REVENGE 10

1259 Words
Maraming salamat po sa inyo mga ginoo, kung hindi siguro kayo dumating tiyak lahat ng pinaghirapan namin ay nakuha na ng mga masasamang tao na iyan at baka ang Lolo ay mapahamak din," sambet ng dalaga. "Walang ano man iyon, simula ngayon ay hindi na kayo pwedeng paalisin dito sa lugar ninyo, sapagkat narito kami para pigilan ang kasamaan ng mga tauhan ni governor," sambit ko. "Marami pong salamat malaking tulong po kayo sa aming mahihirap na mamayang maninirahan dito sa bundok silangan," sambit naman ng isang matandang babae. Hanggang lumapit naman ang isa kong kasama sa akin Alex magtungo tayo ngayon kay kumander cobra para ipaalam sa kanya ang pangyayari ito," sambit ni Ambo. "Sige Ambo, saglit lang at magpapalam lang muna ako sa mga taong narito. Lumapit naman ako sa pinakita nakakataas na namumuno sa lugar na ito nakilala ko bilang si Mang berto. "Mang Berto magpapaalam na po kami, kailangan na po namin umalis, mag-iingat na lang po kayo rito sa lugar nakakatiyak akong matatakot na ang mga tauhan ni governor Governor na paalisin kayo rito, lalo't n nalaman nilang may kumalakalaban na sa kanila para ipagtanggol kayo," paliwanag ko. "Maraming salamat Alex, mag-iingat kayo sa inyo paglalakabay, nakikiramay ako sa pagkawala ng magulang mo at mag-ina mo, kung hindi mo ako tatanongin ay matalik kong kaibigan ang itay mong si Teban sayang at maaga lang siyang pumanaw," paliwanag nito. Nalungkot ako ng marinig ko ang pangalan ng itay ko dahil bigla ko siyang naalala pakuyom tuloy ako ng kamao habang nakayuko na lang. Hanggang sa tuluyan na lang akong umalis dahil tinatawag na ako ng mga kasama ko. "Alex, bakit malungkot ka, pinagsisihan mo ba ang pangyayari ito?" tanong ni ambo. "hindi naman naalala ko lang ang itay ko, buong buhay ko siya na nag-alaga sa akin at nagpalaki kahit noong nagka-asawa na ako ay siya pa rin ang kaagapay ko sa buhay. Tapos mawawala na lang siya dahil sa maling disisyon na nagawa ko at nadamay pati ang mag- Ina ko. Subra hirap isipin na yong dating masayang buhay ko nabalot ng masalimuot at madilim na pangyayari at naging simula ng pagbabago ng buhay ko na hindi ko alam kong saan na patutungo," paliwanag ko. "Tangapin mo na lang ang lahat Alex maging ako din ay nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pakikipaglaban sa pamahalaan, subalit nangyari na iyon at hindi ko na maibabalik pa, ang mahalaga ay buhay pa rin tayo, magagawa pa rin natin silang bigyan ng hustisya," sambit ni Mang Ambo. Pagkatapos namin mag-usap sa isa't isa ni Mang Ambo ay ka agad na kaming umalis sa lugar nagtungo na nga kami sa kampo nila kumander cobra malapit lang naman dito ang kampo nila kaya mabilis din kaming Nakarating. Papalit pa lang kami ay nakita ko na ang isang lalaking tumatakbo papunta sa deriksyon ng pinuno nila na si kumander cobra. "Kumander cobra, sila Mang Ambo at si Alex, dumarating narinig ko dahil sa malakas nitong sigaw sa pinuno. Napansin ko naman na unti-unti kaming sinalubong ng mga tauhan nito at bumati. "Maligayang pagdating sa kampo namin Alex," sambit ng isang lalaki. Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa paglalakad palapit sa kubo ni kumander cobra. "Mang Ambo, ano ang sandya ninyo dito? bkit kayo naririto?" tanong ni kumander cobra kay Ambo. "Narito kami kumander cobra para ipagbigay alam sa 'yo ang nangyari kanina. "Ano iyon Mang Ambo," maikling tanong nito. "Bago kami magtungo rito ay galing kami sa silangan bundok at naabutan namin ang mga tauhan ni governor na nang gugulo sa lugar na iyon kaya naman napilitan kaming kalabanin sila para ipagtanggol ang mga taong inaapi nila at sa nangyari engkwentro ay marami kaming napatay sa kanila at walang natirang buhay," sambit ni Ambo kay kumander cobra. "Magandang balita iyan Ambo dahil diyan tiyak matatakot ang mga tauhan ni governor na balikan ang lugar na iyon," sambit nito. "Siguro nga kumander ngunit huwag tayo papasigurado dahil alam naman natin na tuso at sakim ang governor na iyon, kailangan pa din natin bantayan ang lugar na iyon," paliwanag ni Ambo. "Sige kami na ang bahala sa lugar na iyon," sagot ni cobra. Bigla naman nabaling ang attention nito sa akin. "Alex mabuti naman at nakasama ka rito saka magaling na rin ang sugat mo, mag-iingat ka pa rin Alex dahil 'di titigil ang mga tauhan ni governor na hanapin ka lalo't alam nilang nakaligtas ka sa marahas na pangyayari sa mga mahal mo sa buhay. Ngunit huwag ka mag-alala dahil hanggang narito ka sa bundok ay marami kang kakampi," paliwanag ni kumander cobra. "Maraming salamat po kumander cobra ngayon malakas na ako, isa-isahin kong tutugisin ang mga taong pumatay sa pamilya ko, hindi pwede silang magdiwang na lang sa kapatagan at mabuhay ng malaya, samantalang ako narito sa bundok nagtatago, magbayad sila dahil buhay din ang tutubusin ko sa kanila!" galit na sabi ko. Huwag kang mag ladalos dalos Alex masyadong malakas na pwersa ang kalaban mo kailangan natin silang paghandaan para tayo ang manalo laban sa kanila," sambit ni kumander cobra. "Paano kumander cobra, aalis na kami, babalik na kami sa kampo kayo na mo na ang bahala sa silangan," sambit ni Ambo. "Sige Ambo, mag-iingat kayo," paalala ni kumander cobra. Tuluyan na nga kaming umalis ng mga kasama ko sa kampo ni kumander cobra. Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makabalik na kami sa campo. Sinalubong naman kami ni Mang Berting at nagtanong ito saka bumati. "Maligayang pagbabalik, sa inyo ka ambo at Alex," salubong na pagbati ni Mang Berting. "Kamusta ang lakad ninyo Alex? Naabotan ninyo ba ang mga tauhan ni Governor?" tanong ni Mang Berting. "Okay naman po Mang Berting, mabuti nga po at maaga kaming nakarating sa lugar na iyon, dahil kung hindi baka may namatay na sa mga mamamayan na nakatira doon," sambit ni Ambo. "Ahmmmm---Ganon ba? kamusta naman ang mga tao roon napahamak ba sila sa mga tauhan ni Governor?" tanong nito. "Hindi naman po Mang Berting dahil napigilan namin ang mga tauhan ni governor sa masama nilang ginagawa at lahat sila ay napatay sa matinding laban," singit na sagot ko. "Mabuti naman kung ganon dahil malalaman na nila na hindi na tayo natatakot sa kanila dahil kaya na natin lumaban. Ilang sandali nga ay nagpaalam na kami sa isa't isa bumalik na ako sa aking bahay para makapagpahinga ngunit bago pa ako makalapit sa aking kubo ay nakita ko naroon sa pinto nakatayo si Mylene nakasimangot itong nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero sa tingin ko ay nagtatampo ito lalo't umalis ako kanina umaga ng 'di nagpapaalam. Nakabilik na nga ako sa kubo ko lumapit naman ako kay Mylene, tinanong ko din kong bakit hindi maitsurahan ang mukha niya. "Maganda gabi sa 'yo Mylene, bakit malayo pa lang ako ay nakikita ko ang naka kunot mong noo?" tanong ko. "Ahmmmm--- pa ano ba naman kasi Alex, hindi ka manlang nagpapaalam sa akin na aalis ka pala at sasabak ka sa iyong mission. "Paano kung may mangyari sa 'yo tapos hindi kana nakabalik," pag-aala sabi ni Mylene. Para matigil ang kaniyang pag-aalala ay siniil ko siya ng halik sa kaniyang labi. Napadilat ang mga mata niya dahil sa labis na pagkagulat sa aking ginawa. Pinalalim ko ang halikan naming dalawa hanggang sa maramdaman ko na rin ang kaniyang pagtugon. Ang malambot niyang mga labi ay pinupukaw ang kakaibang init na unti-unting nabubuhay mula sa loob ng aking katawan. Hanggang sa nakaramdam ako ng kakaibang init habang nilalasap ko ang malambot at matamis niyang mga labi. Kaya naman---"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD