7

1134 Words
NAGMULAT ng mga mata si Yllen Stacy. Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang hindi pamilyar na kisame ng kuwarto ang kanyang namulatan. Sa halip ang kanyang sarili ang kanyang nakita. Ilang sandali ang lumipas bago niya napagtanto na isang malaking salamin ang nasa kisame. Napabalikwas ng bangon si Yllen Stacy. Nasapo agad niya ang kanyang noo. Bigla ang naging salakay ng pagkahilo at kirot. Napaungol siya. Ano ang nangyari sa kanya? Nasaan siya? Ano ang lugar na iyon? “Is your head killing you?” Napasinghap siya nang malakas nang marinig niya ang pamilyar na tinig. Napalingon siya sa sulok kung saan lumabas ang isang lalaking nakatapi lang ng tuwalya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makumpirmang si Eduardo nga ang kanyang kasama sa silid na iyon. Bigla siyang napatingin sa kanyang katawan. Noon lang napansin ni Yllen Stacy na isang roba ang kanyang suot. Niyakap niya ang kanyang sarili. Tumingin uli siya kay Eduardo. “A-ano ang nangyari? A-ano ang g-ginawa mo sa a-akin?” Napuno ng kaba ang kanyang dibdib. Bakit sila magkasama sa iisang silid? Ano ang nangyari? Ngumisi si Eduardo. Nilapitan siya ng binata. Napapalunok na umisod siya hanggang sa maramdaman ng kanyang likod ang headboard. Patuloy sa paglapit si Eduardo. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Napapalunok na nakatingin lang siya sa binata. His hair was wet. Mamasa-masa rin ang katawan nito. Nakita niya ang ganda ng maskuladong katawan nito. Sa kisig na taglay nito, daig pa ni Eduardo ang mga modelo sa mga magazine. Nanuot sa ilong ni Yllen Stacy ang mabangong amoy ng sabon na ginamit ng binata sa pagligo. Humahalo iyon sa natural na amoy nito. Nanigas si Yllen Stacy nang padaanin ni Eduardo ang hintuturo nito sa kanyang pisngi. “Hindi mo maalala ang ginawa natin kagabi?” he asked in a husky voice. Pumapaypay sa mukha ni Yllen Stacy ang mainit at mabangong hininga ng binata. Masyadong malapit ang mukha nito sa kanyang mukha. Lalong nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. May nangyari sa kanila nang nagdaang gabi? Bakit wala siyang maalala? Ganoon na ba siya kalasing? Ano ang eksaktong nangyari? Ano ang ginawa nito sa kanya? Pinakiramdaman ni Yllen Stacy ang kanyang katawan. Bukod sa pagsakit ng kanyang ulo, wala siyang maramdaman na kakaiba. Nang mapatingin uli siya kay Eduardo ay nakita niyang nagpipigil lang ito ng tawa. His eyes were dancing in mirth. Marahas na itinulak niya ang dibdib ng binata nang mapagtanto niyang niloloko lang siya nito. Walang nangyari sa kanila. Hindi na nito napigilan ang sarili, napabulalas ng tawa si Eduardo. Napahiga pa ito sa kama habang tumatawa. Bigla siyang nag-alala na baka humulagpos sa pagkakabuhol ang tuwalya na nakatapi sa baywang ng binata. Baka sa sobrang kaaliwan nito ay mawala sa isip ni Eduardo na nakatapi lang ito. Bakit ba iyon ang kanyang iniisip? Ano ngayon kung makita niya? Marahas na umiling si Yllen Stacy. What was she thinking? Sa inis  niya sa kanyang sarili at sa sitwasyon ay sinipa niya si Eduardo. “Nasaan tayo?” naiinis pa ring tanong niya. “Naniwala ka talagang may nangyari sa `tin kagabi, ano?” tanong nito sa pagitan ng pagtawa. “Bakit, naalala mo bang hinahagkan mo `ko? Do you remember how you begged me to take you? You even stripped in front of me. It was one hell of a show, darling.” Sinipa uli niya si Eduardo, mas malakas sa pagkakataong iyon. Kahit na hindi siya tumingin sa salamin sa kisame, alam niyang pulang-pula ang kanyang mukha. Alam din niya na walang nangyari sa mga sinabi ng binata. Wala siyang maalala. She refused to believe she had stripped in front of him, begged him, and kissed him. That would never happen, no matter how drunk she was. “Where in hell are we?” she demanded. Tumigil sa kakatawa si Eduardo. Ipinilig nito ang ulo sa gawi niya. “Motel.” “Motel!” patiling sabi ni Yllen Stacy. Bigla siyang bumaba sa kama. Inayos niya ang roba sa kanyang katawan. Tanging kanyang mga underwear ang suot niya sa ilalim niyon. “Bakit dito mo ako dinala? At bakit mo `ko hinubaran? Nasaan na ang mga damit ko? At puwede ba, magbihis ka na?” Natawa uli si Eduardo. Tila aliw na aliw ito sa kanyang reaksiyon. Naiinis na dinampot niya ang isang unan at ipinaghahampas iyon sa binata. Hindi niya alintana ang sakit ng kanyang ulo. Napakawalanghiya talaga nito. Ang kapal ng mukha nitong dalhin siya sa isang motel. Kaya pala may salamin ang kisame ng silid. Lalo lang lumakas ang tawa ni Eduardo. Lalo niyang hinampas ang binata. Halos hindi niya namalayan na nakasampa na uli siya sa kama.  Pinigil ni Eduardo ang kanyang mga kamay pagkalipas ng ilang sandali. “Tama na, nasasaktan na ako,” anito. Hindi niya pinakinggan ang binata. Sino ito upang utusan siya? Marahas na inagaw nito ang unan sa kanya. Nawalan ng balanse si Yllen Stacy dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa unan. Muntik na siyang mapasubsob sa dibdib nito kung hindi nito naagapan ang kanyang balikat. Bahagya siyang nanigas nang ayusin nito ang kanyang roba. Hindi niya namalayan na bahagyang nahulog na sa kanyang balikat ang roba. Nakikita na ni Eduardo ang kanyang dibdib na natatakpan lang ng itim na lacy bra. Nag-iinit ang mukha ni Yllen Stacy nang palisin niya ang kamay ng binata at siya na ang umayos ng kanyang roba. Hinigpitan niya nang husto ang pagkakabuhol niyon. Bumangon sa kama si Eduardo at umupo. Seryoso na ang mukha nito. “Dito kita dinala dahil dito ang pinakamalapit. Hindi ko alam kung saan ka nakatira. Medyo nahihilo na rin ako at baka madisgrasya lang tayo sa daan. Nagkalat ka, Yllen. You puked all over yourself­—and me. Nasa laundry service ang mga damit natin. I didn’t do anything stupid. Pagkatapos mong mailabas ang lahat ng nasa bituka mo ay mahimbing ka nang natulog. I slept on the couch.” “Ikaw ba ang naghubad ng mga damit ko?” Nagkibit-balikat ito. “May ibang tao pa ba rito?” Nag-init uli ang kanyang mukha. “You—” “I’ve seen it all before, honey. Your almost nude body didn’t bother me at all.” “Bastos!” “Sinabi ko na sa `yo dati pa, faithful ako sa girlfriend ko. Sa susunod, `wag kang iinom kung hindi mo naman pala kaya. I bet your head is killing you right now.” Tumayo ito sa kama. “Sit and stay still. Try to relax. Ibibili kita ng gamot mamaya paglabas natin dito. Mamaya rin lang ay narito na ang mga damit at pagkain natin.” It was true that her head was killing her. Wala siyang magawa kundi ang sundin ang utos ni Eduardo. Ipinangako niya sa sarili na hindi na siya maglalasing kailanman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD