KATATAPOS lang ng mainit na sandali nila ni Elijah. Humupa na ang kakaibang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Doon lamang narealize ng dalaga ang malaking kagagahan na muling nagawa niya. Gulong-gulo ang isip, mabilis siyang bumangon ng kama. Inagapan naman ni Elijah ang pagbangon niya at niyakap siya nang mahigpit. Gusto niyang mapaungol nang madampi sa kanyang balat ang kahubaran nito. "Where do you think you are going?" paos na tanong nito. Kahit kailan ay hindi niya naisip na napaka-sexy ni Elijah sa bedroom voice. Mukha kasi itong inosente. Good boy. Hindi niya aakalain na bagay dito ang ganitong side. Kinuha niya sa sahig ang damit niya at pilit na sinusuot. "Ano pa ba, Elijah? Edi babalik na sa kwarto ko," hindi malaman ni Penelope ang mararamdaman. Sa totoo lang, hindi siya naga

