Carmella's POV Kanina pa siya hindi mapakali sa loob ng silid, nag-aalala siyang baka sumiklab ang galit ni Aiden sa Papa nito, baka may masabi o magawa itong hindi maganda. "Aiden huwag ka naman sanang magalit sa Papa mo," usal niya at dinikit sa pinto ang tenga. Wala siyang marinig na kahit ano, kaya dahan-dahan niyang binuksan ang pinto para sumilip sa may ibaba, pero hindi niya makita. Nagkibit-balikat siya at muling sinara ang pinto. "Ang tagal nilang mag-usap," naiinip na sabi niya at nahiga muna sa kama. Makalipas ang ilang sandali narinig niyang bumukas ang pinto ng silid. Napapitlag siya at mabilis na bumangon mula sa pagkakahiga. "Aiden," tawag niya nang makita ito papasok sa silid. Malungkot ang mukha nito at halatang hindi maganda ang napag-usapan ng mag-ama. Agad siyang

