Chapter 8

1313 Words

"Bakit ka umakyat dyan?" tanong mula sa likuran niya. Mabilis siyang napalingon at nakita si Aiden na kunot noong nakatingin sa kinatatayuan niya. "Bumaba ka dyan, baka mahulog ka," sabi nito, pero wala siyang nahimigang pag-aalala sa tono. "Ah... eh... pasensya na po," paumanhin niya at mabilis na tumalon sa bakod. Nakita pa niyang nagulat si Aiden sa ginawa niya. "Sorry po," paumanhin niya ulit at napatingin sa binatang nakatayo sa harapan niya. Matangkad ito, may pagka-moreno, ang buhok nito medyo makapal tinatangay ng hangin pero bagay naman rito, may magagandang mata at makakapal na kilay, matangos ang ilong at manipis na labi na bumagay naman dito. Napakasimple lang ng suot nito, puting t-shirt at itim na pantalon pero may kakaibang dating sa kanya. "Ano bang tinitignan mo dyan?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD