HINDI maiwasang pagmasdan ni Yllen Stacy si Eduardo habang kumakain itong mag-isa sa cafeteria nang tanghaling iyon. Ang totoo, nagulat siya na sa cafeteria ng kompanya lang kumakain ng tanghalian ang binata. Maayos naman ang cafeteria ng kompanya. Masarap din ang mga pagkain doon. Inasahan lang niya na sa isang restaurant ito kumakain. Karamihan sa mga kasamahan nila ay sa labas kumakain. Sa katunayan, sasama sana siya sa mga kasamahan kung hindi lang siya tinatamad na lumabas.
Hindi niya maintindihan ang lalaking ito. Hindi niya alam kung ano ang iisipin niya kay Eduardo. Mula nang lumabas sila ng motel ay naging mabait na ito sa kanya. They were sort of friends.
He had been a gentleman to her. Paglabas nila ng motel ay ibinili siya ng gamot ni Eduardo para sa kanyang hangover. Inihatid siya nito sa bahay. Ipinahatid din nito sa bahay nila ang kanyang sasakyan sa driver ng pamilya nito. He had been a nice friend and officemate these past few days.
Eduardo seemed so serious about being faithful to his girlfriend. Hindi ito apektado sa kanyang presensiya. He had a chance but he didn’t do anything. They spent a night in a motel and nothing happened. Wala sila kahit na kaunting moment. Hindi niya alam kung maiinsulto siya o ano.
Wala ba talaga siyang appeal kay Eduardo? As in? Hindi ba ito naaakit sa kanya kahit na katiting lang?
Bakit tila lalo itong nagiging makisig sa kanyang paningin sa paglipas ng mga araw?
She mentally shook her head. Hindi kaya, tanggi pa rin ng isip ni Yllen Stacy. Kunsabagay, normal siyang babae. Normal lang na hangaan niya ang kaguwapuhan ni Eduardo dahil guwapo talaga ang binata. Ngunit iyon lang iyon, guwapo lang ito. Wala nang iba pa.
Kaagad niyang iniiwas ang kanyang tingin nang magtama ang kanilang mga paningin. Nahuli siya ni Eduardo na nakatingin dito kaya itinuon niya ang kanyang atensiyon sa pagkain na nasa kanyang harap.
Ilang sandali ang lumipas. Nais niyang tumingin uli kay Eduardo ngunit natatakot siyang mahuli nito. Hindi gaanong gumagana ang kanyang utak sa kasalukuyan. Hindi malinaw sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin, kung ano ang nasa plano niya.
Aminin man niya o hindi, nagulo ang plano ni Yllen Stacy mula nang magising siya sa isang silid na kasama si Eduardo. Nagulo ang kanyang sistema. Hindi pa niya naisasaayos ang lahat.
Napapitlag siya nang biglang may maglapag ng tray na may lamang pagkain sa kanyang mesa. Nang tingalain ni Yllen Stacy kung sino iyon ay ang nakangiting mukha ni Eduardo ang bumungad sa kanya.
“If you wanna have lunch together, just say so,” anito, saka umupo sa tapat niya.
Inismiran niya ang binata. “Ang yabang mo talaga, Castañeda.”
“Kanina ka pa tingin nang tingin. Kunwari ka pa, eh.”
“Wala akong gusto sa `yo. Hindi kita magugustuhan. Kailan titimo sa utak mo ang bagay na `yan?” Hindi alam ni Yllen Stacy kung bakit hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na mapangiti. Malapit lang ito sa kanya. Kaya mas napagmamasdan niya ang mukha nito. They were eating lunch together.
“You’re doing the right thing—denying it to yourself. Rendahan mo na bago pa man lumalim `yang nararamdaman mo. Hindi kasi magkakaroon ng katugon ang damdamin mo. Faithful ako sa girlfriend ko.” Magaan ang pagkakasabi ni Eduardo ng mga iyon. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ng binata. Hindi niya masabi kung seryoso o nagbibiro lang ito.
“You always say that,” ani Yllen Stacy sa kaparehong tinig. “Kailangan ba ay lagi mong ipaalala sa sarili mo na faithful ka para hindi mo makalimutan? Kapag kasama mo ba ako ay nawawaglit sa isip mo paminsan-minsan na faithful boyfriend ka?”
Umiling-iling ito. “Uh-oh, don’t go there, honey. I really mean it. I’m faithful.”
Humalukipkip siya at seryosong tumingin kay Eduardo. “I’ve never seen your girlfriend. Is she even real? Or have you just figured out that you’re gay and decided to create an imaginary girlfriend to ward off all the ladies? Ang sabi nga nila, playboys are actually gay.”
Akala ni Yllen Stacy ay mapipikon niya ang binata ngunit hindi. Natawa lang ito. Bakit ba ganito ang lalaking ito? She was trying to provoke him and he just laughed.
“Hindi mo ako gusto, ha? You’ve just asked me to kiss you.”
Namilog ang kanyang mga mata. “May diperensiya ba ang tainga mo, Castañeda? Hindi kaya `yon ang sinabi ko.”
“Iyon ang ipinahiwatig mo sa pagsasabing gay ako. Ano, gusto mong halikan kita ngayon para patunayan na hindi ako bakla? I’m sorry, honey, I’m a fai—”
“Faithful boyfriend,” pagtatapos niya sa sasabihin ni Eduardo habang nakatirik ang kanyang mga mata.
“Yeah,” tugon ng binata bago ito sumubo ng pagkain. Ipinagpatuloy na rin ni Yllen Stacy ang kanyang pagkain. Bakit tila mas nagkaroon ng lasa ang mga pagkain ngayong kasalo na niya sa isang mesa si Eduardo?
“Alam mo, dapat tigilan mo na ang pagsasabi niyan sa mga babaeng lumalapit sa `yo. They would want you more, you know,” kapagkuwan ay sabi niya.
His smile was so sexy that it almost melted her bones. Bakit ba ganito kaganda ang ngiti ni Eduardo? “You want me more? Because I was once a playboy and now I’m trying to be good, to be faithful?”
“I’m faithfully in love with my girl, `yan dapat ang sinasabi mo.”
Natigilan ito ngunit sandali lang. “I think you’re right. It sounds better. One of these days, you’ll meet Lui, the girl I love so much. Patutunayan ko sa `yo na hindi imaginary ang girlfriend ko at lalong hindi ako bakla.”
Iningusan niya ang binata. “Whatever.”
Natawa ito. “You look so cute.”
She was cute. Cute was for puppies and kittens. She was not lovely, beautiful, or stunning. She was not sexy. Hindi niya akalain na ang adjective na “cute” ay makakapagpababa ng kanyang self-confidence.
Paano pa niya maisasakatuparan ang kanyang plano kung ang tingin sa kanya ni Eduardo ay isang cute adorable girl?
Nginitian niya nang matamis ang binata. Hindi na siya maaaring umurong. Kailangang mapaibig niya si Eduardo. Kailangan nitong maramdaman ang naramdaman ng kanyang kapatid. Gagawin niya ang lahat upang mangyari iyon.