Chapter 9

1638 Words

"Papasok na po ako," paalam niya kinabukasan. "Ingat ka Mella, dahan-dahan sa pagba-bike ah," bilin ng Nanay niya. "Opo Nay," sagot niya at inilabas na sa gate ang bike. "Mella! Mella," tawag ng Ate Grace niya at lumabas ng gate. Bagong gising pa lang ito at nakapantulog pa. "Idagdag mo to sa baon mo," sabi nito at iniabot ang limang daan. "Huwag na ate, may binigay na si Nanay sa akin." "Ano ka ba, idagdag mo, kumain ka sa Ice cream house," pamimilit nito kaya naman kinuha na niya para maitabi na lang. "Anong nangyari sa bike mo?" biglang tanong ng Ate niya nang makita ang basag na salamin nito sa gilid ng manibela. Hindi niya sinabi kanino man na nakita niya si Aiden Del Castillo, hindi niya sinabi na halos durugin na siya nito sa mga kamay nito dahil sa pagkasuklam nito sa pamil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD