ALEX FUENTES

858 Words
FIRST year college ako noong makilala ko si Alex Fuentes. Syempre dahil baguhan lang ako at ang daming kaartehan sa mundo, wala akong kaibigan. Ako lang naman 'ata ang pumasok sa isang public school na parang paaralan pa ng mga hoodlum. Sabi-sabi sa school, nag-transfer lang daw si Alex kasi wala ng tumatanggap na school sa kanya dito sa Pilipinas. Mayaman sila at kilala ang pamilya - mabait, galante, gwapo. Basta typical rich guy. Parang Tristan lang, pero mas magalang naman si Tristan. Very popular siya sa school, kasi nga, mayaman at gwapo siya. Syempre dahil sikat, naging crush ko rin siya, pero not like stalker type. Hanggang sa isang araw, nabagok 'ata at nagpakilala sa'kin. Syempre ako naman, si tanga nahumaling agad sa first love. Akala ko seryoso, tumagal kami ng apat na buwan. As in four months akong nagpaloko. Isang malaking pustahan lang pala. Nalaman ko na lang 'yun dahil sinabi nung mga fling niya. Sobra ang galit ko kay Alex noon. Galit na malapit na akong huminto sa pag-aaral. May mga chismis pang kumakalat, hanggang ngayon, siguro naman tumigil na dahil nga nawala na ako. "Butter...." Lumingon ako. Andiyan na siya at ang kanyang annoying na tawag sa'kin. Butter? Ano ako palaman? And to think na late na naman siya, as usual, tulad pa rin ng dati. Ako pa rin ang naghihintay. Nginitian ko lang siya, syempre, may kailangan ako eh. "So what's up? Kamusta ka na? Ilan taon na rin ah." Parang wala lang nangyari. "I'm fine. May kailangan ako." Nakakahiya man pero kailangan ko ng lunukin ang pride ko. "Sinabi mo nga noong nag-usap tayo sa phone. So what is it?" 'Pag siya naman kasi ang lalapitan ko alam kong makakahanap agad ako ng trabaho. Marami siyang connection, siguro naman matutulungan niya ako. "I need a job." Tiningnan niya lang ako. Ano ba? Titigan na lang 'to? "Ano?" Paulit-ulit? "I said, I need a job." Hindi ba talaga 'to magsasalita? "Okay lang naman kung ayaw mo akong tulungan eh." Tatayo na ako. "H-hindi. Wait Celine....." naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Tiningnan ko naman, tapos bumitaw siya, ".....I want to help you, para na rin sa mga nagawa kong kasalanan." Bumalik ako sa upuan ko. "Do you want to be my secretary?" Secretary? As in alalay sa school? "Alalay sa school?" "No, not alalay. Do you remember na kaka-graduate ko lang? I'm working now." Naka-graduate pala talaga siya. Akala ko magiging drug addict, rapist o sa rehab siya dadamputin. "Mabuti naman at nagtatrabaho ka." "I've been thinking about what you said when you left me years ago Celine. Again, I'm sorry." Gusto ko man maniwala sa sincerity ng boses niya, pero...... "Matagal na 'yun, kalimutan na lang natin." "Thank you. Can I ask you something?" Tumingin naman siya sa'kin na parang curious talaga. Yung maganda niyang hair-do at buff niyang katawan, ganoon pa rin. Pero hindi na gano'n ang epekto sa'kin. "What?" "Is it true?" "Ang alin?" Hindi ko siya maintindihan. "Na isa ka nang...." nagaalinlangan pa. "Ano?" "Na ano, Uhmmm..." Ba't ayaw pa kasing sabihin?! "Ano ba 'yun Alex?" "Ah wala, nevermind." Napakamot na lang siya sa buhok niya. Ano ba 'yun? "So I was thinking, okay ba sa'yong maging secretary ko? Wala naman masyadong gagawin eh, arrange my schedule lang, yun lang." At least may trabaho na ako. "Talaga? Oo naman!" Napa-smile pa ako. "Good!" Ganoon pa rin ang million dollar smile niya. "Saan ba ang office mo?" tanong ko. "Do you remember the time that I bought you to my dad's company?" "Hindi mo pa naman ako nadadala doon eh." "Oh. I gues that was another girl." mahina niya pang sabi, ".....so yeah, I'm working there as the CEO." "Wow! Talagang nag-aral ah, akala ko magiging drug addict or rapist ka na eh." Nagtawanan pa kami. "But really Celine, I missed you. Marami akong natutunan sa'yo. Ikaw lang naman kasi ang nakakausap ko noong naging tayo eh, other girls would just want me for, you know, they never listen. And you know how I regret every bad things I did." Nginitian ko lang siya, awkward. HINDI ko na namalayan ang oras pero 7:00 na ng gabi. Siguradong naghihintay na si Tristan sa'kin. Di pa naman ako nagpaalam, ang dami naman kasing pinuntahan ni Alex eh, kasama pa ako. "Ma'am Celine" Sinalubong agad ako ni Butler William sa pinto. "Butler William andiyan na po ba si Tristan?" tanong ko. "Nasa kwarto po. Kanina pa po kayo hinahanap. Saan ka po ba nanggaling?" Naghanap ng trabaho? "Ah..... sa kaibigan lang po. Sige po, akyat na ako." Kinakabahan ako, parang matutunaw na ako. Ano'ng sasabihin ko kay Tristan? Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya. "Babe...." Alam niya agad na ako ang pumasok. Nakita ko siya sa terrace. Nilingon niya ako, nag-aalala talaga siya. "Sorry." Sabi ko at lumapit sa kanya. Niyakap niya lang ako. Na-miss ko agad yung amoy niya. Yung init ng yakap niya. He is my home. "Mag-iingat ka pag-aalis ka ha," sabi niya lang. Hindi ba siya magtatanong? Wala man lang bang interrogation? "Hindi ka ba magtatanong?" Tanong ko habang magkayakap pa rin kami. "No, I trust you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD