2

2167 Words
AWANG-AWA si Yllen Stacy habang nakatingin kay Jericho, ang nakababata niyang kapatid. She was in his room. Nakaupo ang kanyang kapatid sa paanan ng kama habang humahagulhol. Yakap-yakap nito ang isang picture frame. Kahit na hindi niya nakikita, sigurado siyang larawan ng kanilang ina ang laman ng picture frame. Parang binibiyak ang kanyang puso sa nakikita niyang anyo ng kapatid. He looked so broken. Ngayon lang niya nakita na umiyak nang ganoon katindi si Jericho. Atubiling nilapitan ni Yllen Stacy ang kapatid at marahang ipinatong ang kanyang isang kamay sa balikat nito. Napatingin sa kanya si Jericho. “Wala na talaga si Mama,” anito habang patuloy sa pagdaloy ang masaganang luha mula sa mga mata. Tinakpan ni Yllen Stacy ng isang kamay ang kanyang bibig upang hindi umalpas ang kanyang iyak. Jericho’s eyes were full of anguish and despair. Wala siyang mabanaag na galit doon. Hindi niya alam kung hihilingin niyang magalit na lang ito sa kanya kaysa ganoon ito. Katatapos lang nilang ihatid sa huling hantungan ang kanilang ina. Kasalanan ni Yllen Stacy kung bakit hindi na nila ito kapiling ngayon. Matigas kasi ang kanyang ulo. Hindi na siya pinayagan na dumalo sa isang party ngunit nagpumilit siya. Sinundo siya ng kanyang ina sa party. She was so glad she picked her up. Hindi naman niya nagustuhan ang dinatnan niya sa party. She had wanted to get out of the place the moment she had stepped in. Habang nasa daan sila, humingi siya ng paumanhin sa ina. Pinatawad naman siya nito at nangako siyang hindi na siya uulit. Nangako siya na hindi na siya kailanman susuway sa mga utos ng kanyang mga magulang. Malapit na sila sa subdivision nila nang magkaroon ng aksidente. Isang taxi ang bumangga sa kanila. Niyakap siya ng kanyang ina. She shielded her from the impact.  Her mother died. Nagkaroon din siya ng pinsala ngunit hindi gaanong malala. Ang taxi driver na napag-alamang lasing nang gabing iyon ay hindi rin pinalad na mabuhay. “I... I’m s-sorry,” lumuluhang sabi ni Yllen Stacy. Kasalanan niya ang lahat kung bakit ulila na sila sa ina ngayon. Kung hindi sana naging matigas ang kanyang ulo, hindi siya susunduin ng kanyang ina. Kung nanatili sana siya sa bahay, hindi sana sila maaaksidente sa daan.  “It hurts,” sabi ng kanyang kapatid sa basag na tinig. “I can’t stop crying. Ang sakit-sakit, Ate. Make it stop. Take the pain away. Make it stop,” pagsusumamo nito. Paulit-ulit na nadurog ang puso ni Yllen Stacy. Niyakap niya nang mahigpit si Jericho. Kung kaya lang niyang alisin ang lahat ng  sakit na nararamdaman nito, kanina pa niya ginawa. Hindi dapat na nasasaktan ang kanyang kapatid. Siya ang may kagagawan kung bakit labis na nagdurusa ang kapatid. Dapat ay siya na lang ang namatay sa aksidenteng iyon. She deserved it. Hindi dapat ang kanilang ina ang nasawi.  Nakatulog si Jericho nang mapagod ito sa pag-iyak. Paglabas ni Yllen Stacy ng silid ng kapatid ay hinanap niya ang kanilang ama. Natagpuan niya ito sa bar. He looked so miserable. Muling nag-init ang kanyang mga mata. Alam niya kung gaano kamahal ng kanyang ama ang kanyang ina. She couldn’t begin to imagine how hard this loss was for him. And it was her fault. “Papa,” tawag niya rito. Nilingon siya nito. Her heart broke again. She could she the sorrow in his eyes. “I’m so s-sorry,” aniya sa basag na tinig. “I’m really sorry. Please forgive me.” Napailing-iling ito. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin niyon. “She saved you.” Hinintay ni Yllen Stacy na dugtungan ng ama ang sinabi nito ngunit muli nitong itinuon ang atensiyon sa alak na iniinom.  I don’t deserve it, I know, nais sana niyang sabihin. Kasalanan ko, Papa. Alam ko kahit na hindi mo sabihin, ako ang sinisisi mo. Ipinapakita ng mga kilos mo. Kinamumuhian mo ako. Hindi siya binulyawan ng kanyang ama. Hindi nito sinabi sa kanyang mukha na kasalanan niya ang sinapit ng kanyang ina. Mas nais ni Yllen Stacy na bulyawan siya ng kanyang ama. Mas nais niya na ipakita nito sa kanya ang galit nito kaysa ganoon ito. Hindi niya ito masisisi. She deserved this from her father.  “DO YOU really have to go?” tanong ni Eduardo kay Jeff Mitchel bago siya lumagok sa bote ng beer na hawak niya. “Oo nga,” sagot ni Cecilio. “Puwede namang dito ka na lang magpatuloy ng pag-aaral. Bakit kailangang sa Amerika ka pa kumuha ng MBA at training?” Nasa isang bar silang tatlo. Kinabukasan na ang alis ni Jeff Mitchel patungo sa Amerika. Isang buwan pa lang ang nakalilipas mula nang magtapos sila ng kolehiyo. Iyon ang unang pagkakataon na maghihiwalay silang tatlo. Bahagyang nalulungkot si Eduardo, ngunit naisip din naman niya na hindi habang-buhay ay kasa-kasama niya ang mga pinsan. Darating sa puntong kailangan nilang maghiwalay ng landas at harapin ang buhay nang mag-isa. Hindi maiiwasan iyon dahil magkakaiba sila ng mga personalidad. Iba-iba ang mga gusto nila. Iba-iba ang mga pangarap nila. “I need to do this, guys. Mas magiging mahusay ako kung sa ibang bansa ako magte-training,” tugon ni Jeff Mitchel. Alam niyang matayog ang mga pangarap nito para sa Cattleya Group of Companies. Binalingan ni Jeff Mitchel si Cecilio. “Ikaw, kailan mo balak magtungo sa ibang bansa? Matagal mo nang plano na mag-aral abroad, `di ba?” Napatingin si Eduardo kay Cecilio. Sa dalawa, si Cecilio ang mas inasahan niyang magtutungo sa ibang bansa, hindi si Jeff Mitchel. High school pa lang sila, palagi na nitong sinasabi sa kanila na sa isang tanyag na art school sa ibang bansa ito mag-aaral pagsapit ng kolehiyo. Ngunit hindi nito itinuloy. Nanatili ito sa Pilipinas. Nag-apply rin ito sa university na pinag-apply-an nila ni Jeff Mitchel. “Dito muna ako sandali,” tugon ni Cecilio. “Parang hindi ko pa kayang lumayo, eh. Hindi ko pa yata kayang maging independent sa ibang bansa. Alam n’yo naman ako, spoiled brat.” Hindi siya naniniwala sa pinsan. He was independent. Kahit na nag-iisang anak lang ito, hindi kailanman naging spoiled brat si Cecilio sa totoong kahulugan ng salitang iyon. He could survive anywhere. Hindi naman kasi ito maselan. Madali itong maka-adjust sa kahit na saan. Madali rin nitong makasundo ang mga tao sa paligid nito—maliban na lang yata kay Luisita. May ibang bagay na pumipigil kay Cecilio mula sa pag-alis ng bansa. Isang bagay o tao na mas mahal nito kaysa sa pangarap nito. “Ikaw, ano’ng plano mo?” tanong sa kanya ni Jeff Mitchel.  Nagkibit-balikat si Eduardo. Ang totoo ay niyaya siya ng pinsan na sumama sa Amerika. Pareho sila ng kursong kinuha sa kolehiyo ngunit sinikap niyang huwag itong maging kaklase kahit na sa isang minor subject lang. Hindi niya nais makasama ito. Professors always compared them to one another. He was certain that he paled in comparison. Kukuha rin siya ng kanyang master’s degree, ngunit dito na lang sa Pilipinas. Hindi nga sana nais ni Eduardo na magpatuloy ng pag-aaral ngunit iyon ang inaasahan sa kanya ng kanyang ama. Hindi niya ito nais na biguin. “Uuwi muna ako sa Mahiwaga,” sabi ni Cecilio. “Habang hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko, doon muna ako.” Nainggit siya kay Cecilio. Nais din ni Eduardo na umuwi sa Mahiwaga ngunit hindi maaari. Sigurado na siya sa nais niyang gawin sa kanyang buhay, ngunit hindi pa rin niya magawang sabihin iyon sa kanyang ama. Hindi niya masabi na hindi niya nais na maging isang businessman kagaya nito. Nais niyang maging katulad ni Uncle Utoy. Nais niyang manatili sa probinsiya. Nais niyang maging magsasaka kagaya ni Lolo Andoy. “Time flies so quickly,” ani Jeff Mitchel, saka bumuntong-hininga. “College is over. Kailangan na nating magkaroon ng mga sarili nating buhay.” “We’re not kids anymore,” sabi naman niya. “We’re splitting up.” Ayaw man niyang aminin, natatakot si Eduardo sa paghihiwalay nilang tatlo. They had been inseparable growing up. They had always looked out for each other. Ang dalawa ang napagsasabihan niya ng lahat ng kanyang saloobin. Hindi alam ni Eduardo ang gagawin ngayong malayo na ang isa upang puntahan niya tuwing kailangan niya ng tulong, tuwing kailangan niya ng kasama. Tila siya bata sa pag-iisip ng ganoon. He was an adult already. He could take care of himself. Panganay siya at dapat ay maging matatag siya.  “Well, it’s about time,” natatawang sabi ni Jeff Mitchel. “We’ve been inseparable since forever.” “Take care of yourself over there,” bilin niya. “Have fun. Huwag kang masyadong magseryoso.” “When I’m gone, be serious,” bilin din nito sa kanila ni Cecilio. Tumingin ito sa kanya. “Find a girl you’ll get serious with. Tigilan mo na ang pambababae.” Binalingan nito si Cecilio. “And please, stop torturing Luisita. Be a real brother to her. Take care of her. I still love her.” Nilagok ni Eduardo ang natitirang laman ng kanyang bote. He felt guilty. Hindi niya masabi kay Jeff Mitchel na ilang linggo na niyang iniisip ang panliligaw kay Luisita. He was a little hesitant because Luisita used to be Jeff Mitchel’s girlfriend way back in college. Ilang taon na rin ang nakalipas mula nang magkahiwalay ang dalawa. Naging mabuting magkaibigan uli sina Luisita at Jeff Mitchel kaya naman naisip niya na baka puwede na siyang manligaw. Ngayon lang niya narinig mula kay Jeff Mitchel na mahal pa rin nito ang dalaga. Hindi niya masisi ang pinsan. Magiging ganoon din marahil siya kung siya ang nasa kalagayan nito.  May bahagi rin sa kanya na natatakot na sumubok na manligaw kay Luisita. He was afraid she would turn him down. Hindi siya katulad ng kanyang mga pinsan. Jeff Mitchel was a genius. He was going to be the most brilliant businessman in the entire world, no doubt about that. Cecilio was a very talented artist. Nakikita niya na malaki ang potensiyal nitong maging kagaya ng ama nito. He was great at carving and painting. He was also good at furniture design. Alam niya na malalagpasan pa ni Cecilio ang mga nakamit ng ama nito. Samantalang siya, ano lang ba siya? Isang lalaki na may guwapong mukha? Isang babaero. He had never excelled in class. Hindi naman siya nangungulelat sa klase ngunit hindi rin siya nangunguna kagaya ni Jeff Mitchel. He couldn’t draw a straight line. He couldn’t be an artist like Cecilio. Ano ang maaaring gustuhin sa kanya ni Luisita bukod sa pisikal niyang anyo? Ang akala marahil ng lahat ay madali niyang napapaibig ang lahat ng uri ng babae. Kung sa ibang babae marahil ay magiging madali sa kanya ang lahat. Ngunit naiiba sa lahat si Luisita. Hindi ito maaaring ihanay sa iba. Hindi niya maaaring igaya ang dalaga sa ibang babae na dumaan sa kanyang buhay. Deep within him, he knew that Luisita was the right woman for him. He was tired of playing around. Nadadalas ang mga pagkakataon na nais na ni Eduardo ng seryosong relasyon. Nakakasawa at nakakapagod din ang pakikipaglaro. He wanted someone to understand him. He wanted someone who would stay with him no matter what. He wanted someone who could make him feel good, comfortable, and safe. Luisita was that someone. Jeff  Mitchel was leaving and he figured it was his turn to pursue her. Minsan ay nasabi ni Jeff Mitchel sa kanya na magandang pundasyon ang pagkakaibigan sa isang romantikong relasyon. Hindi gaanong nagtagal ang relasyon ng dalawa ngunit nananatili ang magandang samahan  ng mga ito dahil sa pagkakaibigan. He figured that he could straighten out his life if Luisita became his serious girlfriend. “Loosen up a bit, Mitch,” sabi ni Cecilio na bahagyang nakaismid. “I may not be very vocal about it but I love her, okay? As a sister. And sisters are irritating most of the time.” Matamang pinagmasdan niya si Cecilio. He was wrong. He was vocal about his brotherly love for Luisita. With them, at least. “What?” sita ni Cecilio sa kanya nang mapansin nito ang kanyang tingin. “You don’t believe me?” “I believe you.” Inalis ni Eduardo ang kanyang paningin sa pinsan at inilibot ang mga iyon sa paligid ng bar. “I may find myself a serious girlfriend soon.” Sabay na napaungol ang dalawa. “You always say that,” they murmured simultaneously. Para yata sa mga pinsan ay hindi na siya kailanman magiging seryoso sa isang babae. He would surprise them one day. May nginitian siyang isang babae. She was very lovely. She looked around eighteen or nineteen. She had a perfect curvaceous body. She was looking at him with seductive eyes. She obviously wanted him. Hindi niya maiwasang gantihan ang ngiti ang babae. She looked so hot in her red minidress. “Here we go again,” bulong ni Cecilio. Hindi niya pinansin ang pinsan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD