6

1515 Words
HINANAP ni Yllen Stacy si Grace at ang kanyang mga kasamahan sa bar na sinabi nito. Natagpuan niya ang mga ito sa isang mesa.  “Narito ka!” masayang bulalas ni Grace nang makita siya. Nginitian niya ang babae. “Nagbago ang isip ko.” Umupo siya sa isang bakanteng upuan sa tabi nito. Pasimpleng inilibot niya ang kanyang tingin sa paligid. Hindi niya makita si Eduardo. Nakalimutan niyang itanong kanina kung kasama ang binata sa gimik ng mga ito. Marahang siniko siya ni Grace. “Kung hinahanap mo si Eduardo, `ayun siya, o,” sabi nito, sabay turo sa isang bahagi ng bar. He was drinking silently. May isang babae sa tabi nito na base sa kilos ay alam niyang nakikipag-flirt dito. Hindi iyon gaanong pinapansin ng binata. Iningusan niya si Grace. “Hindi ko siya hinahanap,” tanggi niya. “`Sus, kunwari ka pa. Sige na, lapitan mo na. Alam ko namang siya ang ipinunta mo rito.” Tumayo si Yllen Stacy at naglakad patungo kay Eduardo. Habang patungo siya roon, wala talaga siyang plano. Nais lang niyang makatakas sa bahay nila. Nais niyang makasama ang ilang mga tao. Hindi nga niya sigurado kung naroon nga si Eduardo. Ngunit nang makita niya ang binata ay kusang gumana kanyang ang utak. Naroon na rin siya kaya lalapitan na niya ito.  “Tequila,” aniya sa bartender habang paupo sa tabi ni Eduardo. Napatingin sa kanya ang binata. “Well, well,” nakangiting sabi nito. “Look who’s here. Akala ko ba ay ayaw mong sumama sa `min?” Nginitian din niya ito. “I changed my mind.” Napatingin siya sa babaeng kumakausap dito kanina. “Is she your girlfriend?” “Alam mo ang sagot sa tanong na `yan.” Binalingan nito ang babae. “Your name is Liz, right? This is Yllen, my girlfriend.” Bumalatay ang pagkadismaya sa mukha ng babae. “Oh,” sambit nito habang pababa ng stool. “The girlfriend you were talking about.” Napatingin ito sa kanya. “Lucky girl. He says he’s faithful to you.” Marahang natawa si Yllen Stacy habang pinanonood ang paglayo ng babae. “Kailan mo pa ako naging girlfriend?” “You wish. Alam mong sinabi ko lang `yon para layuan niya ako. Kanina pa ako naiirita sa kanya. Daldal siya nang daldal. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong mag-isip.” “Hindi ka dapat nagpunta dito kung gusto mong mapag-isa at mag-isip.” Inabot niya ang kanyang tequila at inilapit sa kanyang bibig. Inamoy muna niya iyon bago nilagok. Napangiwi siya nang gumuhit sa kanyang lalamunan ang alak. Hindi siya gaanong marunong uminom. Hindi siya mahilig sa mga ganoong lugar. Ngunit alam niya na kailangan niya ng alak sa kanyang sistema sa kasalukuyan. Aabutin sana ni Yllen Stacy ang lime nang maunahan siya ni Eduardo. Inilapit nito sa kanyang bibig ang isang slice ng lime. Sinipsip niya iyon habang nakatingin sa mga mata ng binata. Muntik na siyang matawa nang matigilan ito. She licked her lower lip. Nakita niyang gumalaw ang Adam’s apple nito. Iniiwas ni Eduardo ang tingin sa kanya. Sinaid nito ang laman ng baso nito sa isang lagok lang. Nakangising humingi pa siya ng tequila sa bartender. “Sinasabi mo ba sa lahat ng babaeng lumalapit sa `yo na faithful ka sa girlfriend mo?” tanong niya kay Eduardo. Nanahimik na lang kasi ito bigla. Nais niyang mag-usap silang dalawa. Tumango ang binata. “Ayokong magkasala. My girl is the most special girl in this world. I can’t screw up.” “You’re afraid to screw up because you know you can easily screw things up,” aniya bago niya nilagok ang pangalawang tequila shot. “Natatakot kang madaig ng tukso. You’re afraid you don’t have enough control.” Umiling ito. “I’m in complete control.” Umiling din siya. “No. Old habits die hard.” “You don’t know me.” Nagkibit-balikat siya. Mali si Eduardo. Kilala niya ang mga katulad nito. “But you’re right, I’m afraid to screw up. It’s not just my girlfriend. I’m afraid to disappoint my father. He expects so much from me and I know I can’t meet those expectations.” Napansin ni Yllen Stacy na bahagyang lumamlam ang mga mata ng binata. Hindi niya alam ang sasabihin kay Eduardo kaya nanahimik na lang siya. Hindi niya inasahan ang sinabi nitong iyon. Tila nawala sa kanyang isip ang kanyang plano. Tila hindi niya maisip kung ano talaga ang kanyang dapat na gawin. Tila nanlalabo ang kanyang isip. Sinisi niya ang tequila. At nag-iiba talaga siya kung tungkol na sa mga ama ang usapan. Patuloy ang paghingi ni Yllen Stacy ng inumin sa bartender. Nais niyang mas manlabo ang kanyang isip. Ayaw muna niyang mag-isip. She wanted to go numb. Nanahimik din si Eduardo. Hindi niya akalain na may isang bagay na pareho sila ng lalaking ito. She was afraid to screw up, too, because she had already screwed up enough. She was afraid to disappoint her father. HINDI na sana papansinin ni Eduardo si Yllen Stacy ngunit hindi niya lubusang magawa. Sumusuray ang dalaga habang patungo sa sasakyan nito. Hindi ganoon karami ang nainom ni Yllen Stacy, ngunit nakita niyang hindi ito sanay na uminom. Napakababa ng alcohol tolerance ng dalaga. Alam niyang mapapahamak ito kung hahayaan na lang niya ito. Hindi masabi ni Eduardo kung gusto o ayaw niya ang dalaga. May mga pagkakataon na natutuwa siyang pagmasdan si Yllen Stacy tuwing hindi ito aware. Tila mas gumaganda ito sa kanyang paningin sa paglipas ng mga araw. Nahihiwagaan din siya sa uri ng mga tingin nito sa kanya. Minsan ay may paghanga siyang nababasa sa mga mata nito, minsan naman ay disgusto at inis ang naroon. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin niyon. Iilan lang ang mga pagkakataon na nginingitian siya ni Yllen Stacy at hindi niya maiwasan na hangaan ang ganda ng dalaga. Her mysterious eyes were killing him. Kanina ay halos mawala si Eduardo sa kanyang sarili. Nakatingin si Yllen Stacy sa kanya habang sinisipsip nito ang lime. Tila hinahamon siya ng mga mata ng dalaga. Hindi niya alam kung sadyang inaakit siya ni Yllen Stacy o hindi lang ito aware sa pang-akit na hatid ng mga mata nito. He felt a strong urge to kiss her. Wala siyang karapatang makaramdam niyon sa isang babaeng hindi niya nobya. He couldn’t screw things up. Ayaw niyang mawala sa kanya si Luisita. Nagtatalo ang loob ni Eduardo kung lalapitan niya si Yllen Stacy o hahayaan na lang. Paano kung maaksidente ito sa daan? She obviously couldn’t drive. “Damn it,” bulong ni Eduardo sa kanyang sarili nang makita niyang bumuway si Yllen Stacy. Tinakbo niya ang dalaga at inagapan ang pagbagsak nito sa semento. “Careful,” aniya nang tulungan niyang tumayo nang tuwid si Yllen Stacy. Marahil ay nanlalambot ang mga binti nito dahil napasandal ito sa kanya. Hindi maipaliwanag ni Eduardo ang mumunting kuryente na dumadaloy sa kanyang katawan habang nakalapat ang katawan ng dalaga sa kanya. Hindi siya dapat makaramdam ng kahit na ano sa babaeng ito. Wala siyang karapatan. “Who are you?” she asked, slurring her speech. “Let me go.” “It’s Eduardo, Yllen. I’ll take you home. Give me your address.” Umiling si Yllen Stacy. Sinikap nitong lumayo sa kanya at tumayo nang tuwid ngunit natumba lang ito. Kung hindi siya naging maagap ay malamang na nakalugmok na ito sa semento. “I’ll take you home,” giit niya. Bakit ba napakatigas ng ulo ni Yllen Stacy? Bakit napakahilig magpakipot ng mga babae? Sunod-sunod ang naging pag-iling nito. “No. I don’t trust you, Castañeda. I don’t like you. I know your type.” Bahagya siyang nainis kay Yllen Stacy. Kung magsalita ang dalaga ay tila siya isang tipikal na lalaki na may kategorya. He refused to believe he fell into a certain category. He was unique. Everyone was unique in their own special way. Pakiramdam ni Eduardo ay tipikal na magandang lalaki lang ang tingin nito sa kanya. Tila ipinaparamdam sa kanya ni Yllen Stacy na walang substance ang kanyang pagkatao. Na tila pisikal na anyo lang ang kanyang maipagmamalaki at wala nang iba. Ayaw niyang mainis ngunit hindi niya mapigilan. “`Wag nang matigas—” Bago pa man matapos ni Eduardo ang sasabihin ay dumuwal na si Yllen Stacy. Naramdaman niya ang kung anong mainit at basang bagay sa kanyang dibdib. Sinukahan siya ng dalaga! Hindi pa man siya nakakahuma, muli itong nasuka. Nanlaki ang kanyang mga mata. His shirt was a mess. Hindi kaiga-igaya ang amoy na nanuot sa kanyang ilong. He felt nauseous, too. Tiningala siya ni Yllen Stacy at nginisihan nang nakakaloko. Damn her for being so lovely despite everything. Ngalingaling sakalin niya ang dalaga. Pinangko niya si Yllen Stacy at dinala sa kanyang sasakyan. Inilagak niya sa loob ang dalaga. Nagpasalamat si Eduardo nang manahimik na ito. Bukas ang pinto sa gawi ni Yllen Stacy kung sakaling masuka na naman ito. Hinubad na lang niya ang kanyang kamiseta at binalingan ito. Great. She’s asleep. Naghihilik pa ang lasengga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD