Pagkatapos namin mag hiwalay ni Tina sa canteen ay bumalik na ako sa klase.
Pagdating ko sa silid namin ay agad akong binigyan ni Jordan ng kopya ng script.
Inabot ko ito at tsaka ay umupo na ako sa upuan ko.
Nagsimula na kaming mag grupo-grupo para mabilis ang transition ng gagawin naming skit. Nagsama-sama ang mga kasama sa skit, sa designs at sa booth.
Nag simula na kaming mag memorya ng mga lines namin pagdating ng iba pa naming kasama sa play hindi naman ganun kahirap mag memorya ng linya dahil hindi naman ganun kahaba ang mga lines namin. Paulit-ulit kong binasa yung skit para pag mag practice na kami ay alam ko na ang gagawin ko. Hindi na ako masyadong nag abala sa damit ko dahil nag assign na si Sir Peter ng mga gagawa nun. Ayon sa panel ang mga damit at float daw na gagamitin namin ay gawa sa recyclable materials. Keri na din para hindi ako gagastos sa kung ano man na yan. Ang iisipin ko na lang ngayon ay yung susuotin ko sa diwata na yan.
Nag draft na sila ng float na gagamitin namin at yung susuotin namin sa parade.
Nakuhanan na din ako ng size ko basta bahala na sila sa buhay nila kung paano nila ako aayusan.
Mabilis na tumakbo ang oras at mag uuwian na ng bigla akong nilapitan ni Chelsea.
Nakanuot ang noo nito na lumapit sa akin hindi ko alam kung anong gagawin nitong babae na 'to pero isa lang ang sigurado ako. Magtataray 'to!
"Nakita kita sa canteen kanina with Paul and Macky? Anong meron girl?" galit na sambit niya sa akin.
"Aaahh... Inaya lang naman ako mag lunch ni Paul. No offense if gusto mo si Macky or si Paul sayo na sila. Wala naman akong pake eeh!" galit kong sambit sa kanya.
"Sa tingin mo kinaganda mo na yung pagiging muse mo? Girl remember the clock is ticking! Your fame ooh yah ! wala pa ngang fame eeh. Remember girl cheer leader ako malakas ang amore ko sa mga lalake,"
"I don't want to make a scene chelsea, wala akong intensyon na kunin ang atensyon ni Macky o ni Paul sayo. Wala akong planong agawin sila sayo at wala akong planong makipag relasyon kahit kanino man. Nakafocus ako sa studies ko. Kung gusto mo sila edi landiin mo! Tsaka para sabihin ko sayo hindi ako pinapansin ng Macky mo at may sariling mundo ang Paul mo. Wala din namang kayo girl kaya wag ka masyadong mag ashumera sa mga bagay na wala naman." pairap kong sabi sa kanya.
Nilayasan ako ni Chelsea na nakabusangot ang mukha. Iritang-irita ito sa akin sapagkat nasupalpal ko siya totoo naman talaga yung sinabi ko wala naman talaga akong pakelam kay Macky at Paul. Ano bang meron kay Macky at Paul at nag kakandarapa ang mga babae sa kanya? Mapera? Lahat naman sila dito mayayaman. Itsura? Oo may itsura pero di naman ganun talaga ka-gwapuhan mas gwapo pa nga tatay at kapatid ko.
Uwian na !
Masama ang loob ko ng umuwi ako sa bahay. Bakit naman kasi ginagawang big deal ang pagkapanalo ko sa pagka muse eeh muse lang naman yan! Hindi ka naman yayaman diyan.
Dahil sa sobrang galit ko napatext ako kay Tina.
"Mamsh! nakakainis lang! Ano bang meron sa pagka muse at nang gagaliiti sa akin si Chelsea? Pagdating na pagdating ko palang dito sa school na 'to ganyan na mood niya sakin. Ano bang meron sakin aah?"
Madaling nagreply sa text ko si Tina.
"Alam mo Mamsh! Sinong hindi mababadtrip sa mukha mo! Eeh ang ganda-ganda mo. Minsan nga natitibo ako sayo eeh, minsan din naiinis na ako sayo, Minsan naman nakakatawa kang tingnan kasi ang ganda ng mukha mo pero yung buhok mo sugagba! para kang bruha. Charrr... alam mo wag mo na silang pansinin kasi naiingit lang sila sayo,"
"Pero alam mo bakit ba sobrang crush na crush nyo si Macky? Anong meron sa mokong na yan? Ang sama-sama naman ng ugali!"
"Yieeh! Si baby! Alam mo kaya crush na crush nila yang si Macky kasi famous yan! Gwapo, Mayaman, ang bango-bango tapos Varsity Player pa anong pang hahanapin mo eeh nasa kanya na lahat tapos kapag naging jowa mo yang si Macky instant famous ka kaagad tsaka kahit saan ka tumingin o mag tanong kilala yan. Sama mo na yung kaibigan nyang si Paul? yan chickboy din yan basta ganun! Basta basketball player! chickboy! ok na?"
"Ok sige bahala na kayo dyan!"
Maliwag pa ang kalangitan at nakauwi na ako maaga din akong kumain at natulog.
Kinabukasan
Same routine lang ang nangyari.
Wala namang masyadong ganap sa buhay ko ngayon dahil hindi pa ako nakakapag try out sa Volleyball Team. Yung english week lang ang nagbibigay ng sakit ng ulo sa akin ngayon.
Napatingin ako sa cellphone ko at may isang unknown number ang nag text sakin.
"Kamusta kana Keith? Kamusta ang bago mong school balita ko lalo kang gumaganda aah?"
Matagal akong nag isip bago ko replyan yung nag txt sakin.
"Hindi naman masyadong importante tong txt na to! Bahala ka sa buhay mo!" pang iignore ko sa text niya."
As usual maaga parin ako nakapasok ng school.
Dumiretso ako sa room ko at laking gulat ko ng wala pang katao-tao sa room.
"Masyado pa bang maaga o maaga lang ako masyado ngayon?" tanong ko nalang sa sarili ko.
Dahil sa sobrang naboring ako ay umakyat muna ako sa rooftop.
Bago ako lumabas ay sinilip ko muna ng mabuti kung nandito si Mr. Sungit.
"Ayun! wala si sungit!"
Tumayo ako agad sa tabi ng dingding at dumungaw sa baba.
"Nakakalula naman pala dito ang sarap ng hangin! Woooh!" sigaw ko habang nakaupo sa half wall ng rooftop.
Napalingap ako sa likod ko at nakita ko sa sulok na nakaupo si Macky na nakatitig sa akin.
"Sorry aalis na ako," sambit ko sa kanya.
Hindi ako pinansin ni Macky at patuloy lang siya sa pagbabasa niya ng libro.
"Hindi man lang sumagot sa akin hayy... pero bahala na wala naman akong pake sa kanya." sambit ko sa sarili ko.
Di na ako umalis kasi di naman siya sumagot sa sinabi ko. Tumambay lang ako sa rooftop hanggang sa mag oras na. Nakaupo lang ako sa half wall at nakatingin sa mga istudyanteng nagsisitakbuhan sa pag pasok sa loob. Nangawit ako sa kakaupo kaya bumaba na ako sa pagkakaupo ko sa half wall at sa pag alis ko ay bigla akong na out balance na kinauupuan ko at kamuntikan na akong mahulog buti nalang nandito si sungit at agad akong nasalo.
Nagkatitigan kaming dalawa walang kurapan ng biglang tumunog ang cellphone ko.
"Aah Macky pwede mo na akong bitawan. Pasensya kana kung naabala pa kita hindi na ako papanik ulit dito." nakangiting sambit ko.
Binitawan niya ako at hindi ulit umimik sa akin.
"Gusto mo ba sabay na tayong bumaba? Kasi alarm clock ko yung tumunog kanina," nakangiting sambit ko sa kanya.
"Ok."
Ito yung unang beses na kinausap niya ako pero bakit parang tumusok sa puso ko? Nanginig na naman ang kalamnan ko at nakaramdam na naman ako ng mga paru-paro sa aking tiyan.
"Ayy Mac! Macky pala. Wag na pala tayo mag sabay bumaba baka ma issue pa ako sayo. Thank you kanina kung hindi dahil sayo edi sana naaksidente na ako ngayon. Thank you!"
Nginitian ako ni Macky sabay bumaba na ako.