KINAGABIHAN ay tumila na rin sa wakas ang ulan. Napagkatuwaan nina Pete at Kyle na gumawa ng bonfire. Medyo malamig din ang gabi kaya tamang-tama lang iyon. Inilabas ni Eduardo ang ihawan. She didn’t mind grilling barbecue for them while they swam. Tila mga bata na naglalaro sa tubig ang mga kaibigan. They loved the waves. Napatingin siya kay Eduardo na nakikitawa sa mga kaibigan nila habang nakikipaglaro sa mga alon. Nag-iwas bigla ng tingin si Yllen Stacy nang mahuli siya ng binata. Kaninang tanghali, hindi niya namalayang nakatulog siya sa mga bisig nito. Paggising ni Yllen Stacy ay komportable na siyang nakahiga sa mahabang sofa sa sala. Kaswal ang pakikitungo sa kanya ni Eduardo na tila walang kakaibang nangyari nang tanghaling iyon. Nagdesisyon siyang gayahin na lang ang binata, t

