"WOW, KUYA! Saan ang punta mo?" Gulat na tanong ni Elianna sa Kuya Jakob nito. Week-end ngayon. Walang opisina. At may kasunduan silang pamilya na ang linggo ay family day. Kaya naman lahat sila ay naroroon sa bahay. Sinilip ni Elijah si Jakob mula sa pagkakahiga niya sa sofa. Nakita niyang bihis na bihis ang kapatid at gwapong gwapo sa suot nitong leather jacket at itim na jeans. Nakabrush up ang buhok nito at tila may date yata ito. Ngunit ang mas kinalaki ng mata niya ang hawak nitong boquet ng rosas. Napakunot noo si Elijah. At saan nga naman pupunta si Jakob sa araw ng linggo? Sumilip sa sala ang ina nilang si Louisse na ngayon ay busying-busy sa pagba-bake ng meryenda. "Oh, Jakob. Saan ang punta mo?" Gulat ding tanong ng ina. Jakob sheepishly smiled at napakamot pa sa batok. Ak

