Nakita ko naman na papalapit ang mga kasama nito sa direksyon nila Mang Isko. Kaya naman hinarangan ko sila at pinagsusuntok hinawakan ko sa ulo ang isang lalaki at inumpog ko sa mesa hindi pa ako nakontento at pinalo ko ito ng bote sa ulo. Bumagsak ang lalaki na nakadapa sa lupa at nawalan na ng malay.
Nagulat na lang ako ng biglang nakisali na ang mga kasamahan ko kaya naman hinayaan ko na lang silang makipaglaban sa mga lalaki at ka agad ko naman pinuntahan ang babaeng nangangalang si Rita.
Paglapit ko sa kinatatayuan nito ay hinahawakan ko agad ito sa kamay tinanong ko din kong okay lang siya.
"Kamusta ang kamay mo miss Rita pasensya kana kung hinayaan ko pang hilahin ka ng lalaki na iyon," saad ko.
"Okay lang Alex, mabuti nga at narito ka sa loob ng bar dahil natigil na rin ang kabaliwan ng lalaki na iyon sa akin at madadala na iyon," sambit ni Rita.
Ngumiti ito ng napakatamis na para bang may ibang ipahiwatig sa akin saka yumakap na akin naman kinagulat.
Mayamaya pa ay nakarinig ako ng wang-wang mula sa mga sasakyan ng pulis, kaya naman nagpaalam na ako sa babae at mabilis ko na niyaya ang mga kasamahan ko, bago pa kami maabutan ng pulis at damputin pa kami.
Mabilis naman kaming nakalayo sa bar bago pa man tuluyan makarating ang mga pulis doon, napansin ko ang mga pasa sa mukha ng mga kasama ko at napailing-iling na lang ako.
"Okay lang ba kayo mga kasama?" tanong ko.
"Okay lang kami Alex, nabitin nga kami sa pakikipaglaban kanina," sambit ni Buldog.
"Mabuti naman kung ganon mga kasama-" paano babalik na tayo sa bundok? tiyak hinahanap na tayo ni Mang Berting, dahil kanina pa tayo naririto sa bayan," wika ko.
"Sige Alex, babalik na tayo sa bundok," sambit ni Mang Isko.
Nagtungo na nga kami pabalik ng bundok at hindi naman nagtagal ay nakarating na kami. Sumalubong naman agad sa akin si Mylene, yumakap ito sa akin ng mahigpit kaya naman nagtaka ang mga kasamahan ko sa ginawa ni Mylene at medyo nahiya ako sa mga ito.
Hindi na nga nagtanong ang mga ito at ka agad din na iniwan ako saka nagtungo sa kubo ni Mang Berting para dalahin ang mga pinamili namin.
"Alex subra namiss kita mabuti naman at nakabalik kayo rito ng ligtas ng mga kasama mo," sambit ni Mylene sa akin.
"Maraming salamat sa pag- alala mo sa akin Mylen, hinintay mo talaga ang pagbabalik ko ano oras na rin at bakit hindi kapa natutulog?" tanong ko sa babae.
"Hindi kasi ako mapakali Alex, hanggat hindi kita nakakasama, lalo't malayo ka Alex, kaya nag-aalala ako sa 'yo," sagot ng babae.
Ilang saglit nga ay nagtungo na kami sa bahay pumasok na nga kami ni Mylene sa loob Nakaramdam na ako ng pagod kaya naman humiga na ako sa aking higaan, habang si Mylene ay nagtungo sa kusina hindi ko alam kung bakit.
Mayamaya ay bumalik ito at may dalang siyang tasa na mainit na kape.
" Alex magkape ka muna para naman mainitan ang tiyan mo," sambit ni Mylene.
"Baka naman hindi ako makatulong niyan Mylene, saka nga pala bakit hindi kapa bumabalik sa kubo mo? baka hanapin ka ng itay mo, malaman pang narito ka lalo't nakita ng mga kasama ko kanina na niyakap mo ako," paliwanag ko.
"Ahmmm---dito muna ako Alex, magpapalipas ng gabi, gusto kita makasama Alex, hindi ko alam kung bakit pero alam mo bang palagi kang hinanap ng isipan ko,
at parang hindi na ako sanay ng hindi kita nakikita," wika ni Mylene.
Sa tuno ng bibig ng babae ay alam kung nahulog na nga ang loob niya sa akin, dahil ayaw na niya akong mawalay at mawala sa paniningin niya. Ngunit paano kung malaman ito ng itay niya ano nalang iisipin non Ahmmm--- bahala na nga ang mahalaga mahal namin ang isa't isa at mabait naman si Mang Berting gusto lang niya siguro ng matinong lalaki at magmamahal ng totoo para sa anak niya," bulong ko.
"Bakit parang ang lalim na inisip mo Alex? Ayaw moba ng ganito na lagi mo ako nakakasama?" tanong nito.
"Hindi naman sa ganon Mylen, nag-iingat lang ako sa itay mo. Hindi natin alam kung anong sasabihin niya kapag malaman niyang may relasyon tayo at palihim pa," sagot ko.
Nalungkot naman ang babae sa mga sinabi ko siguro ay iniisip niya na hindi ko siya kayang ipagtangol sa ama niya.
Kaya naman tumingin ako ng deritso kay Mylene niyakap ko pa ito ng mahigpit saka hinawakan ko mukha niya pilit man niyang iiwas ang mukha niya, ngunit wala naman magawa si Mylene kundi sumunod na lang sa pagbaling ko ng mukha niya, hanggang unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya, kaya naman hinintay na lang ni Mylene na halikan ko siya.
Hanggang sa magdikit na nga ang aming mga labi hindi na ito makatanggi at unti,-unti na rin siyang tumutugon sa akin. Habang nagpapalitan kami ng laway ay unti-unti naman nag-iinit ang katawan ko, hanggang sa gumapang na ang kamay ko dalawang siopao ni Mylene sa bahagi ng kanyang dibdib. Minasa-masa ko ito na siyang kinasarap ng kanyang pakiramdam ngunit sa gitna na aming ginagawa ay may narinig ako na boses na nagmumula sa labas ng pinto ng bahay ko kaya naman natigil ang aming ginagawa ng kasama kong si Mylene.
Sino kaya ang taong iyon? storbo naman kung kelan nasa gitna ako na masarap na laban eh, huyst!
Binuksan ko na nga ang pinto at nagulat ako at takot ng makita ko ang mukha ni Mang Berting, hindi ko alam kung bakit siya narito, ngunit, tiyak kong si Mylene ang sadya nito. dahil naka simangot ang mukha ni Mang Berting habang nasa labas ng pinto ng bahay ko.
"Alex, Nakita muba ang anak kong si Mylene?" tanong ni Mang Berting.
Medyo kinabahan ako ng isasagot dahil tiyak magagalit ito kapag malaman niyang kasama ko si Mylene dito sa bahay at nasa kwarto ko pa kaya naman tinangi ko na lang na hindi ko ito nakita.
"Ahmmmm---pasensya po Mang Berting ngunit hindi ko po nakita anak ninyo siguro ay nasa ibang bahay or sa kaibigan niya," sagot ko.
"Ahmmmm---sige Alex pasensya kana na storbo kita sa pagpapahinga mo aalis na ako at hahanapin ko pa si Mylene baka nga nasa mga kaibigan lang niya ito dito sa bundok at nasa ibang bahay," sambit nito.
Tuluyan na ngang nakalayo sa bahay si Mang Berting, dahil doon ay pinagpawisan ako at subra kinabahan kaya naman dali-dali na akong bumalik sa kwarto ko.
"Mylene ang itay mo ang taong kausap ko kanina sa labas at hinanap ka ngayon din ay umuwe kana sa kubo mo," pagmamadaling sabi ko rito.
Bumangon na nga Si Mylene sa pagkakahiga at marahan lumabas ng pinto ng bahay dahil nag-iingat na baka may makakita sa kanyang paglabas at malaman ni Mang Berting na nagsinungaling ako sa kanya.
Tuluyan na nga itong nakaalis ng bahay at nakahinga na ako ng maluwag kailangan namin mag-ingat ni Mylene o pwede din sabihin na namin ang totoo sa kanyang itay para naman legal kami rito. at hindi na namin kailangan pang magtago pa sa lahat ng naririto sa bundok," bulong ko.
Muli nga ay humiga na ako sa aking kama at tuluyan na akong nakatulog.