NAGISING SI Penelope na napakasakit ng ulo. Parang may hang-over siya sa bigat ng ulo niya. Wala sa sariling napatingin siya sa paligid. Hindi pamilyar sa kanya ang lugar. Halatang may kalumaan ang kwarto na ito ngunit hindi naman masasabing pangit. Napatingin siya sa kasuotan at ganoon na lamang ang panglalaki ng mata niya nang makitang suot suot niya ang wedding gown! Doon siya nahimasmasan at napatayo sa higaan. Hindi ito ang honeymoon nila ni Red! Sa pagtayo niya ay nanariwa sa isipan niya ang huling pangyayari. Umurong si Red sa kasal, at bago pa siya mageskandalo sa kasal nila ay may humarang sa kanyang mga lalaki at kadiliman na lang ang mga sumunod na pangyayari. Napasinghap siya. Oh my goodness. Na-abduct siya! Sa edad niya ito, pagiinteresan pa ba siya ng mga kawatan? Oo nga't

