REVENGE 9

1995 Words
Pagkatapos akong yayain ni Mylene para kumain ay naupo na nga ako sa bakanteng upuan, hinigop ko mo na ang mainit na kape na nasa harapan ko na medyo nagpagaan naman ng aking pakiramdam at nabuhayan ang katawang lupa ko. "Wow ang sarap naman ng kape mong ginawa Mylene," sambit ko. "Sus nambola ka na naman Alex alam mo lahat na lang ng ginagawa kong pagkain masarap lagi sa 'yo--- pati ba naman yang simple kape lang ng gawa ko huyts," nakataas kilay na sagot ng babae. "Ahmmmm--- totoo naman eh, masarap ka naman kasi magluto parang yong asawa ko lang, kaya nga namimiss ko na lahat ng luto niya, pero okay lang naman iyon kahit wala na siya, nandito ka naman para pumalit sa kanya," nakangiting sambit ko kay Mylene. Napansin ko naman sa mukha ng dalaga na parang namula at ngumiti rin ng bahagya at sabay kunot ulit ng noo na pakunwari lang na hindi nasiyahan sa sinabi kong biro. "Huyts nako Alex ang dami mong alam ang mabuti pa ay ubusin mo na yang nasa harapan mong pagkain at baka mamaya ay puntahan kana naman dito ng itay ko," sambit ni Mylene habang nakatayo sa harapan ko. Ilang sandali pa nga ay natapos na rin akong kumain at dahil sa masarap na pagkakaluto ni Mylene ng pagkain ay subrang nabusog ako. Lumabas naman ako ng bahay ko at iniwan ko si Mylene habang naghuhugas ng mga pinagkainan namin tumingin ako sa piligid at wala naman akong nakitang pagbabago napakatahimik pa rin ng lugar na ito sabagay nasa bundok kami at malayo sa bayan..." bulong ko. Mayamaya ay lumabas na sa bahay si Mylene dahil tapos na siya sa kanyang ginagawa at lumapit ito sa akin na may kasamang ngiti. "Ahmmm--- Alex maiiwan mo na kita ha babalik mo na ako sa aking kubo dahil maglalaba ako ng mga damit ko dadalahin ko na rin itong marurumi mong damit isasabay ko na sa paglalaba ko," sambit ng babae. "Sige Mylene ikaw ang bahala maraming salamat ha sa masarap na breakfast kanina. Mag-iingat ka baka madapa ka sa daan," pabirong sabi ko sa babae. "Salamat Alex," maikling sagot nito. Tuluyan na ngang umalis si Mylene sa bahay ko at pinagmasdan ko lang ang napaka sexy nitong katawan na unti-unting lumalayo sa paningin ko hanggang sa ito ay maglaho. Naupo ako sa upuan na nasa labas ng aking bahay napataas pa nga ako ng paa dahil mahaba naman ang upuan. Bigla naman akong nagulat ng bigla bumungad sa harapan ko si Mang Birting. "Alex, kamusta ang mga sugat mo?" bungad agad na tanong nito sa akin. "Sa tingin ko ay okay-okay na po dahil tuyo na naman ang sugat sa katawan ko," sagot ko kay Mang Berting. "Mabuti naman pala kung ganoon Alex, siya nga pala nagpunta nga pala ako rito para sabihin sa 'yo na isasama ka ng iba kong tauhan sa lupain na pinangangalagaan ng groupo ni kumander cobra," sambit nito sa akin. Kaya naman tumayo ako sa pagkakaupo ko at masinsinan kaming nag-usap ni Mang Berting tungkol sa sadya niya sa akin. "Ano po bang nang-yari? bakit kailangan namin pumunta sa kampo nila 'di ba roon po iyon sa silangan sa kabilang bundok na iyon," turo ko kay Mang Berting. "Oo alex, may nakapagsabi kasi sa akin na isa kong tauhan na patuloy pa rin ang pang aapi ng mga tauhan ni governor sa mga kapwa nating mamamayan na nakatira sa bundok na iyon. Inaabuso nila ang mga tao sa lugar na iyon at kinukuha nila ang mga pagkain at alaga nilang hayop o ano mang makuha ng mga ito. "Alex kailangan mo silang pigilan dahil baka sa susunod na balik nila roon ay mga kababaihan na ang kunin nila mga halang ang bituka ng mga tauhan ni governor," paliwanag ni Mang Berting Ka agad naman akong sumang-ayon sa uotos ni Mang Berting matapos kong marinig ang paliwanag niya. 'Kailan po ba kami magtutungo roon Mang Berting?" tanong ko. "Ngayon din miss mo Alex, dahil kapag walang nag lakas loob na kalabanin sila ay patuloy lang sila sa kanilang mga ginagawa at baka ikapahamak pa ng ating mga mamamayan doon. Ilang saglit nga lumapit na sa amin ni Mang Berting ang mga makakasama ko sa haharapin Kong mission. "Alex handa kana ba sa unang mission na gagawin mo? Huwag ka mag-alala hanggat kasama mo kami ay 'di ka mapapahak," sambit ng isang lalaki. "Maraming salamat mga kasama," sagot ko sa mga lalaking kaharap ko na alam kong handanghanda na sa aming pupuntahan. "Heto ang baril Alex, gamitin mo ito bilang protektion mo at ipuputok mo lang iyan sa mga masasamang tao," bilin ni Mang Berting. "Sige po Mang Berting marami salamat po sabay kuha ko ng baril mula sa mga kamay niya. "Lumakad na kayo Alex, para mapigilan na ninyo ang ginagawang kasamaan ng tauhan ni Governor. Mag-iingat kayo sa inyong paglalakbay sasabihin ko na lang sa anak ko kung saan ka ng punta kapag hinanap kanya " sambit nito. Sige po Mang Berting kayo na po ang bahala," sagot ko at tuluyan na nga kaming umalis ng mga kasamahan ko. Dahil malayo ang silangan bundok na iyon ay natagalan kami sa paglalakad kaya nakiusap ako sa mga kasama ko na magpahinga mo na kahit saglit lang. "Mga kasama baka naman pwede mo na tayo magpahinga dahil pagod na nga paa ko sa kakalakad," pakiusap ko. Ngunit hindi sila pumayag sa gusto ko dahil kailangan na raw namin makarating doon sa aming pupuntahan. "Alex kung magpapahinga tayo ay baka hindi na natin maabutan ang mga tauhan ni governor at baka pahirapan pa nila ang mga mamayang naroon, singit na sabi naman ng isang lalaki. Sa sinabi ng lalaking kasama ko ay wala akong magawa kundi magpatuloy na lang sa paglalakad hanggang sa makarating na nga kami sa lugar dahil natatanaw ko na ang maraming kabahayan sa di kalayuan. Pinagmamasdan ko ang piligid ng lugar napansin kong meron agad akong nakitang kakaiba. Nakikita kong nagtatakbuhan ang mga tao dito at sinasaktan ng mga kalalakihan na tila masaya pa sa kanilang ginagawa. Kaya naman binilisan na namin ang paglakad para makalapit ng husto sa lugar. "Maawa na po kayo sa amin huwag po ninyo kunin ang mga hayop namin iyan na lang po ang tanging katuwang ko sa bukid," pakiusap ng matanda habang sinasaktan ito na nakaluhod na sa lupa. Tumawa lang naman ang lalaki at hindi ito nakikinig sa pakiusap ng matanda bagkus at tinadyakan pa ng lalaki ng matanda ng wala manlang awa. "Kunin ninyo lahat ng pwedeng kunin at wala kayong ititira sa kanila iyan ang nararapat sa kanila dahil ayaw nilang umalis sa lugar na ito!" galit na sabi ng isang lalaking balbasin na sa tingin ko siya ang pinuno sa grupo. Marahan naman akong lumapit sa ibang tauhan ng lalaking pinuno ng di nila ito namamalayan. Paglapit ko sa lalaki na nasa loob ng bahay ay hinawakan ko agad ito sa ulo at nilaslas ko ang leeg gamit ang hawak kong kotselyo. Napansin ko naman na umiiyak ang mga taong kinuhaan nila ng pagkain at sari-sari makuha pa nila, kaya naman nangitngit ang bagang ko sa aking nasaksihan. Lalabas na sana ako sa pinto ng bahay ng marinig ko ang sunod-sunod na putukan. galing sa mga baril ng kasama ko. Sa takot ng lalaking kanina pa dada ng dada ay tumago ito at lumapit ka agad sa kasama niya na tila kinabahan ito. "Ano iyon?" maikling tanong nito sa kaniyang tauhan. "Mukhang may kalaban na kumakalaban sa atin boss," sagot ng kasama nito. "Magsihanda kayo! Lalabanan natin sila. Lalong natakot ang mga tao sa lugar dahil nga nagsimula na ang barilan sa pagitan ng kasama ko at mga kalaban. Sumugod na ang mga kasamahan ko at nakipagsabayan ng putok ng baril sa mga kalaban ng dahil doon marami silang napatumba. Lahat ng nakikita nila ay binabaril nila marami na silang napatay kaya naman lumaban na rin ako gamit ang hawak kong armite, niratrat ko ang naparaming kalaban na nagtatakbohan pa papalapit sa akin. Pagtingin ko sa kabilang deriksyon ko ay nakita ko na papasabugin ng isang lalaki ang kubo na pinagtataguan ko kaya naman mabilis na akong lumabas dito. Pagtakbo ko ay nagpagulong-gulong ako papunta sa may puno at mabilis akong nakapagtago. Napansin ko naman sa pinuno nila na galit na galit ito dahil nakita niya ako na nakikipagbarilan sa kanila at nasasaksihan niya na nauubos na ang kanyang mga ibang tauhan dahil sa nangya- yaring sagupaan. "Alex buhay kapa pala, huwag ka mag-alala dahil isusunod kita sa pamilya mo," sambit ng lalaki matapos niya makita ng harapan ang mukha ko. Nanggigil naman ako sa sinabi ng lalaki kaya galit na galit akong sumugod dito ng walang takot kahit sinasalubong nila ako ng bala ay ay patuloy pa rin ako sa paglapit sa diriksyon ng target ko. "Papatayin kita hayop ka! magbabayad kayo sa ginawa ninyong pagpatay sa mag-ina ko, hindi ko kayo mapapatawad!" galit na sabi ko. Mabilis akong tumakbo sa deriksyon nila. tumalon ako sa malaking bato at pinagbaril ko ang mga tauhan nitong buhay pa lahat ng bala ay tumama sa katawan nila hanggang ang pinuno na lang nila ang natira galit na galit ito sa ginagawa ko lalo't nag-iisa na lang siya. "Walang hiya ka Alex! maswerte ka at nabuhay kapa ngayon dito kana mamatay at makakasama mo na ang pamilya mo!" galit ng sigaw ng lalaki. "Siguradohin mo lang na mapapatay mo ako rito, dahil kong hindi ang tingga ng bala ko mismo ang tatapos ng buhay mo at magsisimba ka ng may bulak sa ilong," malakas na sigaw ko sa lalaki. Bigla naman natahimik ang lalaking kalaban ko. Kaya naman marahan akong lumabas sa pinagtataguan ko, habang papalapit ako sa kanya ay nakita ko naman sa itsura nito na takot na takot at nanginginig na ang tuhod. "Ano nirarayuma ka na ba? pero huwag ka mag-alala hindi mo na mararamdaman iyan dahil ito na ang hiling araw mo sa lupa kaya magdasal kana," sambit ko habang nakatutok ang baril ko sa lalaki. Pagkalabet ko ng gatilyo ay hindi pumutok ang baril kong hawak kaya naman nanlaki na lang ang mata ko at napalunok ng laway shettt dummm! wala na pa lang bala ang biril kong hawak ngunit napansin ito ng lalaki kalaban ko at tumawa ito ng pagkalakas lakas. " Ano ngayon Alex nasaan na ang tapang mo? wala ng bala ang baril mo ngayon katapusan mona," sambit ng lalaki habang nakatutok ang baril nito sa kinatatayuan ko. Pumikit na lang ako dahil wala na akong magagawa, tangapin ko na lang talaga na hanggang dito na lang ang buhay ko at hindi ko na mabibigyan pa ng hustisya ang pagkamatay ng mag-ina ko. Pagkalabet niya na gatilyo ay hindi rin pumotok ang baril niyang hawak. Kaya naman mabilis na akong tumakbo palapit sa kanya. Sinuag ko ang lalaki at bumagsak sa lupa pagbagsak nito ay pinagsusuntok ko pa na halos mabasag ang mukha ng lalaki sa galit ko ay kinuha ko ang kotselyo ko at pinagsasaksak ko sa dibdib ang lalaki at hindi man lang ako nakaramdam ng awa kahit katiting lang ng dahil sa galit. "Walang hiya ka pinatay ninyo ang mag-ina ko ngayon iisa-isahin ko kayo tikman ninyo ang paghihiganti ko!" galit na sabi ko sa lalaki habang nakahandusay na ito sa harapan ko na umaagos na ang dugo sa lupa. "Alex tama na patay na iyan nakaganti kana sa isa sa pumatay sa pamilya mo," sambit ng isa kasama ko na pilit akong nilalayo sa katawan ng lalaking pinatay ko. Nabahiran ng matsha ng dugo ang mga kamay ko, ngunit wala ang pinagsisisihan at di ako natatakot kung malaman ito ni governor. Ilang saglit nga ay kumalma na ako, tumingin ako sa paligid ko nakita ko sa mga tao ang pagkagulat sa reaksyon ng kanilang mga mukha dahil siguro sa nagawa ko, hanggang lumapit sa akin ang isang magandang babae kaya naman natulala ako at hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD