5

1419 Words
NAGTUNGO si Yllen Stacy sa rooftop ng building. May beinte minutos pa bago matapos ang lunch break. Iyon ang ikatlong araw niya sa trabaho. Everything was sailing smoothly. Hindi siya nahihirapan sa kanyang trabaho. Naging kaibigan na rin niya ang ilan sa mga kasamahan. Hindi pa rin niya pinapansin si Eduardo Castañeda at ganoon din ito sa kanya. Ang totoo, tila walang pakialam sa lahat ang binata. Nginingitian at binabati nito ang ilan sa mga kasamahan nila, ngunit hindi talaga ito malapit sa kahit na sino. Tila dumistansiya sa lahat si Eduardo. Hindi na niya dapat pinagtatakhan ang bagay na iyon. Alam ni Yllen Stacy na ito ang anak ng presidente ng Cattleya Group of Companies. Hindi iyon alam ng iba sa mga katrabaho nila. Sadyang hindi masyadong nakikihalubilo si Eduardo dahil iniisip nitong nakakaangat ito sa lahat. Ang rooftop ng building ay mayroong hardin. Ayon sa kanyang research, mahilig ang matriarch ng pamilya Castañeda sa mga bulaklak at halaman. Ang lahat ng building na pag-aari ng pamilya ay may magandang hardin.  Napangiti si Yllen Stacy habang pinagmamasdan ang magagandang bulaklak sa paligid. Halatang sapat ang alagang ibinibigay ng gardener sa lugar. Malusog ang mga bulaklak doon. Hindi na niya sinubukang hawakan ang mga bulaklak. Sapat nang naliligayahan ang kanyang mga mata sa pagtingin sa mga iyon. “This place is private,” anang isang tinig. Napalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Nilingon ni Yllen Stacy ang pinanggalingan ng pamilyar na tinig. Nakaupo sa isang garden set si Eduardo. He was smoking. And he looked sexy. “Then why are you here?” Tumawa ito nang marahan. “Come here, Miss Yllen. Join me. ‘Yllen Stacy Alonzo’ ang pangalan mo, hindi ba? Alam mo na kung ano ang pangalan ko.” Nilapitan niya ang binata at umupo sa silyang katapat nito. “Hindi sinabi sa orientation ko na hindi ako maaaring magpunta sa lugar na ito.” “I’m kidding. This place is for everyone.” Inilibot niya ang tingin sa paligid. “Bakit walang mga tao rito ngayon?” “Dahil lunch break? Kumakain ang mga empleyado. Madalas na maraming tao dito sa morning break at papagabi. The view of the city is breathtaking.” Ibinalik niya ang kanyang tingin kay Eduardo. “Ano ang ginagawa mo rito?” Bumuga ito ng usok. “Naninigarilyo.” Pinaypay ni Yllen Stacy ng isang kamay ang usok na napapunta sa kanyang mukha. “You should quit smoking. Walang magandang maidudulot sa `yo `yan.” He just smiled charmingly. “You find it sexy,” he said in a teasing tone. “I look more manly.” Pinagmasdan niya ang binata. “You’re handsome, I have to admit. Pero hindi ang tipo mo ang gusto ko. Hindi lahat ng babae ay nahuhumaling sa appeal at charm mo. Pam-boldstar kaya `yang uri ng kaguwapuhan mo.” Nasamid si Eduardo. Inubo ito habang natatawa. He looked so gorgeous. “Pam-boldstar?” anito sa pagitan ng pag-ubo. Inagaw ni Yllen Stacy ang hawak nitong sigarilyo at idinutdot sa ashtray. “Yes.” “That’s new. Kinda creative. No one has ever said that to me before.” Napailing siya. Iniisip pa rin ni Eduardo na may gusto siya rito. Napakayabang talaga nito. Kung nakukuha nito ang loob ng ibang mga babae, ibahin siya nito. Hindi siya iibig sa isang katulad nito. Humalukipkip si Eduardo habang nakatingin sa kanyang mukha. Bahagyang nailang si Yllen Stacy sa uri ng tingin ng binata. Tila pinag-aaralan nito ang bawat anggulo ng kanyang mukha. Tila kinikilatis nitong maigi kung may mga kapintasan siya. “You’re actually lovely,” ani Eduardo habang hindi siya nilulubayan ng tingin. “If you had come much earlier into my life, you might have had a shot. But sorry, darling, I’m taken. Nagbabagong-buhay na ako. Faithful talaga ako sa girlfriend ko na mahal na mahal ko.” “Arrogant, aren’t we?” nanunuyang sabi ni Yllen Stacy. Alam niya ang tungkol sa nobya ni Eduardo. Iniisip pa lang niya na masaya ito sa piling ng babaeng mahal nito ay sapat na upang bumangon ang kanyang galit. He didn’t deserve to be happy in love. Pagkatapos ng paglalaro at pagpapaikot nito sa kanyang mga kabaro, wala itong karapatang makatagpo ng totoong pag-ibig. “No, honey, I’m just being honest. Ayokong magkaroon ako ng problema sa hinaharap. Maigi nang alam mo ang tunay na score ngayon pa lang. Ayokong umasa ka.” Naikuyom ni Yllen Stacy ang kanyang mga kamay. Sinikap niyang panatilihin ang hinahon sa kanyang mukha. “Hindi ka nakikinig sa mga sinasabi ko kanina, hindi ako interesado sa `yo.” Nakangiti at umiling si Eduardo. “I know your type, Yllen Stacy. I’ve seen a lot of girls like you before. Pakipot kunwari ngunit nagpapapansin lang talaga. Kunwari ay hindi interesado ngunit kinikilig sa loob.” Nginitian niya nang nang-uuyam ang binata. “Trust me, you’re not my type. Hindi lang pisikal na anyo ang basehan ng pag-ibig, Eduardo. Hindi ako katulad ng iba na basta na lang nakukuha sa gandang lalaki.” Tila hindi ito naapektuhan sa kanyang sinabi. Tumingin ito sa relo nito. “Lunch break is over. Let’s get back to work.” Sabay silang tumayo at naglakad. “Bakit ka ba nagtatrabaho sa department natin kung puwede ka namang i-appoint ng tatay mo sa mas mataas na posisyon?” kaswal na tanong niya. Saglit na natigilan si Eduardo.  Tinaasan niya ng isang kilay ang binata. “Castañedas are well-known in the business industry. I know your family.” “`Yan ba ang dahilan kung bakit nilalapitan mo ako?” tanong nito na may panunuya sa tinig. Inirapan niya si Eduardo at mas binilisan ang kanyang paglalakad palayo. Hindi niya kailanman kailangan ang koneksiyon ng pamilya nito. Iba ang dahilan ng paglapit niya sa binata. UMILING si Yllen Stacy kay Grace nang yayain siya ng babae na lumabas kasama ang ibang mga kaopisina nila. It was Friday. Payday rin nang araw na iyon kaya nagplano ng gimik ang kanyang mga kasamahan. Most of the single people were going. Pinipilit siya ni Grace na sumama ngunit tumanggi siya. Nais niyang umuwi nang maaga. Nais niyang ipagluto ang kanyang ama. Ang sabi nito sa kanya kanina ay baka umuwi ito nang maaga. Madalang nang makita ni Yllen Stacy ang ama nitong mga nakaraang araw kaya nais niya itong makasama at makakuwentuhan. Hanggang sa uwian ay kinukumbinsi siya ni Grace na sumama. Hindi siya natinag sa kanyang desisyon. “If you ever change your mind, you’re always welcome to join us.” Sinabi ni Grace ang lugar kung saan gigimik ang mga ito. “Have fun,” aniya bago sumakay sa kanyang sasakyan. Pagdating ni Yllen Stacy sa bahay ay naghanda agad siya para sa pagluluto. Tinuruan siya ng kanyang ina kung paano magluto nang masarap noong nabubuhay pa ito. Ipagluluto niya ang kanyang ama ng mga paborito nitong pagkain. Masaya siya habang nagluluto. Kaligayahan na nagmaliw pagsapit ng alas-nuwebe ng gabi. Hindi pa rin dumarating ang kanyang ama. Tinawagan na ito ni Yllen Stacy dahil nag-aalala na siya. Sinagot naman kaagad nito ang kanyang tawag. “Yllen, I’m busy at the moment.” Tila may kumurot sa kanyang puso nang marinig niya ang malamig na tinig ng ama sa kabilang linya. Halos sigurado na siya na nasa opisina pa rin ito at nagtatrabaho. Hindi maintindihan ni Yllen Stacy kung bakit kailangan nitong magtrabaho sa Biyernes ng gabi. Bakit hindi magpahinga ang kanyang ama? “Hindi pa po ba kayo uuwi?” tanong niya. “No. I still have some work to do. Kailangan ko nang ibaba ito.” Bago pa man makapagprotesta si Yllen Stacy ay naputol na ang linya. Kagat ang ibabang labi na ibinaba niya ang telepono. Hindi niya magawang magtampo sa ama. Baka marami talaga itong trabaho na kailangang tapusin. Hindi maganda ang ekonomiya ng bansa. Hindi maaaring pabayaan ng kanyang ama ang mga negosyo para kay Jericho. Baka hindi lang nito nais na makasalo siya sa hapunan.  Napabuntong-hininga si Yllen Stacy. Hindi niya dapat na hayaan ang kanyang sarili na malungkot nang husto. Dinampot niya ang susi ng kanyang sasakyan. Ibinilin niya sa mga kawaksi na kainin na ng mga ito ang pagkain.  She deserved this from her father. Wala siyang karapatang magtampo o magalit. Kung nasasaktan man siya sa pambabale-wala ng ama, nararapat lang iyon sa kanya. Kahit sa ganitong paraan man lang ay makabayad siya sa kanyang mga kasalanan sa kanyang pamilya. So, she let herself feel the hurt. She let misery take over.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD