SUNOD SUNOD ang tunog ng door bell. "Teka! Papunta na r'yan!" malakas na sigaw ni Red. Pagkabukas niya ng pintuan ay nakakita siya ng isang lalaki. Magandang lalaki ito. Maputi. Matangkad. Mestizo. Kamukha nito ang foreigner at singer na si Shawn Mendes. Tuloy, kahit alam niyang magandang lalaki siya, hindi niya maiwasan hindi ma-insecure. Grabe, may lalaki pala talagang ganitong kagwapo. Mukhang nagulat din naman ito pagkakita sa kanya. Kumurap-kurap pa ang mata nito. Parang gusto tuloy niyang isipin na maiiyak na ito anumang minuto. Namumula kasi ang mga mata nito at ilong. "Yes? Anong kailangan nila?" tukhim si Red. Hindi ito nagsalita. Nakaaawang lang ang labi habang nakatitig sa kanya. Parang gusto na tuloy niyang mainis. "Sino ang hinahanap nila...?" ulit niyang tanong. Doon la

