“WHAT is wrong with you, Jericho?” naiinis na sita ni Yllen Stacy sa kapatid bago niya inagaw ang bote ng alak mula rito. Tila ba tubig lang iyon kung inumin nito.
“Piss off, Ate Yllen,” naiinis na sabi nito bago inagaw ang bote sa kanyang kamay.
Awang ang mga labi na pinanood ni Yllen Stacy sandali ang pag-inom nito sa bote. Jericho had never been this disrespectful to her. Hindi ito naging marahas sa pagsasalita sa kanya mula pa pagkabata nila.
“Why are you being like this?” mahinahong tanong niya pagkatapos humugot ng malalim na hininga. Hindi magiging maganda kung paiiralin niya ang init ng kanyang ulo. Her brother was already in a very bad mood. Kailangan niya itong intindihin kahit na paano.
“I don’t wanna talk about it,” he said in a dismissive tone. “Just leave me alone, Ate Yllen. Gusto kong mapag-isa.”
Hinawakan niya ang balikat ni Jericho. “You don’t have to be alone. Hindi mo kailangang kimkimin ang lahat diyan sa loob mo. I’m here. I’m your sister. You can tell me anything. Tutulungan kita sa lahat. Tutulungan kitang resolbahin ang problema mo. I’ll make everything right for you, Jericho. Just don’t be like this.”
Hindi ito umimik. Hindi siya pinansin ng kapatid. Nagpatuloy lang ito sa pag-inom ng alak na parang wala siya roon. Nahihirapan siyang panooring nagkakaganoon si Jericho. Ni hindi niya alam kung paano ito natutong uminom ng alak. Dati-rati ay wala itong bisyo.
Napabuntong-hininga si Yllen Stacy. Sinikap pa rin niyang maging mahinahon. Sisikapin niyang intindihin ang kanyang kapatid. “Don’t be like this, Jericho,” pakiusap niya. “`Wag mong gawin ito sa sarili mo. Go to school. Study hard. Tigilan mo na ang paglalasing. Jules is just a girl. You’ll find a better woman to love. Mama would be so disappointed in you.”
Iwinaksi ni Jericho ang kanyang kamay na nasa balikat pa rin nito. “You stop being like that, Ate! Ikaw ang tumigil sa ginagawa mo. You are too good. You always do the right things. You always say the right things. Hindi `yan ang kailangan ko! Hindi mo ako maiintindihan. Mama’s been dead for years. She’s gone forever. And you can never replace her! You can’t make me feel better because you’re not Mama! Get out of my face!”
Tumayo si Yllen Stacy at iniwan na ang kapatid. Patakbong tinungo niya ang kanyang silid. Nang nasa loob na siya ay hinayaan niya ang kanyang sarili na umiyak nang umiyak. Hanggang ngayon, kahit na ilang taon na rin ang lumipas mula nang mamatay ang kanyang ina, siya pa rin ang sinisisi ng kanyang ama at kapatid. Hanggang ngayon, nahihirapan pa rin silang tatlo dahil sa pagkawala ng kanyang ina.
Hindi niya masisi si Jericho sa pagsasabi ng mga iyon. Hindi niya magawang magalit. She deserved this. It was all her fault. Kahit na ano rin ang gawin niya, hindi siya magiging katulad ng kanyang ina. She couldn’t even properly take care of her family.
Her father had turned into a workaholic. Palagi itong wala sa bahay. Palaging nakatuon ang buong atensiyon nito sa mga negosyo. Madalang na madalang na nila itong makasama ni Jericho. He had become cold, too. Hindi na niya nakikitang ngumingiti o tumatawa katulad ng dati ang ama.
Si Jericho ay naging rebelde. Napabarkada ito sa mga maling tao. Natuto itong manigarilyo at uminom. All he ever did was party. Hindi na napagtutuunan ng pansin ng kapatid ang pag-aaral nito. Dati naman ay hindi ito ganoon. He had always been a good boy.
She knew Jericho was going through a rough time. His girlfriend had just dumped him for another guy. Hindi niya kailanman nagustuhan ang girlfriend nitong si Jules. Sa unang kita pa lang niya sa babaeng iyon ay alam na niyang sasaktan lang nito ang kanyang kapatid. Hindi nga siya nagkamali.
Nasasaktan ang kanyang kapatid at wala siyang magawa. Sana ay mabuo niyang muli ang kanyang pamilya. Sana ay bumalik sa dati ang lahat.
TULALA si Eduardo habang nakatingin kay Luisita. Hindi niya alam kung pagkakatiwalaan niya ang kanyang mga tainga. Hindi niya sigurado kung tama ang kanyang narinig. Hindi niya alam kung nananaginip lang siya o ano.
Hindi makatingin sa kanya si Luisita. Tila ito nahihiya at naiilang.
“Y-you’re my g-girlfriend now?” hindi maka-paniwalang tanong niya. Nasa isang restaurant sila nang tanghaling iyon. Sinundo niya sa trabaho nito si Luisita. Ilang buwan na rin siyang nanliligaw sa dalaga. Bago siya pormal na nanligaw rito ay kinausap niya nang masinsinan sina Cecilio at Jeff Mitchel. Humingi siya ng permiso sa mga pinsan.
Kagat ang ibabang labi na tumango si Luisita.
Napangiti siya nang malapad. Kinumbinsi niya ang kanyang sarili na totoong nangyayari ang iyon sa kanya. Sa wakas ay nagbunga ang kanyang pagsusumikap. Inabot niya ang kamay nito at hinagkan. “Thank you so much, Lui.”
Ngumiti lang ito nang matamis.
Hinagkan uli ni Eduardo ang kamay ng dalaga. Lubos siyang nagpapasalamat dahil tinanggap siya ni Luisita. Nagpapasalamat siya na pinagkakatiwalaan siya nito. Maraming pagkakataon na nagduda si Eduardo na tatanggapin nito ang kanyang pag-ibig. Sinikap niyang gawing tama ang lahat para dito. Hindi na siya nambabae. Ni hindi na siya tumitingin sa ibang mga babae. Binawasan na niya ang paggimik upang makaiwas na rin sa tukso.
He behaved perfectly while he was pursuing her. He wanted her to see that he was a better man. He improved himself.
Nagtatrabaho na siya sa isang kompanyang hawak ng kanyang ama. Palipat-lipat siya ng departamento upang mahasa raw siya. Hindi alam ng karamihan sa mga empleyado na anak siya ni Vicente Castañeda. Nais ng kanyang ama na matuto siya mula sa mababang posisyon. Nais din nitong makahalubilo niya ang mga empleyado na nasasakupan ng pamamahala nito.
Isa si Luisita sa mga dahilan kung bakit sinisikap niyang maging katulad ng kanyang ama. Naisip niya na iyon ang gusto para sa kanya ng dalaga. He thought she would want a businessman for a husband someday.
Pareho sila ni Luisita na mahal ang lupa, ngunit alam din niya na matayog ang pangarap ng dalaga para sa pamilya nito. Madalas nitong sabihin sa kanila na sana ay hindi na kailangang magsaka ng mga magulang nito. Nais ni Luisita na bigyan ng magandang buhay ang pamilya nito sa probinsiya kaya nagsusumikap ito sa lungsod. He figured she didn’t want him to be just a farmer. Kaya nga nagustuhan din nito si Jeff Mitchel noon.
“I promise to take care of you,” he solemnly said. “Ipinapangako kong magiging mas mabuti akong lalaki para sa `yo. I won’t ever cheat. I will love you more.”
“Maraming salamat sa pagmamahal.”
Hindi iyon ang nais niyang marinig, ngunit ayos na rin iyon sa kanya. Baka nahihiya lang si Luisita na sabihin na mahal din siya nito. It was a given anyway. Hindi naman ito papayag na maging kanyang nobya kung hindi siya mahal ng dalaga.
Hindi rin komportable si Eduardo sa pagpapalitan ng salita ng pagmamahal. Words were not important anyway. Ang mahalaga ay naipapakita niya ang kanyang pagmamahal kay Luisita. Ang mahalaga ay nagmamahalan sila.