang unang anak niya. Babae pa. Hindi naman niya kakailanganin magtrabaho sa totoo lang, dahil ang yaman ng kanyang mamang at papang ay sobra-sobra para maubos niya habang siya ay nabubuhay pa. Sa madaling salita, hindi niya mauubos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD