MAS LUMAKAS ang ulan pagsapit ng hapon. Hindi na lumabas ng bahay ang mga kasama ni Yllen Stacy. Natulog na lang ang mga ito. Nanatili naman siya sa porch sa first floor ng bahay. Pinagmamasdan niya ang pagbuhos ng ulan habang humihigop ng mainit na cocoa. Mas gusto niya na ganoon ang panahon. “May I join you?” Nilingon niya si Eduardo at nginitian ito. Bago pa man ito magsalita ay naramdaman na niya ang presensiya ng binata. “Siyempre naman.” Umupo ito sa kanyang tabi. “Ayaw mong matulog?” Umiling siya. “Ikaw, ayaw mong umidlip?” Umiling din ito. “Hindi ako makatulog. Nama-mahay siguro ako. Alam mo ba noong bata pa kami, madalas kaming pinapatulog ni Lola sa tanghali? Si Cecilio ang madalas na sumusunod. Mahilig siyang matulog kahit na anong oras. Si Jeff Mitchel naman mahilig magbas

