SIRA ANG banyo ni Penelope. Barado. Kanina pa umiinit ang ulo niya dahil sumasakit na ang tiyan niya at tinatawag na siya ng kalikasan. Pero dahil hindi nga lumulubog ang tubig sa bowl ay nagtitiis siya. Tumawag na siya ng mag-aayos ay sinabi namang bago maglunch ay pupunta ang tubero. Nakakagat na ni Penelope ang ibabang labi dahil talagang nananakit na ang tiyan niya. Kanina pa siya pasilip silip sa bintana, umaasang darating na ang tubero. Pakiramdam niya ay ginto ang bawat pagdaan ng oras. Saktong 11 am ay may nagdoor bell sa harap ng unit niya. Nagmamadaling tinungo niya ang pintuan at hinarap ang tubero. Napakunot noo pa ang dalaga nang makitang pawisan ang lalaki, Nakasuot ito ng sando at jogging pants na itim. May nakasabit na towel sa balikat nito. "Bakit ngayon ka lang? Sabi

