"ANG sama ko na ba?"
"Miss Celine, kailangan mo lang po sigurong mas maging open kay Señorito," sabi ni Butler William sa'kin.
Nakakahiya mang aminin pero siya lang talaga ang nakakausap ko dito, ang iba kasing kasambahay dito ayaw naman akong kausapin. Sabi ni Butler William, baka natatakot daw sila kay Tristan. Ewan ba dito sa amo-and-katulong-relationship nila, ang gulo.
Sinabi ko kay Butler William na nakahanap ako ng trabaho, pero 'di ko sinabi kung kanino.
"Eh baka magalit po." Sa lahat ba naman ng ginawa ng Diyos, ba't feeling ko ang laki ng problema ko kahit hindi naman. Kailangan ko lang naman magsabi ng totoo eh. Ganun na ba kahirap 'yun?
"Pero at least, sinabi mo sa kanya."
"Sinabi ang alin?"
Si Tristan.
Tumayo kaming dalawa ni Butler William at tiningnan siya, ewan ba't parang feeling ko parang nahuli akong may ginawang masama.
Nginitian ko lang siya tapos lumapit sa'min. Ano'ng gagawin ko?
"Aahh.... Sabi niya po mahal ka niya, napaka-sweet naman po pala ni Miss Celine eh." Akala ko ba sabihin daw ang totoo? Ito namang si Butler William, pero buti na lang hindi niya sinabi kasi di ko rin alam paano ko ipapaliwanag.
Umalis na agad si Butler William, naiwan na lang kami ni Tristan sa terrace.
Ano'ng gagawin ko? Act normal!
"B2 sabihin mo na sa'kin, ayokong malaman ko pa sa iba." A-ano daw?
"H-ha?"
Feeling ko, alam niya.
"Nararamdaman kong may tinatago ka sa'kin." Parang may pagka-ed----
"Oh alam ko na ang iniisip mo, I can't read minds baby. I'm not that Cullen guy from Narnia." Narnia? Pft.
"B1.... Twilight siya, hindi Narnia." Nagtawanan na lang kami, kahit alam ko namang ang awkward.
"Yeah, whatever," he smirked. Bakit nakayakap parin siya?
"Aalis ka na?" Inalis ko na lang yung kamay ko sa bewang niya tapos inayos yung necktie niya. Nakakatunaw 'pag tinitingnan niya ako.
"Actually, I was thinking if you want to come with me in my office." Hinawakan niya yung dalawang pisngi ko and then kissed me. I started kissing him back, like longing for something.
"Easy babe," he said na parang natatawa pa when I pulled away.
"Sorry." Parang namumula na naman ako sa kahihiyan.
"I love you," Ilang beses niya pa lang akong sinasabihan niyan pero tagos.
"I love you more." I said and kissed him again. Parang nagiging addict na ako sa halik niya.
I pulled away then he looked me in the eyes, tingin pa lang natutunaw na ako.
He hugged me, tapos huminga siya ng malalim. Something is bothering him. Kasalanan ko naman.
I MANAGED to survive that 'incident'. Ewan kung paano, pero parang nakalimutan na rin ni Tristan.
Hindi na ako sumama sa work niya, kasi nga, I have to 'work' din. Pumayag naman siya, kaya lang nagi-guilty ako sa ginagawa ko.
Medyo nakakaramdam na siya.
Sabihin ko na kaya?
"Oh ang lalim ata ng iniisip mo?" Napatingin ako kay Alex na nag-aayos ng mga papeles sa table niya. Nasa loob lang kasi ng office niya ang table ko.
"Ha? Ahhh.... ehhh...." Hindi ko pa alam ang sasabihin ko, hindi niya pa kasi alam na may boyfriend akong inuuwian.
"C'mon Celine! Tell me." Napatayo na lang ako tapos lumapit sa table niya. Kinuha ko yung papers na kanina niya pa inaayos, ako na lang, trabaho ko naman 'to eh.
"Wala 'to, mabubuhay pa naman ako." Tapos ngumiti siya.
"Hey! Can I ask you something?" Napatingin naman ako sa kanya. Ano na naman ba?
"Ano?"
"Tss. Parang tumapang ka 'ata. The last time I saw you parang Maria Clara ka pa." Malamang, sa lahat ba naman ng pinagdaanan ko hindi pa ako tatapang?
"Ano ba kasi 'yun?" Nakakainis na ha.
"I hope my question won't offend you, but is it true that you're a prost----"
"PROSTITUTE?" Ako? Isang pr-prostitute?
"Calm down." Tumayo siya tapos pinaupo ako sa chair sa harap ng table niya. Hindi ako nagsalita, "So I guess it's not true, based on your reaction."
Nag-death glare lang ako.
"Malamang! Sino ba ang nagchi-chismis niyan?!" Ugh! Nag-aalburuto na talaga ako sa galit! Ako? Isang prostitute? Ilang buwan lang akong 'di nagpakita, prosti na agad? 'Asan ang hustisya?
"Wala hindi ko rin alam eh. 'Yaan mo na." Sabay tapik niya pa sa likod ko. Alam na alam niya talagang yun ang nagpapakalma sa'kin.
Past na siya Celine, 'wag nang balikan.
"Hindi ako prostitute Alex, at kailan man hindi ako naging ganoon!" My God! Kung anu-ano na ang pinagdaanan ko tapos ito lang pala ang nagkalat na balita?!
Naiinis na ako!
"Butter, tama na yan, nagmo-monologue ka na naman sa utak mo." Ayan na naman siya sa tawag niya sa'kin. May palambing effect pa siya.
"Tigilan mo ako, Alex." Sabi ko sa kanya tapos tumayo na.
"Will you calm down Celine? Hayaan mo na sila kung anong iniisip nila, prove them wrong!" Napatigil ako sa sinabi niya. Dati-rati hindi naman siya ganyan. Hindi niya nga ako binibigyan ng advice o kahit ano man lang para ma-solve ang problema ko.
"Just, sit down Celine," He looked at me na parang kasalanan niya pa na nagagalit ako.
Umupo naman ako, kahit papaano sinubukan kong kumalma.
"Now, I know that I have nothing to do with you but please tell me what's going on with your life."
Tumingin ako sa kanya, nakikita ko naman ang sincerity niya, pero bakit ko sasabihin?
EVENTUALLY, sinabi ko na rin kay Alex. Nahihirapan na rin ako eh, paano 'pag nalaman niya? Nasibak pa ako? Wala na akong trabaho agad?
Okay na rin yun, kasi si Tristan na lang alalahanin ko.
"Do you love this guy?" tanong niya habang nagmamaneho siya papunta sa next meeting niya. Hindi ko sinabi ang pangalan ni Tristan sa kanya.
"Oo naman, siya na ngayon ang buhay ko.
Kaya nga ako nagtatrabaho dahil sa kanya diba? Ayoko kasing isipin ng kapatid niya at ng ibang tao rin na pera lang niya ang habol ko."
Natahimik na siya agad.
"Yung mama mo? Kamusta na?" Close kasi kami ng mama niya noong kami pa ni Alex. Matagal na rin yun, ewan nga kung naalala pa ako nun. Wala na ring Papa si Alex.
"Ah.. Si Mama? Alam mo bang parang ikaw lang ang nag-eexist na former- girlfriend ko sa kanya? Gusto mo puntahan natin?"
Talaga? Bakit?
"Hindi, next time na lang siguro, may meeting ka pa eh." May sariling company rin ang mama ni Alex, isang clothing line.
"I will cancel it for you." Sabay kindat niya pa. Sira talaga.
“"Wag na."
Yun na, Ito na naman siya sa mga pa-segue niya. Si Alex talaga.
PAGKATAPOS ng meeting niya na hindi naman talaga meeting dahil may inabot lang ang ka-meet niya tapos umalis agad., kumain na lang kami at hinatid niya ako sa gate ng subdivision.
"So paano? See you on Friday?" Sabi niya sa'kin nung i-park niya ang sasakyan.
Friday kasi mawawala siya ng ilang araw, may business trip daw sa New York.
So wala akong trabaho, pwede na akong sumama kay Tristan.
"O sige, mag-iingat ka sa byahe mo." Sabi ko tapos bumaba na.
Tiningnan kong umalis ang sasakyan niya. Tapos naglalakad na lang ako papasok sa subdivision, malayo pa naman yun.
"Ma'am, sumabay na po kayo sa'min." Inalok ako ng guard na sumakay sa patrol car.
BEEEEPPPP!!!!
Ayyy kabayo!
Nagulat na lang ako ng may pumaradang kotse sa gilid namin.
'Di kaya si Tristan?
"Miss Celine sumakay na po kayo." sabi ni Butler William na kakababa lang sa kotse.
Ano'ng gagawin ko? Baka nandyan si Tristan?
"Wala po si Señorito, nag-grocery po ako." pagkasabi pa lang ni Butler William nun, dali-dali na akong pumasok. Akala ko siya na.
"B1!" Dali-dali akong bumaba tapos yumakap sa kanya. Andito na siya.
"Ang sarap talagang umuwi 'pag ito ang aabutan ko eh." Sinisiksik niya ang mukha niya sa leeg ko. Kahit buong araw sa trabaho, amoy Tristan pa rin. Ang bango, Adik lang.
"B1, ako nagluto." Nagluto ako. Nakita ko kasi yung mga na-grocery ni Butler William. Kaya ako na lang ang nagpumilit na magluto.
"Talaga?" Natuwa naman siya.
"Handa na po ang lamesa Señorito," sabi naman ni Butler William. Pumunta na kami agad sa kusina.
"Masarap naman pala mag luto ang B2 ko eh, pwede na." Sabi niya habang kumakain kami.
Halos maubos niya na yung nakahain.
"Dapat lang magustuhan mo yan B1." Kasi kung hindi tutusukin ko mata niya. Biro lang naman.
"Excuse me po," sumulpot naman ang isang kasambahay. Napatingin kaming lahat sa kanya na parang nakakita lang siya ng multo. "Andiyan po si Señorita Ericka."
Oh c'mon! Masaya na dito eh! Andito na naman siya.