4

1192 Words
NAPABUNTONG-HININGA si Eduardo nang maiparada niya ang kanyang sasakyan sa parking lot ng company building. Tinatamad na kinuha niya ang kanyang mga gamit at umibis na ng sasakyan. Isinukbit niya ang kanyang bag sa kanyang balikat habang inaayos ng isang kamay ang necktie na niluwagan niya kanina. Pakiramdam niya ay sinasakal siya. Umpisa pa lang ng araw ngunit nais na niyang matapos iyon. Tinatamad siyang pumasok sa opisina. Nahihirapan ang kanyang kalooban. Hindi niya lubusang maamin sa kanyang sarili na hindi siya masaya sa ginagawa sa kasalukuyan. Everything in the office had become a struggle for him. Noong una, sinabi ni Eduardo sa kanyang sarili na masasanay rin siya. Magugustuhan din niya ang environment doon. Mamahalin din niya ang kanyang trabaho. Kung magsusumikap lang siya, magiging mahusay siya. Naniniwala siya na lahat ng bagay ay natututuhan. Ngunit habang lumilipas ang mga araw ay lalong nahihirapan si Eduardo. His heart was not in it. Madalas, pakiramdam niya ay isa siyang robot na ginagawa na lang ang kung ano ang iutos sa kanya. Nagtatrabaho siya ngunit wala siyang madama na fulfillment sa kanyang ginagawa. He felt empty inside. He was so lost. He didn’t know what to do. Nais niyang magsabi kina Jeff Mitchel at Cecilio ngunit hindi niya magawa. Jeff Mitchel was so busy with his studies and training in America. Cecilio was busy with furniture designing. Nag-uumpisa na itong makilala sa larangang iyon. Hindi rin niya masabi kay Luisita ang lahat dahil abala rin ang dalaga sa trabaho nito sa isang architectural firm bilang landscape architect. Abala ang mga ito sa mga gawaing gusto ng mga ito. Tuwing nagkukuwento sa kanya ang kanyang nobya tungkol sa trabaho nito ay naiinggit si Eduardo. Kumikinang ang mga mata ni Luisita. She was obviously happy with her job. Sana ay ganoon din siya. Sana ay magawa niya ang talagang gusto niya. May mga pagkakataon na tila nais na ni Eduardo na magsabi kay Lola Ancia na sa Mahiwaga na lang siya. But could he really disappoint the people he loved? Kaya ba niyang makita ang pagkadismaya sa mga mata ng kanyang ama? Siya ang panganay nito. Dapat lang na sundan niya ang yapak ng ama. Obligasyon niya iyon bilang panganay. Malapit na siya sa entrance ng building nang biglang may bumangga sa kanya. “I’m so sorry,” hinihingal na sabi ng babaeng nakabangga niya.   Nagsalubong ang mga kilay ni Eduardo habang nakatingin sa babae. Aligaga ito sa pagdampot ng mga gamit nitong kumalat kaya hindi ito nakatingin sa kanya. Ang luwang-luwang ng daan, paano siya nito nabangga? He knew better. Seriously, women needed to think of new tricks to get his attention. Kinuha niya ang kanyang ID sa bulsa ng kanyang bag. “Miss,” tawag niya. Tiningala siya ng babae. Not bad, naisip ni Eduardo. She was lovely. Kung wala lang siyang nobya, baka pinatulan na niya ang stunt nitong iyon. “I’m really sorry. Hindi ko sinasadya. Nagmamadali lang ako,” sabi nito, saka apologetic na ngumiti. Kusang tumaas ang kanyang mga kilay. Maaga pa naman. Ipinakita niya ang ID niya rito. “If you want to know my name, all you have to do is ask. I’m sorry though, I’m taken.” Sandaling natigilan ang babae na tila hindi kaagad tumimo rito ang kanyang sinabi. Napaawang ang mga labi nito at namilog ang mga mata nito. She still looked lovely. And he had to give it to her, she could act well. “Iniisip mong sinadya kong banggain ka para lang malaman ko ang pangalan mo?” namamanghang tanong nito.  Nagkibit-balikat si Eduardo. “It happens to me all the time.” Marahas na sininop ng babae ang mga gamit nito at tumayo. Naningkit ang mga mata nito. “You are so full of yourself. Jerk.” Marahas ang mga hakbang nito patungo sa entrance. “I get that all the time, too,” bulong niya habang nakasunod dito. Sumakay sila sa elevator. Tahimik lang sila sa loob. Ganoon palagi ang mga reaksiyon ng mga babaeng nahuhuli sa mga trick ng mga ito. Pilit na ipinapakita sa kanya na walang interes ang mga ito, na hindi apektado sa kanyang presensiya. Ngunit ang totoo ay nagpapapansin lang ang mga ito. Deep inside, they wanted him. Women had always wanted him. Pagdating sa palapag ng sales department ay lumabas ang babae. Sumunod siya rito. “I can’t believe I encountered someone like you on my first day,” sabi nito habang patuloy sa paglalakad. “I’ve seen it before, Miss. Think of something new. Something creative. Hindi na umuubra ang sinadyang bungguan sa mga lalaki. And I’m really sorry, I’m faithful to my girlfriend.” Alam ni Eduardo na hindi na nagiging maganda ang pagtrato niya sa babae. Wala lang siya sa mood makipaglaro. Siguro ay talagang maikli na ang kanyang pisi. He was not in his best mood. Marahas na nilingon siya ng babae. Nanlisik ang mga mata nito. “Could you stop following me?” “I’m not following you. It’s just that you are heading towards my department.” Natigilan ito. “Please don’t tell me you’re in the sales department, too.” Nginitian niya ang babae bago ito nilagpasan. Binuksan niya ang isang pinto at pumasok sa loob. Ramdam niyang nakasunod sa kanya ang babae. Hindi na ni Eduardo ito pinansin. Binati na lang ni Eduardo ang mga kasamahan pagkatapos ay tinungo niya ang kanyang cubicle at inabala ang kanyang sarili sa trabaho. Maraming beses siyang napapatingin sa orasan. Paulit-ulit niyang hinihiling na sana ay alas-singko na ng hapon upang makauwi na siya. “I HOPE you enjoy working for us, Miss Alonzo.” “Thank you, Sir,” magalang na sabi ni Yllen Stacy sa head ng sales department. Iyon ang unang araw niya sa manufacturing company ng mga Castañeda. Nahirapan siyang makapasok ngunit sulit ang lahat ng kanyang paghihirap. Paglabas niya ng opisina ng head nila ay inilibot niya ang kanyang mga paningin sa paligid. Maganda ang ambiance roon. Alam niya na lubos siyang mag-e-enjoy sa pagtatrabaho sa opisinang iyon. Naglakad siya patungo sa kanyang cubicle. Sinadya niyang dumaan sa cubicle ni Eduardo Castañeda. Tila abalang-abala sa computer nito ang binata. Salubong na salubong ang mga kilay nito. Tila ibinibigay nito ang buong konsentrasyon sa ginagawa nitong trabaho. Aminin man niya o hindi, guwapo talaga si Eduardo. Higit pa sa inaasahan niya. Ilang ulit itong mas guwapo sa personal kaysa sa larawang ibinigay sa kanya. Ngunit iyon lang ito. Wala itong substance sa pagkatao nito. He was just a handsome guy. A very arrogant handsome guy. Hindi maintindihan ni Yllen Stacy kung bakit maraming babae ang nahuhumaling sa katulad ni Eduardo. Hindi niya alam kung ano ang nakikita ng mga babae rito bukod sa kaguwapuhan nito. Naramdaman yata ni Eduardo na may nakatingin dito kaya nag-angat ito ng mukha. Their eyes met. Nginitian siya ng binata. Natigilan siya. Alam niyang nanunuya ito, but his smile was sexy. Inirapan niya nang todo si Eduardo bago siya naglakad patungo sa kanyang cubicle. Pagdating doon ay hindi niya maiwasang mapangiti.  Mahuhulog ka sa bitag ko, Eduardo Castañeda. Ipararanas ko sa `yo ang dinanas ng kapatid ko. You will pay dearly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD