Diniscuss na ni Sir Peter yung plot ng kwento at medyo familiar ako sa kwento.
"Napanaginipan ko na ba tong kwento na to o napanood ko na sa TV?" nagtataka kong sambit sa sarili ko.
Ibinigay na ni Sir Peter yung script para sa skit namin at medyo napakunot ang noo ko ng binasa ko ng buo ang skit. Sweet nga ito at may hawakan ng kamay. Namumula ang mukha ko ng binabasa to. Kinilig ako sa mangyayari pero hindi ako excited at sa bandang dulo ng kwento ay may "Kissing scene".
"What?" kinakabahan kong sambit.
Nang makita ko yung mga scenes agad akong lumapit kay Sir Peter para tanungin 'tong sa script ko.
"Sir? Bakit po may kissing scene?" malungkot kong tanong sa kanya.
"Hindi naman siya totally na kiss bale kungwari lang yun. Wag kang mag alala walang kiss na totoo," nakangiti niyang sambit sa akin.
Medyo nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib ko nang marinig kong hindi totoo ang kissing scene.
Pabalik na ako sa upuan ko ng biglang lumapit sakin si Paul.
"Muse! Sabay ka samin mag lunch? Ok lang ba?" nakangiti niyang sambit sa akin.
Hindi maalis ang ngiti niya sa akin na very confident na sasama ako sa kanya mag lunch.
"Hindi ako pwede eeh kasi kasabay ko yung bestfriend ko ngayon nag lunch mmay pag uusapan kasi kami na importante," nakangiti kong sambit sa kanya.
"Edi ganto nalang! Isama mo nalang yung kaibigan mo para makilala ko." sambit niya sakin sabay ngiti.
Tinext ko agad si Tina para sabihin na may makakasabay kaming kumain at pumayag naman siya agad.
Lumipas ang ilang oras ng pagbe-brain storming sa gagawin naming skit ay bumaba na kami sa canteen para mag lunch.
Nagkita kami ni Tina sa canteen kasama sina Paul at nasa likod nito si Macky.
"Bes!" sigaw ni Tina sakin habang papalapit sa amin.
Agad niya akong hinablot at binulungan.
"Kilala mo naman pala si baby ko," kinikilig na sambit niya sakin.
"Asan?" tanong ko sa kanya habang hinanap ko yung sinasabi niyang baby niya kuno.
"Yung nakasalamin Bes! siya yung baby ko pero bakit naka salamin yan ngayon?" tanong niya sa akin habang nakangiti.
"Ewan ko dyan! si Macky pala crush mo. Nako wala kang mapapala diyan sobrang sungit niyan tsaka pangit ugali," inis na sambit ko sa kanya.
Biglang sumabat si Paul sa bulungan naming dalawa ni Tina.
"Girls! Baka gusto nyong umupo naman at baka nangangalay na kayo." nakangiti niyang sambit sa akin.
Umupo na kaming tatlo at bigla nalang umalis si Macky ng hindi kami nililingon na tatlo.
Nalungkot bigla ang mukha ni Tina ng umalis si Macky.
"Aayy, bakit siya umalis?" malungkot niyang sambit.
"Hayaan nyo na yun! ganun talaga yun sa una. Tahimik tsaka masungit! Pero pag nakilala nyo yan mabait yan at kalog." nakangiting sambit ni Paul sa amin.
"Tsss! wala naman akong pake dun!" nakangisi kong sambit sa kanya.
Wala naman akong pake kung umalis siya di naman siya importante para sa akin. Umorder na ako ng pagkain ko sa counter at hinayaan ko nalang yung dalawa na mag usap. Napaka ingay nila kala mo matagal na silang magkakilala.
Pagkatapos kong bumili ng pagkain ko ay Bumalik na ako sa pwesto namin at nag uusap parin silang dalawa.
"Mukang mag kakilala na kayong dalawa aah?" tanong ko sa kanila.
"Oo matagal ko ng kilala yang dalawa na yan. Basketball player yang mga yan eeh. Napapanuod ko yan kapag may laro sila," nakangiting sambit ni Tina sa akin.
"Aaah talaga? Eeh bakit nung nagkukwento ka sa akin tungkol sa kakakita mong crush parang ngayon mo lang nakita?" pang aasar kong sambit sa kanya.
"Syempre pag sinabi ko sayo na kilala ko to wala ka na namang pake!" inis niyang sambit sa akin.
"Hanggang ngayon naman wala akong pake!" nakangiti kong sambit sa kanya.
"Tsaka mga varsity player at campus hearttrob yang mga yan eeh. Diba Paul? nakangiti niyang sambit kay Paul.
"Aah-eeeh... Hindi naman masyado." nakangiting sambit ni Paul habang hipo-hipo ang ulo niya.
"Ayy talaga! di ako aware na kilala pala talaga tong dalawa na to pero bakit parang hindi naman?" nakangisi kong sambit sa sarili ko.
"Ahmm... Paul may tanong lang ako? Bakit sobrang sungit at sobrang tahimik ng kaibigan mo?" tanong ko sa kanya.
Natawa siya sa tinanong ko.
"Nako panggap lang yun pero isa lang ang totoo hindi yun pala kaibigan sa babae. Nilalapitan siya ng babae pero di siya nakikipag mingle puro tropa lang siya ganun," nakangiting sambit niya sa akin.
"Bakit takot ba siya sa babae? Bakla ba yung kaibigan mo?" pang uusisa ko.
Natahimik bigla sina Paul at Tina na nakatingin sa likod ko.
"Mukha ba akong bakla?" galit na tanong sa akin ng isang lalaki.
Isang nakakatakot na boses ang narinig ko isang boses minsan ko lang marinig. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko siyang nakatingin sa akin na para bang gusto akong pilasin.
Napatiklop ako at yumuko nalang ako sa sobrang hiya ko.
"Mukha ba akong bakla?" galit na tanong niya muli sa akin.
Hindi ako sumagot o tumungo hanggang sa hinawakan niya ako sa balikat ko at bigla akong nakaramdam ng kuryente sa katawan ko parang nanginig ang kalamnan ko at nag galawan ang mga paru-paro sa tiyan ko. Piling ko mag kakasakit ako sa hawak niya parang nakakapanghina.
Tiningnan ko siya at sabay ngiti.
"Joke lang!" nahihiyang tawa ko sa kanya.
Umupo siya sa tabi ko dala-dala ang kanyang pagkain.
"San ka galing Mac?" tanong ni Paul sa kanya.
"Diyan lang sa tabi-tabi nag hanap ako ng ipapalit ko kay Estella," seryosong sambit niya.
"Estella? Sino si Estella? Bakit niya papalitan si Estella?" tanong ko sa sarili ko.
"Naka move on kana ba?" tanong sa kanya ni Paul.
Hindi ko alam bakit parang nalungkot ako sa usapan nila.
Napapanguso ako sa narinig ko at napansin kong nakatitig sakin si Macky.
Binilisan ko ang pag kain ko para makatayo na sa kinauupuan ko. Ilang araw palang naman ako dito sa school na 'to pero nung narinig kong may girlfriend pala tong si Macky ay nalungkot ako.
"Bes, gusto ko ng chocolate," sambit ko habang nakangiti ko kay Tina.
"Ok! Wait lang bibili lang ako." nakangiting sambit ni Tina sa akin.
Tumayo agad si Tina sa kinauupuan niya at naiwan ako na kasama yung dalawa.
"Mahilig ka ba sa chocolate? Keith?" tanong sa akin ni Paul.
Walang pakundangan na sinagot ko si Paul.
"Oo!" sabay ngiti ko sa kanya.
"Ok sige!" nakangiting tugon niya sa akin.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at inayos ang gamit ko.
"Ooh saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.
"Puntahan ko si Tina habang may oras pa. Bye! bye!" sambit ko sa kanya habang papalayo.
Iniwan ko na silang dalawa habang kumakain. Nakakahiya naman na mag stay pa ako lalo na nandun yung mokong na yun.
Naglakad-lakad ako at nakita ko si Tina sa bandang dulo bumibili ng chocolate.
"Tina!" pasigaw kong tawag sa kanya.
"Oi! Bakit umalis ka sa pwesto natin? Baka maunahan tayo ng ibang babae diyan," nakasimangot niyang sambit sa akin.
"Wag na! Di ako sanay na may mga ganyan. Tara na kaya? Labas tayo? May oras pa naman eeh," sambit ko sa kanya.
"Ok sige! Ano nga name nung gwapong katabi mo?" pang aasar niya sa akin.
"Edi wow! Macky! pero totoong name nun Mark Hernandez. Nako ano na naman nasa isip mo Huh?" sambit ko sa kanya.
"Wala naman ipa-follow ko lang sa i********:," nakangiti niyang sambit.
"Kawawa puro ka nalang follow. Bakit hindi mo iadd sa f*******:?" pang aasar ko sa kanya.
"Hindi ako inaaccept! Tsaka Macky lang alam kong name niya kaya hindi ko siya mahanap sa i********:!" inis niyang sambit sa akin.
"Haaayy bahala ka! Masungit nga yan tsaka may sariling mundo. Nakita mo naman kanina diba? Edi goodluck sayo!" inis kong sambit sa kanya.
"Ok." tipid na sambit niya sa akin.
Hindi ko alam bakit hindi ako payag na landiin siya ni Tina. Eeh wala namang kami. Basta! kahit na hindi kami nag papansinan wag lang siya maging malapit sa iba.