"ERICKA ano'ng ginagawa mo dito?" Sabay kaming pumunta ni Tristan sa sala. Kakapasok niya lang sa bahay tapos iniabot kay Butler William ang coat niya.
"Bakit kuya? Am I not welcome here anymore?" Nakataas pa ang kilay niya.
"Ericka." Tristan warned.
"Dito ako matutulog tonight Kuya, my freaky neighbor is having a party. I can't sleep." Dito siya matutulog?
Nilagpasan niya lang kami tapos huminto sa staircase.
"Butler William, clean the room that I am suppose to sleep in."
"Sa guest room po ba? Sabi ni Butler William at uutusan na sana ang mga kasambahay.
"No. The room where I always sleep, William."
Ano ba'ng sinasabi niya?
"Ericka, doon natutulog si Celine." Tristan said. So yung kwarto ko talaga ang pag-iinitan niya? Ang sama talaga ng ugali ng babaeng 'to.
"Exactly kuya. That's why I am telling Butler William to clean it." Tapos napatingin siya sa'kin, "I don't like germs creeping out." Dumiretso na agad siya doon sa study room.
Pagod na pagod na talaga ako sa pakikisama sa malditang kapatid ni Tristan. Ang sama ng ugali! Ano ba'ng klaseng pagpapalaki ang ginawa doon?
"I'm sorry baby." Tinitingnan lang ako ni Tristan. Nginitian ko siya, wala akong magagawa.
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na pinipeste na ako ng kapatid niya.
"It's okay"
"Tara na." Hinila niya na naman ako papuntang kusina. Hindi pa pala siya tapos kumain.
Napadpad kasi ang masamang hangin dito. Nasa kusina na kami ng bigla namang sumunod ang masamang hangin. Pasalamat talaga tong malditang ito at kapatid siya ni Tristan.
"Oh my Kuya! What are you eating? Nagulat na lang kami ng damputin niya yung plato ni Tristan tapos yung ulam na nakahain sa mesa, "eeewwwww... what is this...this eewww..." Sabay buhos sa sink.
"Ano'ng ginagawa niya? Napanganga na lang ako.
"ERICKA! That's enough!" Napatayo na si Tristan sa kinauupuan niya.
"Ano'ng gagawin mo kuya? Are you siding on that opportunistic girl now?!" Sigaw ni Ericka habang nakaduro pa ang daliri niya sa'kin.
Natahimik lang ako. Grabe na ang panlalait ng Ericka na 'to sa'kin?
"s**t! Ericka malaki ka na! Act your age!" Sigaw naman ni Tristan. Kasalanan ko ba kung bakit sila nag-aaway ngayon?
"s**t ka rin! Can't you see that, THAT girl is going to rob you! dinuro pa ako ni Ericka.
"No Ericka! She won't! She will not! Why can't you just accept the fact that I love her?" Nanghihina ang boses ni Tristan. Natahimik siya tapos umupo at tiningnan ni Ericka.
Nakita kung namumuo na ang mga luha sa mata ng kapatid niya. Sa oras na'to, isa lang ang nararamdaman ko, I feel guilty, nagkakagulo sila dahil sa'kin.
Dahil sa tingin ni Ericka isa lang akong palamunin ng Kuya niya na sa tingin ko naman, tama siya. Ganoon na rin ang magiging tingin ng mga tao sa'kin. Dahil hindi ko mapantayan si Tristan.
"Kuya..." naging matigas ang boses ni Ericka. "You deserve someone better, hindi ang tulad niya." And with that nag-walk out siya at lumabas ng bahay. Bumalik siguro sa bahay niya. Pero ako, ito naiwan sa poder ni Tristan, na nanliliit. Hindi ko naman kasalanan na hindi ako ipinanganak na mayaman pero lalaki 'tong kasalanan na 'to kung nandito pa ako kay Tristan.
A WEEK later.
"B2, you smell good." Inaayos ko ang neck tie ni Tristan tapos may paamoy-amoy pa siya.
"Ano ba B1 'wag magulo, inaayos ko pa oh." Kinikilig na kasi ako.
Napag-usapan na namin yung nangyari last week. Pilitin niya mang sabihin sa'kin na okay lang. Wala pa ring magbabago, nakatatak na 'ata yung mga nasabi ni Ericka.
"Aalis ka ba mamaya?" Bulong niya sa tenga ko. Nakakakiliti.
"Pwede ba?" Tanong ko.
Oo, para hindi na ako masama, sinabi ko sa kanyang nakahanap ako ng trabaho pero hindi ko sinabi na kay Alex, basta sabi ko lang okay ako doon.
Ayaw niya pa sana eh, kaya lang pinilit ko na. Kaya pag-aalis siya, laging tinatanong kung aalis ba ako o anong oras ako uuwi.
"Basta bilisan mo, balik ka agad sa'kin." Sabi niya sabay halik sa pisngi ko. Kinikilig na talaga ako.
"Sabi mo eh." Tapos binitawan ko na ang necktie niya at hinatid siya sa labas.
"Hindi dahil sabi ko, babalik ka sa'kin kasi baka mamatay ako 'pag nawala ka." Hinalikan niya naman ko sa noo at tumingin sa'kin.
Feeling ko matutunaw na ako.
"Oh kiss ko? Aalis na ako." sabay pout pa niya.
"Wala pa ba? Akala ko kasi nasobrahan ka na eh."
"Bilis na." Mainipin.
Mabilis ko siyang hinalikan. Kinikilig ako!
"Parang hindi man lang ako umabot ng 0.1 sec ah."
Namula na lang ako. Nahihiya na nga ako. Bigla niya na lang akong hinila and kissed me like it's always our first time.
"Uwi ka agad," bulong ko between kisses.
"I love you." My heart skipped a beat."
"I love you more." Mas mahal ko siya. Hindi ko nga alam na kaya pala ng pusong magmahal ng sobra-sobra.
"BUTTER ba't lagi kang ganyan? Napatingin na naman ako kay Tristan.
Ano naman ba'ng ginawa ko?
"Bakit?"
"Parang laging tulala."
Ako? Talaga?
Pupunta kasi kami ngayon sa susunod na meeting niya, parang wala naman 'ata akong ginagawa eh, sumasama lang sa mga meeting niya.
Kanina lang binigay niya sweldo 'ko. Ang laki nga eh, hindi ko alam ang gagawin ko doon. Ibigay ko na lang kay Tristan.
"Kulang lang sa kape." Sagot ko.
"Kung ano man yan, just get over it. I'm always here," sabi niya, napangiti na lang ako." ..so ano ng desisyon mo sa offer ko?
Oo nga pala, may offer sa'kin si Alex na sumama sa kanya sa London para sa isang business trip. Isang buwan rin yun, pero offer pa lang naman eh, depende pa rin sa'kin kung sasama ako.
"Pag-iisipan ko pa Alex." Sayang ang opportunity kasi maraming businessmen daw ang pupunta. Pero si Tristan? Hindi ko pwedeng iwan na lang ang puso ko dito.
"Okay, no pressure." Sabi niya tapos nag-park na.
Papasok na kami sa restaurant ngayon. Ewan nga ba't sa mga ganitong lugar siya nakikipag-meeting eh.
Kanina pa ako kinakabahan, ewan nga.
We walked inside the restaurant and all of a sudden, alam ko nang may mangyayari hindi maganda.
Siya.
Kaya naman pala.
Dapat nga ako'ng kabahan.