“SO, WHAT can you say?”
“What can I say about what?” nagtatakang tanong ni Yllen Stacy kay Eduardo habang inilalapag ang tray na puno ng pagkain sa isang mesa sa sulok. Nasa cafeteria sila nang araw na iyon. He had been her constant lunch date.
Umupo ang binata sa kanyang tapat. “About my girlfriend. You met her yesterday.”
Sumubo siya ng kanyang pagkain. Nginuya niya iyon nang mabuti. Nakatingin lang sa kanya si Eduardo na tila hinihintay na sagutin niya ito. Hindi niya ipinapahalata ngunit naiilang siya sa mga mata nitong nakatingin sa kanya. He had the most beautiful pair of eyes.
“She seemed nice,” aniya pagkalunok ng pagkain. “Pretty. Mukhang sensible. Kaya suotan mo ng helmet at baka mauntog. Magising siya sa kahibangan niya sa `yo.”
Marahan itong tumawa. “Hindi kailanman naging hibang sa `kin si Lui.”
“Mabuti naman,” aniya kahit na hindi niya alam ang ibig sabihin niyon. Kapag nagmahal ang isang tao, nahihibang ito. Kaya nga ipinangako niya sa sarili na hindi siya iibig sa maling lalaki. She would fall in love the right way. “She has earned my respect,” dagdag ni Yllen Stacy sa nagbibirong tinig. Pinagtuunan uli niya ng pansin ang kanyang pagkain. Ganoon din ang ginawa ng binata.
“I can clearly see my future with her, you know,” anito kapagkuwan. “I just know that when I marry her, my life will be easy, less complicated. I’ve always been comfortable around her. Pareho kaming mahilig sa paghahalaman. We were good friends before we had a romantic relationship. She’s not a clingy girlfriend. Hindi siya mahilig mag-demand. Hindi siya nagagalit tuwing late ako. Lagi niyang naiintindihan ang mga rason ko. Hindi siya naiinis tuwing wala akong dalang bulaklak sa monthsary namin o kung makalimutan ko man ang monthsary namin. I know that she is the right woman for me.”
“Why are you telling me these things?” nagtatakang tanong niya. Natutuwa siya nag-o-open up sa kanya si Eduardo ngunit nagtataka pa rin siya.
Nagkibit-balikat ito. “Maliban kay Lui, ikaw lang ang babaeng nakakausap ko nang ganito. Hindi ko alam kung bakit. We’re friends, right? Magaan ang loob ko sa `yo. I feel like you really listen to me. Sometimes, we connect. Naiintindihan mo ako. It feels good telling you about things. It feels good to be with you.”
Natutuwa si Yllen Stacy na malaman na nahuli na niya ang loob ni Eduardo. Komportable na ito sa kanya. Magaan na ang loob nitong magkuwento ng mga bagay-bagay. Pinagkakatiwalaan siya nito. Ngunit iyon nga ba ang talagang gusto niyang mangyari? Magkaibigan. Baka doon siya mahirapan. Baka magkaroon ng kahulugan sa kanya ang pagkakaibigan na iyon. Tila hindi rin niya matanggap na kaibigan lang ang tingin sa kanya ni Eduardo. Wala bang pag-asa na maakit ito sa kanya sa ibang lebel?
“Kung hindi ko alam na may girlfriend ka, iisipin kong nagkakagusto ka na sa `kin. Wait, baka naman nagkakagusto ka nang talaga?” tudyo niya. Napapalatak siya kunwari. “Lagot ka kay Luisita niyan.”
Malutong ang naging tawa ng binata. “You wish.”
I really wish. “So, paano kayo nagkakilala ni Lui?” kaswal na tanong niya. Nais niyang malaman ang lahat tungkol sa relasyon ni Eduardo. Nais niyang samantalahin ang pagtitiwalang ibinibigay nito sa kanya. Nais niyang malaman kung ano ang kahinaan at kalakasan ng relasyon nito sa babae. Kapag umatake siya, nais niyang masaktan ito nang husto. Tagos-tagusan. Nais niyang maranasan nito ang matinding sakit at hirap ng kalooban. Iyong aabot sa puntong mas nanaisin na lang nitong mamatay.
“High school,” tugon nito. “Sa probinsiya ako nagtapos ng high school. I enjoyed my last year of high school thoroughly.”
“Because of her?”
Umiling ito. “No, not just because of her. It’s because I was in Mahiwaga. I got to do all the things I wanted to do. Si Lui ang unang babaeng nakalapit nang husto sa `min nina Mitch at Ces. They are my cousins. Malapit na malapit kami sa isa’t isa. Dati, kung saan naroon ang isa, naroon din ang dalawa. Daig pa namin ang triplets. Nang dumating ako sa punto na nagsasawa na ako sa mga casual relationship, si Lui kaagad ang naisip kong tamang babae para sa `kin. I always believed she was the right woman. Sayang dahil naging girlfriend muna siya ni Mitch. Naunahan ako sa pagporma. Mitch screwed it up. He cheated on her. Kahit na hindi umiyak noon si Lui, alam kong nasaktan siya.”
“You offered yourself for a rebound relationship?”
Umiling uli ito. “No, I didn’t. Matagal nang nangyari ang relasyon nila ni Mitch. I waited until I thought she was totally over my cousin. Nagpaalam muna ako kay Mitch bago ko niligawan si Lui. Pumayag naman siya basta mapapaligaya ko si Lui. Pinapangako niya ako na hindi ko gagawin ang mga naging pagkakamali niya noon. Hindi raw dapat ako magpabiktima sa mga babaeng nais na sumira ng relasyon namin.”
Sunod-sunod ang naging subo ni Yllen Stacy. Bakit ba tila na-guilty siyang bigla?
“Kahit na hindi niya sabihin, alam ko na `yon. Naipangako ko na iyon sa sarili ko. Hindi ako padadaig sa tukso. Hindi na ako magkakagusto sa ibang babae. I won’t mess up my relationship with Luisita. I will do everything right. Pipilitin kong huwag magkamali. I will love her with all of my heart. It will always be just Lui. Hindi ko siya maaaring saktan kagaya ng ginawa ni Mitch sa kanya noong college kami.”
Sinalubong niya ang mga tingin ni Eduardo. “W-what if... what if lang, ha? What if one day, you realize she’s not really the right woman for you? Paano kung may dumating na higit sa kanya? Paano kung may babaeng mas magmamahal sa `yo? Babaeng mas mamahalin mo.”
“Wala na akong mamahalin na iba pa,” anito sa nakatitiyak na tinig.
Nanikip ang dibdib ni Yllen Stacy. Tila siguradong-sigurado si Eduardo sa sinasabi. Tila walang sinuman ang makakabali niyon. Hindi niya inakala na magiging ganoon kahirap ang kahihinatnan ng kanyang plano. Ang akala niya ay madali niyang makukuha ang atensiyon ni Eduardo. Ang akala niya ay mababaw pa rin ito; na napakahilig sa babae. Unti-unti niyang nakikilala ang pagkatao nito. Hindi siya natutuwa sa katotohanan na tila nagugustuhan na niya ang binata.
Hindi lang ito basta guwapo sa kanyang paningin. Eduardo was a guy who loved plants, who hated wearing a suit and going to the office but he still did because he had to. Because he loved his father so much and he didn’t want to disappoint him. He was a guy who was faithfully in love with his girl. He was no longer the playboy who loved fooling around.