WALANG madamang pagsisisi si Eduardo sa pagsama niya sa mga kaopisina sa beach house ng pamilya ni Grace. Biyernes pa lang ng gabi at naroon na sila. Mananatili sila roon hanggang sa Lunes ng tanghali. Anim lang sila. Bukod kina Grace at Yllen Stacy, sumama sina Pete, Kyle, at Kim. Medyo malapit siya sa mga ito kaya komportable naman siya. Ang mga ito ang pinakakasundo niya sa opisina. Maganda ang beach house ng pamilya ni Grace. It was a spacious two-storey house with wraparound porch. Tila sadyang ipinagawa iyon para sa mga bisita ng pamilya. It had a modern architectural design. It was very sophisticated. Kompleto ang mga modernong gamit. Maganda ang pagkakayari ng bahay ngunit hindi niya gaanong tipo. Siguro ay dahil mas nais niya ang mga makalumang estilo ng bahay. Mas nais niya ng

