FACING REALITY

881 Words
"MIA ba't nandito ka?" Tanong ni Tristan habang hawak ang kamay ko. Pagpasok pa lang namin silang dalawa na agad ang nakita ko. Si Ericka kasama ang isang babaeng sobrang pamilyar ang mukha. "Oh hi kuya, we're just dropping by your secretary told us you didn't come to work eh." Lumapit si Ericka, ni hindi niya man lang ba ako babatiin or something? Oo nga pala, ayaw niya nga pala sa'kin. "Yeah, nag-grocery kami." Sabi ni Tristan. Hindi ko maiwasang tumingin sa babaeng kasama ni Ericka, sa sobrang ganda niya imposibleng hindi mo siya mapansin. Feeling ko nagnanakaw rin siya ng tingin sa'kin. Andoon lang siya sa may sofa, umiinom ata ng kape. She's very sophisticated, tingin pa lang alam mo nang galing talaga siya sa isang mayamang pamilya, where as me, isang Celine Alcantara lang naman. "Oh Zoey..." Napatingin ako kay Ericka, ako ba ang kinakausap nito?" Uhh... Was that your name? Hhmm... It's Zeny? Soli? Sam—" "Celine," I said in a cold voice. Naiirita na talaga ako sa kapatid niya. Model nga, pero hanggang mukha lang. "Oh yeah, whatever. Ba't ka pa kasi nagpasama kay kuya, eh alam ko naman kaya mo ng mag-grocery, nakakaabala ka na ata at ma—" "Ericka stop it!" nagulat ako ng sumigaw si Tristan. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. "Excuse me kuy—" "Hi Tristan, how are you?" Napatigil si Tristan ng lumapit ang babaeng tinatawag ni Tristan na Mia kanina. Lumapit si Mia sa Tristan ko, as in lumapit na, nakipag-beso-beso pa. Parang nanlalambot ako, alam mo yung feeling na bigla ka na lang maging territorial? Masama na kung masama, pero parang ang gandang i-Jet Li ng pagmumukha ng babaeng ito. "I'm fine Mia, ba't kayo andito?" "I miss you na kasi," sabay hawak niya pa sa braso ng Tristan ko. Kitang kita ko na halos tumawa na si Ericka. Gustong-gusto niya talaga si Mia para sa kuya niya. "Celine baby, umakyat ka na muna sa taas, susunod ako." He looked at me pinapaalis niya ako? Mag-uusap ba sila? Tumango na lang ako tapos naglakad paalis. Sa gilid ng mata ko, alam kong tinititigan ako ng dalawang babaeng asungot. Ano kayang pag-uusapan nila? Tungkol kaya sa kasal? Hindi ako nagseselos! Hindi nga! I trust Tristan, but I don't trust her. FINE! Nagseselos na ako. Kanina pa ako nandito, hindi pa rin ako pinupuntahan ni Tristan. Ano naman kayang pinag-uusapan nila na kailangan wala ako? Kainis na. Bigla namang may kumatok sa pinto. Si Tristan na kaya 'yan? Tumayo na ako at binuksan ang pinto. Well, this is unexpected. Si Ericka. "Oh bakit?" She asked na nakataas pa ang kilay. Ako pa talaga ang tinatanong ng bakit. "Wala, ano'ng kailangan mo Ericka?" I said. Nagulat na lang ako ng bigla na lang siyang pumasok sa kwarto ko. Hindi ko isinara ang pinto. Hinarap ko siya na nakapamewang pa sa'kin. "So ikaw pala ang natutulog sa kwarto na'to." ang sarap pektusan sa lungs. "Oo," sagot ko. "Alam mo bang hindi ito basta-basta pinapatulogan ni Kuya?" Hindi ko siya sinagot, umiikot lang siya sa kwarto na parang may sini-survey. "Dalawang tao lang ang nakapasok dito. Oh i think that makes three of us. Ako, ikaw at ang mapapangasawa niya." Hindi mo lang alam kung gaano ako nasaktan sa huling sinabi niya. Si Mia, siya naman ang tinutukoy niya, sino pa ba? Alangan naman yung nanay niya diba?" Hindi pa rin ako umimik. Kung ibang tao 'to malamang sa pinto pa lang siya. Jinet Li ko na. Pero kapatid siya ni Tristan, rerespetuhin ko pa rin yun kahit anong baho pa ng ugali niya. "Ano bang kailangan mo sa kuya ko Celine? Do you want money? Do you want popularity?" Sasapakin ko na ba 'to? Kalma lang Celine, hayaan mo siya. Alam mo kung ano ang tawag sa kanya, wag mong patulan 'tong sira ulo na ito. "Oh bakit hindi ka makapag-salita? Ano bang magagawa mo para sa kuya ko Celine? Hindi naman siguro pwedeng si Kuya na lang ang gumagawa ng lahat para sa'yo 'diba? Kalma lang Celine, wag mo siyang patulan. "Let's face it, magiging anino ka lang niya, chimay, walang kwenta. Sa ganyang sitwasyon, madaling magsasawa si Kuya sa'yo, wala ka namang maibibigay sa kan—" "Señorita, hinahanap na po kayo ni Miss Mia." Thank God! Salamat at andyan na si Butler William. Tiningnan ko lang siya, pero deep inside gustong-gusto ko siyang patayin. Nginitian niya muna ako tapos lumabas ng kwarto. Naiinis ako! Naiinis ako kasi alam kong tama ang sinabi niya. Alam kong wala naman talaga akong magagawa para kay Tristan. Tama siya. "Celine, pasensya ka na. Ganoon talaga yun, wag kang makikinig sa kanya,. Mahal ka ni Señorito. Isipin mo lang yun." Nilingon ko lang si Butler William at nginitian. Kahit na ilang beses pa rin niyang sabihin sa'kin 'yun, hindi pa rin nila maalis sa'kin na isipin 'yun. Kailangan kong gumawa ng paraan para at least maipakita ko man lang na hindi lang si Tristan ang inaasahan ko. Hindi ko akalain na kakailanganin ko ang tulong niya, pero bahala na. Hinalungkat ko ang bag na dala ko nung lumipat ako dito. Nakita ko na, yung number ni Alex, hindi ko pa natatapos. Si Alex lang ang makakatulong sa'kin ngayon. Kailangan kong magtrabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD