9

2018 Words
“WHAT are you doing?” hindi napigilang tanong ni Yllen Stacy kay Eduardo.  Napapitlag ang binata at napalingon sa kanya. Hindi marahil nito inaasahan na naroon din siya sa rooftop. Palubog na ang araw. Pauwi na ang karamihan sa mga empleyado.  “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong nito sa kanya sa halip na sagutin ang kanyang tanong. “Hindi ka pa ba uuwi?” Nagkibit-balikat si Yllen Stacy bago siya naglakad patungo rito. “I asked first.” Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ni Eduardo. Nakalilis ang long-sleeves nito hanggang sa mga siko. Marumi ang mga kamay nito dahil sa lupa. May itinatanim ito na kung anong halaman sa mga paso. Hindi tumugon ang binata at ipinagpatuloy ang ginagawa. “Bakit ka nagtatanim?” patuloy na tanong ni Yllen Stacy. “At hindi ba dapat ay sa umaga ang pagtatanim?” Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na tanungin si Eduardo. Ilang sandali na niyang pinagmamasdan ang binata bago niya ipinaalam ang kanyang presensiya. Tila engrossed na engrossed ito sa ginagawa. Tila wala na itong pakialam sa kapaligiran. It looked like he was happy in his own little world. Noon lang nakita ni Yllen Stacy na ganoon ang ekspresyon ni Eduardo. Maaliwalas ang mukha ng binata. Kumikinang ang mga mata nito. He seemed happy.  Nitong mga nakaraang araw ay napapansin niyang mas stiff ito sa loob ng opisina. He seemed more like a robot. Tila ginagawa nito ang mga bagay dahil kailangan nitong gawin. He was concentrating too much. He was exerting too much effort. Tila hindi ito nag-e-enjoy sa trabaho nito. “Castañeda,” untag niya. Bakit ayaw siya nitong pansinin? Nilingon siya ni Eduardo at nginitian. “Naisip ko lang bigla na magtanim,” tugon nito sa kanyang tanong. “I’ve missed it terribly. I asked someone to bring some of these,” sabi nito, sabay turo sa isang sako ng organic soil, mga paso, at mga halaman. “Mahilig kang magtanim?” Tumango ito. “Nakakagulat ba, Stace? Ang akala mo siguro, babae lang ang hilig ko, ano?” May pagbibiro sa tinig nito. Hindi na gaanong pinansin ni Yllen Stacy ang palayaw na ibinigay nito sa kanya. “Stace” na ang tawag ni Eduardo sa kanya kahit na nasa opisina sila. Nagsimula iyon nang muli silang nagkasabay kumain ng tanghalian. Walang ibang tumatawag niyon sa kanya. She had always been “Yllen” to everyone. “Nasabi sa `kin minsan ng Lolo Andoy ko na malamig ang kamay ko sa mga halaman. Lahat daw ng itinatanim ko ay nabubuhay,” pagpapatuloy nito. “Green thumb.” Tumango ito. “I really have it.  Ang sabi pa ng lolo ko noon, may talento ako sa pagpapayabong ng mga tanim. Mahusay raw akong mag-alaga ng mga halaman. I was very young when he said that to me. I remember being so happy to hear it. Marami ang nagsasabi na sa lahat ng mga apo niya, ako ang nagmana sa kanya. Ako ang kamukha niya. Ako ang nakamana ng hilig niya sa paghahalaman. I miss him, you know. I miss him so much. Maraming beses kong hinihiling na sana ay narito pa rin siya at kasama pa namin. I know many things would change if he were still here.” Hindi alam ni Yllen Stacy kung ano ang kanyang sasabihin. Inakala niya dati na alam na niya ang halos lahat tungkol kay Eduardo. Ang akala niya ay nakalap na niya ang lahat ng impormasyon tungkol dito, ngunit nagkamali siya. Hindi niya alam na mahilig itong magtanim. Hindi niya alam na may green thumb ang binata.  At kung magiging tapat si Yllen Stacy sa kanyang sarili, nagu-gustuhan niya ang lalaking kaharap niya nang mga sandaling iyon. Marumi na ang puting polo nito, ngunit makisig pa ring tingnan. He was smiling. He was enjoying doing his thing. He looked so manly and gorgeous. Ipinilig ni Yllen Stacy ang kanyang ulo. Nagdesisyon siyang ayaw niyang maging tapat sa kanyang sarili. Ayaw niyang aminin na nagkakaroon ng substance ang pagkatao ni Eduardo. “I love flowers, too,” pagpapatuloy nito habang nagtatanim. Pinapanood lang niya ang bawat galaw ng binata. “This is what I really wanna do, Stace. Gusto kong magtanim. Gusto kong manatili sa bukid. Ayoko rito. Ayoko sa building. Ayokong sa paso lang ako nakakapagtanim. Gusto kong maputikan. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin. I want to work at our hacienda. Gusto kong maging magsasaka.” Napalunok siya. “W-why are you t-telling me these things, Eduardo?” puno ng pagtataka na tanong niya. They were friends, but they weren’t that close. Hindi sa hindi niya gusto na nasasabi nito sa kanya ang mga ganoong bagay, nagtaka lang siya. Nagkibit-balikat ito. “I don’t know. Siguro, gusto ko lang na may mapagsabihan. Sa bawat araw na lumilipas ay lalo akong nahihirapan. Tila mas nahihirapan akong huminga.” “Then quit. Resign. Go to the province. Magtrabaho ka sa hacienda n’yo.” Lumamlam ang mga mata ni Eduardo. “Hindi ganoon kadali ang lahat.” “Hindi nga madali pero kailangan mong gumawa ng paraan kung ayaw mong pahirapan pa ang sarili mo. You’re afraid to screw up, but you’re already screwing up. Ipinaulit sa `kin ang sales report mo kanina. Hindi ka masita ng head dahil anak ka ng presidente. You’re not productive at all. Ibabagsak mo lang ang lahat ng pinaghirapan ng ama at abuela mo sa ginagawa mo. You’re afraid to disappoint your father? But you’ve already disappointed him by not being honest.” Ang totoo, hindi alam ni Yllen Stacy kung saan niya nahugot ang kanyang mga sinabi. Dahil ang totoo, alam niya kung gaano kahirap ang pinagdaraanan ni Eduardo sa kasalukuyan. Magkaiba man sila ng sitwasyon, naiintindihan pa rin niya, alam pa rin niya ang pakiramdam. Ayaw man niyang tanggapin, nakakaramdam siya ng simpatya sa binata. Dahil siya rin ay hindi gaanong gusto ang kinalalagyan niya sa ngayon. Natatakot siyang magsabi ng totoo sa kanyang ama. Natatakot siyang madismaya itong lalo sa kanya.  Tinitigan siya nito. “You think so?” “I don’t know,” pag-amin niya, saka bumuntong-hininga. “I don’t know if I meant what I said.” Tila nagkaroon ng kakaibang kahulugan ang ngiti ni Eduardo. “Sinabi ko na sa `yo, hindi ganoon kadali ang lahat.” Marahas na napabuga siya ng hangin. “Tama ka. I will never judge you again.” Mas naging magaan na ang kanyang tinig sa kanyang huling pangungusap. Binahiran na niya iyon ng pagbibiro. “Umuwi ka na, baka abutan ka pa ng matinding traffic,” sabi nito. Umupo si Yllen Stacy sa isang bangkito na nakita. “Lagi akong naaabutan ng traffic,” kaswal na tugon niya. Ayaw pa niyang umalis. Nais pa niyang manatili roon. Nais pa niyang pagmasdan si Eduardo. Nais niyang marinig ang mga kuwento nito tungkol sa mga halaman. Itinigil nito ang ginagawa at hinarap siya. Nailang siya sa uri ng tingin ng binata. Tila iniisip nitong mabuti kung ano ang gagawin sa kanya. Then his lips suddenly broke into a wicked smile. Bago pa man niya mahulaan ang gagawin nito ay napahiran na nito ng lupa ang kanyang ilong. She shrieked. “Asshole!” naiinis na singhal ni Yllen Stacy. Sa lahat ng ayaw niya ay nadudumihan siya. Pinalaki siya ng kanyang ina na maselan sa mga dumi. Hindi siya naglalaro sa lupa noong bata pa siya. Ni hindi niya gusto na nagpupunta sila sa beach dahil hindi niya gusto ang malagkit na pakiramdam at buhangin. Humalakhak si Eduardo. Nais niyang gumanti ngunit hindi niya magawa. Ayaw niyang humawak ng putik at ipahid sa mukha ng binata. Wala siyang mahagilap na guwantes doon. Tumatawang itinaas ni Eduardo ang mga kamay na pulos lupa at iniamba sa kanya. Napapatiling tumakbo siya palayo sa binata. Ayaw niyang mas marumihan ang kanyang mukha. Tila tuwang-tuwa naman itong humabol sa kanya. “Ano ba, Eduardo!” naiinis na sabi niya. “Ayokong marumihan! Nakakainis ka naman, eh!” “`Ayan na `ko,” pananakot nito na tila sila mga bata. Pilit na pinalalim ni Eduardo ang tinig nito na tila isang halimaw. “Pupunuin ko ng putik ang buong katawan mo.” Hindi napigilang ang matawa ni Yllen Stacy. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Bakit ba napakadaling magbago ng kanyang mood pagdating dito? Kanina lang ay naiinis siya kay Eduardo. Bakit ngayon ay natatawa na lang siya? Para silang mga batang naghahabulan sa may rooftop. Masarap sa tainga ang malutong na tawa nito. Ang gaan-gaan ng kanyang pakiramdam. Bakit tila masaya siya dahil kasama niya si Eduardo? “Dudes?” Napalingon sila sa pinanggalingan ng hindi pamilyar na tinig. Hindi nila namalayan na hindi na lang sila ang nasa rooftop. Isang babaeng hindi niya kilala ang nakatingin sa kanila. Nakangiti ito ngunit may pagtataka sa ekspresyon. “Lui!” masayang bulalas ni Eduardo. Nilapitan agad nito ang babae at hinagkan sa pisngi. So, this is the girlfriend. Pinagmasdan ni Yllen Stacy ang babae. She was lovely, but not Eduardo’s usual type. Kaya marahil nakakaangat ito sa lahat dahil hindi ito katulad ng iba. Ito ang babaeng pinakaespesyal na babae sa buhay ni Eduardo. Hindi niya maintindihan kung bakit may munting kurot siyang naramdaman sa kanyang puso. Hindi siya dapat makaramdam niyon. Nilingon siya ni Eduardo. Nilapitan siya ng dalawa. Ang ganda ng pagkakangiti sa kanya ng binata. “Lui, I would like you to meet Yllen Stacy. She’s a good friend and officemate. Stace, my adorable girlfriend, Luisita. Hindi siya imaginary, ha?” Ngiti lang ang naging tugon niya kay Eduardo. Nginitian din niya si Luisita na agad naman nitong ginantihan. Nakangiti pa ring binalingan nito ang nobyo. “Sigurado kang magkaibigan lang kayo?” tudyo nito. Kahit na ganoon ang sinasabi nito, walang mababakas na kahit na kaunting pagdududa sa tinig ni Luisita. Tila sadyang nanunudyo lang ito. Eduardo playfully groaned. “Alam mong nagbago na akong talaga. Ilang ulit ko nang napatunayan ang bagay na `yan sa `yo.” Marahang natawa si Luisita. “Biro lang.” Ibinalik nito ang tingin sa kanya. “Nagbibiro lang talaga ako.” Nilaparan ni Yllen Stacy ang kanyang ngiti. “He’s not my type.” Kuminang ang mga mata ng dalaga. “He’s everyone’s type.” She rolled her eyes. “Please! He’s not that good-looking.” Luisita giggled. She liked her. Magaan kaagad ang loob niya sa babaeng ito. Alam niya na kung nagkakilala sila ni Luisita sa ibang sirkumstansiya, magiging mabuti silang magkaibigan. “Hey,” natatawang sabi ni Eduardo. “Masyado n’yo na akong inaapi.” “Alam mo namang guwapo ka, eh. Pero ganoon talaga, hindi lahat ay naaakit sa `yo,” ani Luisita. “Sige na, maghugas ka na ng kamay at ililibre mo ako ng hapunan.” “All right,” masiglang tugon ni Eduardo. Binalingan siya nito. “`Wanna join us?” “Yes, join us,” segunda ni Luisita. Hindi niya maintindihan ang dalawa. Were they inviting her just to be polite? Hindi ba gusto ng mga ito na mapag-isa sa hapunan? Pinagmasdan niya nang maigi ang mukha ni Luisita. Her expression was clear. She looked like she really wanted her to join them for dinner.  Naisip ni Yllen Stacy na kung siya ang nasa kalagayan ng dalaga, magseselos marahil siya sa lahat ng babaeng lalapit kay Eduardo. Magdududa siya kahit kaunti, lalo na at naabutan sila nito na nagkakasiyahan. Hindi niya yayayain ang ibang babae na sumalo sa hapunan nila ng kanyang nobyo. Normal na reaksiyon lang iyon ng isang girlfriend. Hindi ito dapat makampante nang husto. She should feel threatened. Then it occurred to her. Luisita was certain with Eduardo. Wala itong duda dahil sigurado ito sa pag-ibig ni Eduardo. Kampante si Luisita na hindi gagawa ng anuman ang binata upang saktan ito. Kung ganoon, napatunayan na ni Eduardo ang sarili nito sa babae. Paano niya sisirain ang magandang relasyon na iyon? Gaano iyon katibay? “No, thanks. I don’t wanna intrude. Just have fun na lang,” aniya. “It was nice to meet you, Luisita.” Nagpaalam na siya sa magkasintahan at nauna nang umuwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD