1

1915 Words
NATAWA nang malakas si Eduardo nang marinig ang malutong na pagmumura ni Jeff Mitchel. Hindi makontrol ng pinsan ang kalabaw nito. Nahihirapan din ito sa paghawak ng araro. “Tatawa-tawa ka diyan,” naiinis na sabi ni Cecilio sa kanya. Kahit na ito ay nahihirapan sa araro at kalabaw nito. Kunot na kunot ang noo ng kanyang pinsan at tila nauubusan na rin ng pasensiya. “Palibhasa kasi ay alam niyang magaling siya sa ganito,” naiinis na sabi ni Jeff Mitchel. “Damn it!” singhal nito nang tuluyang mawala sa kontrol nito ang kalabaw. Binitawan na nito ang araro. “I’ll never get this right.” “Relax,” sabi  niya. “Naiinis na rin sa `yo `yang kalabaw.” “I don’t care!” inis na inis na sabi ni Jeff Mitchel. Sinubukan nitong kunin ang tali ng kalabaw ngunit nadulas ito sa putikan. Napamura na naman ito. “Jeff Mitchel!” saway rito ang ama nito na si Uncle Utoy. Naiinis na dumakot si Jeff Mitchel ng putik at ibinato iyon. “Dad, I’m not doing this! I don’t deserve this cruelty. I’m out of here!” Napalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Napagtanto ni Eduardo na hindi lang basta naiinis ang pinsan. Galit na si Jeff Mitchel. Napatingin siya kay Cecilio na nasa ginagawa na ang buong atensiyon. Mababakas din ang inis sa mukha nito. Tila kaunti na lang ay gagaya na ito kay Jeff Mitchel. Nasa bukid sila nang umagang iyon. Pinilapil iyon upang mahati sa tatlo ang isang malaking taniman ng palay. Kailangan nilang araruhin iyon para ihanda ang lupa sa pagtatanim. May traktora sila, ngunit parte iyon ng parusa nilang tatlo. Uncle Utoy wanted them to learn the basics. Dapat daw nilang malaman kung gaano kahirap magtanim. Nais nitong malaman nila kung gaano kahirap bago magkaroon ng masarap na pagkain sa kanilang hapag. Nilapitan ni Uncle Utoy si Jeff Mitchel. “Halika, tutulungan na kita,” anito habang hinahatak nito patayo ang anak. Mahinahon ang tinig nito. “Huwag ka nang mainis, anak.” Napabuntong-hininga ang pinsan niya. Nabawasan ang inis sa mukha nito. “Ako na lang po ang aararo sa lahat,” sabi ni Eduardo sa tiyo. Nahihiya siya sa kanyang mga pinsan. Hindi kailangang pagdaanan ng mga ito ang hirap ng parusa dahil siya lang naman ang may kasalanan ng lahat. Tama si Jeff Mitchel, they didn’t deserve this. “Shut up, Dudes,” sabi ni Jeff Mitchel. “I can do this.” “Oo nga, `wag ka nang magdrama pa diyan,” dagdag ni Cecilio. “Akala mo, ikaw lang ang may kaya nito? Kaya ko rin, bah!” Hindi tuluyang naalis ang hiya sa kanya. Kasalanan niya kung bakit wala sa lungsod ang mga pinsan. Hindi naman sa ayaw ng mga ito sa Mahiwaga, ang probinsiya at tahanan ng kanilang mga ama. Hindi lang sanay ang dalawa sa buhay roon. Ipinadala sila ng mga ama nila roon upang makaiwas na sa gulo sa lungsod. Sa Mahiwaga muna sila mananatili hanggang sa matapos nila ang kanilang huling taon sa high school. Kasalanan ni Eduardo ang lahat. Nagkaroon siya ng girlfriend na may boyfriend na palang iba. Miyembro ng gang ang isa pang boyfriend ng kanyang girlfriend. Napag-initan siya ng gang. Dahil lagi niyang kasama sina Cecilio at Jeff Mitchel, pati ang mga ito ay nadamay sa gulo. Halos araw-araw silang napapaaway dahil hindi naman sila papayag na hindi sila makaganti. Hindi sila tumatayo lang upang tumanggap ng suntok. Siyempre, lahat ng magulang sa mundo ay lubos na mag-aalala at magagalit. Ipinaliwanag naman ni Eduardo sa mga ama nila na siya lang ang may kasalanan ngunit nadamay ang kanyang dalawang pinsan. Mula pa pagkabata ay close na silang tatlo. Daig pa nila ang magkakapatid. Kung nasaan ang isa, naroon din ang dalawa. Ang away ng isa ay away ng tatlo. Kaya ang parusa niya ay parusa rin ng mga pinsan. Tuwing weekdays ay pumapasok sila sa isang pribadong eskuwelahan sa bayan. Binigyan sila ng ilang mga hayop na kailangang alagaan. Bago sila pumasok sa eskuwelahan ay kailangang mailabas muna nila ang mga baka at kambing nila kaya maaga pa lang ay gising na sila. Sila rin ang mag-uuwi sa mga iyon pagkatapos ng klase nila sa hapon. Sa weekends ay nasa bukid sila at tumutulong sa mga magsasaka. Mestizo ang dalawang pinsan ni Eduardo. Siya lang ang may kayumangging balat. Ngunit unti-unti na ring umiitim ang mga pinsan dahil madalas silang nakabilad sa araw. He felt bad because he liked it there. He was happy being in Mahiwaga. He was happy with his punishment. He was not supposed to enjoy punishment. Pakiramdam ni Eduardo ay mali iyon dahil siya ang may kasalanan. Tila ang dalawang pinsan niya ang umaako ng lahat ng parusa. Tila ang mga ito lamang ang nahihirapan sa mga gawain. Kaya naman tinutulungan niya ang mga ito sa gawain hanggang sa kanyang makakaya. Bata pa lang siya, alam na ni Eduardo na mas gusto niya sa Mahiwaga kaysa sa Maynila. Tuwing nagbabakasyon siya roon ay ayaw na niyang umalis. Ngunit wala siyang magagawa dahil nakasentro ang buhay ng kanyang ama sa lungsod. Ito ang namamahala ng Cattleya Group of Companies. Binatilyo pa lang ang kanyang ama ay na-train na ito ni Lola Ancia sa pamamahala niyon. Ang kanyang ama ang panganay sa anim na magkakapatid kaya mabigat ang responsibilidad na nakaatang sa mga balikat nito. Si Eduardo ang panganay sa mga apo. Tatlong buwan ang tanda niya kay Cecilio. Mas matanda naman siya nang isang taon kay Jeff Mitchel. Dahil maaga itong nag-aral, kasa-kasama na nila ito ni Cecilio mula pa kindergarten. Mula pa pagkabata, alam na ni Eduardo na inaasahan ng lahat na susundan niya ang yapak ng kanyang ama. Inaasahan ng mga ito na siya ang susunod na mamamahala sa mga kompanya na itinatag ng ama ng Lola Ancia nila. Mga kompanya na sinikap palaguin nang husto ng kanyang ama at lola. His father had been grooming him for business. Sinusubukan naman niya ang lahat ng kanyang makakaya. Nais niyang paluguran ang kanyang ama. He owed it to him. He was such a great father. Kahit na abalang-abala ito ay sinisikap pa rin nitong paglaanan sila ng oras. Naging napakabuti nitong asawa sa kanilang ina at ama sa kanilang magkakapatid. Ngunit habang lumalaki ay lalo niyang napagtatanto na wala ang kanyang puso sa pagpapatakbo ng negosyo. Hindi ang pagiging businessman ang nais gawin ni Eduardo buong buhay niya. Nais niyang maging katulad ni Uncle Utoy at Lolo Andoy. Nais niyang maging magsasaka. Mahal niya ang lupa. Nais niyang magtanim. Nais niyang manatili sa Mahiwaga buong buhay niya. Hindi niya alam kung paano iyon sasabihin sa kanyang ama. Alam ni Eduardo na maiintindihan din siya nito, ngunit ayaw niyang ma-disappoint ang ama sa kanya. Ayaw niyang mabigo ito sa kanya. Muli siyang napatingin kay Jeff Mitchel na inaalalayan ng ama nito. Wala nang mababakas na inis sa mukha ng pinsan. Nakangiti na ito. Alam niyang dahil iyon sa kasama na nito ang ama. Sa kanilang tatlo, si Jeff Mitchel ang nakikita niyang magiging mahusay sa pamamahala ng mga kompanya sa lungsod. He was a genius. Mahusay ito sa klase. Alam niya na mas mapapalago nito ang emperyo ng Lola Ancia nila sa lungsod. Binalingan niya si Cecilio. Tila nakukuha na rin nito ang tamang pagkontrol sa kalabaw at araro. Si Cecilio ang susunod sa yapak ng ama nito. Nais nitong maging artist kagaya ng ama nito. Uncle Enyong was a well-known sculptor. Nag-iisang anak lang si Cecilio kaya ito ang medyo spoiled sa kanilang tatlo. Ipinagpatuloy na rin ni Eduardo ang kanyang ginagawa. Hindi siya nakakaramdam ng pagod. Gusto ng kanyang mga paa ang pakiramdam ng putik. Magkasundo sila ng kanyang kalabaw. Hindi siya nahihirapan sa pag-aararo ng lupa. He could do that all day. Hindi rin niya alintana ang init ng araw. Nang makapangalahati sila ay hinayaan silang magpahinga ng kanyang tiyuhin sa ilalim ng isang puno ng akasya. Hinayaan nilang maglublob sa putikan ang mga kalabaw nila sa di-kalayuan. Napangiti silang dalawa ni Jeff Mitchel nang makita nilang patungo si Luisita sa kanila. Kaklase nila sa bayan ang dalaga. Tauhan ng hacienda ang mga magulang nito kaya madalas din ito sa bukid. Mabait ito. Gustong-gusto niya si Luisita.  She had made an impression when she crashed her bike right into Cecilio on their first day of school. Nalugmok sa putikan ang kanyang pinsan. Ang kawawang si Cecilio ay kinailangang pumasok sa klase na maputik ang polo at pantalon. Cecilio hated Luisita because of that. Hindi rin nagtagal ang hatred na iyon. Naging amusement na ni Cecilio ang pang-aasar sa dalaga. Wala na yatang ginawa si Cecilio kundi ang mag-isip ng panibagong pang-asar kay Luisita. Hindi rin naglaon ay naging malapit sa kanila ang babae. Naging malapit nila itong kaibigan. She became part of the group. He was comfortable around her. Gusto niya si Luisita dahil naiiba ito sa lahat. Isa ito sa mga bibihirang babae na hindi naakit sa kanyang alindog. Wala siyang mabasa na paghanga sa mga mata nito nang una silang magkakilala. Tila napakaordinaryo niya sa paningin ni Luisita. Pakikipagkaibigan lang ang nais nito sa kanya.  May mga pagkakataon nga na naiisip ni Eduardo na baka ito na ang tamang babae para sa kanya. Minsan ay nakakasawa na ang mga casual relationship. Hindi na siya masaya. Wala na siyang nararamdamang challenge. Kusa nang lumalapit sa kanya ang mga babae. Hindi na niya kailangang kumilos. Hindi na niya kailangang mambola. Mahilig siya sa babae, aminado siya sa bagay na iyon. Ano ang magagawa niya kung kusang lumalapit sa kanya ang mga babae at ayaw niyang nagpapalampas ng pagkakataon? Lalaki lang siya. He had learned how to use his charm and good looks to his advantage. “Ces, don’t you say a word,” banta niya kay Cecilio sa mahinang tinig nang makitang malapit na sa kanila si Luisita. “Ilulublob ko `yang mukha mo sa tae ng kalabaw kapag pinaiyak mo na naman siya,” segunda ni Jeff Mitchel. Inismiran lang sila ni Cecilio. Madalas na si Cecilio ang nakakapagpaiyak kay Luisita dahil sa pamimikon nito. Sa kabila niyon, nanatili silang apat na magkakaibigan.  Umupo si Luisita sa tabi ni Jeff Mitchel nang tuluyan itong makalapit sa kanila. May dala-dala itong basket. Bahagya siyang nagselos dahil palaging si Jeff Mitchel ang tinatabihan ni Luisita. Si Jeff Mitchel ang palaging unang pinipili ng dalaga. Nawala agad ang selos ni Eduardo nang ngitian siya ni Luisita. It was her usual friendly smile that always warmed his heart. Hindi na siya madalas na ngitian ng mga babae sa ganoong paraan. Gumanti agad siya ng ngiti. “Dinalhan ko kayo ng kakanin. Ipinadala ni Lola Ancia sa `kin. Pinadaan niya kasi ako sa villa kanina,” ani Luisita habang inilalabas ang merienda nilang ipinadala ng lola nila. “Huu, kunwari ka pa. Narito ka para magpa-cute sa `min,” ani Cecilio na talagang hindi mapigilan ang matabil na dila. Tiningnan niya nang masama ang pinsan. Tutulungan niya si Jeff Mitchel na ilublob ang mukha nito sa tae ng kalabaw mamaya. Hindi pinansin ni Luisita si Cecilio. Nanatiling nakangiti sa kanila ni Jeff Mitchel ang dalaga. “Sige na, kain na kayo. Huwag n’yong tirhan `yong isa riyan.” Hindi mapigilan ni Eduardo ang kanyang sarili na matawa nang malutong. He was happy there. He was happy with his cousins and with Luisita. Sana ay magkaroon siya ng lakas ng loob na sabihin sa kanyang ama ang kanyang totoong saloobin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD