CHAPTER 5

1750 Words
Mabilis na natapos ang klase namin kay Ms. Margarita isang P.E teacher. Kinausap ko agad si Ms. Margarita kung meron ng try-out sa volleyball team o kung kilala ba niya ang couch. "Hello po Ma'am Margarita? Tanong ko lang po kung alam nyo po kung kailan ang try out sa volleyball?" tanong ko kay Ma'am Marga. "We will be announcing it after the English week," sambit niya sa akin. "Thank you po Ma'am Marga." nakangiting sambit ko. Pagkatapos kong kinausap si Ma'am Marga ay tinawagan ko agad si Tina. Nakailang try ako ng tawag sa kanya ngunit ito sumasagot sa akin. "Busy siguro ang babaita." sambit ko nalang. Dahil sa hindi sumagot sa tawag ko si Tina ay nag iwan nalang ako ng mensahe sa kanya. "Akala ko ba iti-treat mo ako ngayon at pag uusapan natin yung gwapo mong crush keme-keme na yan." Dumiretso na ako sa pag uwi pagkatapos kong mag chat kay Tina. Traffic na nang lumabas ako sa school. Nakikita ko na sa di kalayuan ang pila ng mga nag iiringan na samu't saring sasakyan. Ilang minuto din ang tinagal ko sa pag aantay ng sasakyan ng may dumating na jeep. Agad akong tumakbo dito sapagkat rush hour na. Trapik talaga! Kaya habang nasa biyahe ako ay umidlip muna ako. Nakita ko ang sarili ko sa isang kakahuyan . Padilim na noon at unti-unti akong binalot ng takot ng marinig ko ang mga ingay ng mga paniki na nagliliparan sa kalangitan, mga kuliglig, mga ingay ng ibon na papalipad. Wala akong ibang ginawa kundi tumakbo ng mabilis papalayo sa kakahuyan pero parang hindi ako umaalis sa aking pwesto. Nakakita ako ng kulisap papalapit sa akin sinundan ko kung saan tutungo ang kulisap at natahak namin ang sandamakmak na kulisap na malayang lumilipad sa kalangitan. Napaka gandang tingnan nakaka amaze ang itsura nila. Saan kaya itong lugar na to? Patuloy ako sa pag lalakad at nakita ko sa di kalayuan ang usok na parang galing sa siga ng kahoy. Pinuntahan ko iyun at nakita ko ang isang napaka gandang bahay. Kumikinang ang mga bubong at bintana nito parang may mga dyamante sa paligid nito. Papakatok na ako sa pinto ng may biglang humawak sa balikat ko. "Wag mong bubuksan ang pintong 'yan Keith." agad akong napatingin sa likod ko nang marinig ko ang pamilyar na boses nito. Nakita ko siya na nakangiti sakin ngunit hindi ko maaninag ang kanyang mukha sabay sabing "Umuwi kana Keith gabi na". Nagising ako sa tapik ng driver ng jeep. "Ineng! nasa terminal kana ng jeep buti nalang at nandyan pa din ang bag mo saiyo. Malamang sa malamang na laslas na yan. Ang sarap ng tulog mo eeh? Pagod na pagod ka ba sa school? Halina at paparada na ako. Umuwi kana at Gabi na." sambit niya sa akin. Napatingin ako sa sa wrist watch ko. "Hala! sobrang gabi na!" gulat na sambit ko. Tiningnan ko ang cellphone ko at madaming missed call si mama at si papa sa akin. Natakot ako bigla baka sermonan nila ako pag uwi ko. "Sobrang tagal ng biyahe? Napapatulala ako sa panaginip ko. Sino kaya yung lalaki na yun? Parang gusto ko ulit mapaginipan yun!" nakangiting sambit ko. Pag dating ko sa bahay ay niyakap ako agad ng mahigpit ni mama. "Anak, Saan ka galing? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag namin sayo? Bakit ngayon ka lang?" nag aalalang sambit ni Mama sa akin. "Sobrang trapik kasi Mama sa daan kaya nakaidlip ako tapos pag gising ko nasa terminal na ako ng jeep. Sorry po Mama hindi ko nasagot ang mga tawag nyo. Naka silent mode po kasi yung cellphone ko. Hindi ko itoo nabago agad pagkatapos ng klase ko. Sorry po," malungkot kong sambit. "Ok! Pero next time mag sabi ka. Please!! Kung saan ka na at kung pauwi kana kasi nag aalala ng sobra ang Mama mo," sambit ni Papa sa akin. "Sorry po Papa. Hindi ko naman po in-expect na makakatulog ako ng mahimbing sa daan," habang hawak-hawak ko ang ulo ko. "Bukas susunduin na kita sa school mo baka maulit na naman ito," sambit ni Papa sa akin. "Opo Papa! Sorry po ulit," sambit ko. "Kumain kana sa kusina at tapos na kami kumain. Hugasan mo nalang ang plato at mag ayos kana para matulog," sambit sa akin ni Mama. Napayakap ako kay Mama ng mahigpit. "Sorry po ulit Mama! Tsaka po pala Mama mag iis-skit kami sa English week. Dahil sa ako ang muse ay kasama ako sa parade na naka costume. Fairy ako sa kwento." Sambit ko sa kanila. Hindi sumagot si Mama pero nginitian niya ako. Mukang inaantok na siya at pagod na. "Sige na Ma. Ako na dito matulog na po kayo sorry po sa nangyari," sambit ko sa kanya. Bigla siyang nagsalita. "Uuwi ang kuya mo sa makalawa para mag propose sa girlfriend niya. Dito muna sila ng girlfriend niya ng isang buwan at minamadali ng Kuya mo ang kasal nila," sambit ni Mama sa akin. "Edi magiging kumpleto na tayo ulit!" nakangiting sambit ko kay Mama. Kibit balikat lang ang sinagot ni Mama sakin at biglang huminga ng malalim. "Uuwi nga siya dito pero isang buwan lang tapos pagkatapos nun babalik na din sila sa states para dun na tumira for good," malungkot niyang sambit sa akin. "Wag kana malungkot Ma. Malay mo dito na sila tumira sa pinas after nila ikasal or malay mo diba makakapunta na tayo sa states. Hindi kaba masaya na pupunta ka lang ng states para bumisita?" nakangiti kong sambit sa kanya. "Masaya naman anak pero iba pa din kapag kasama mo sa bayang sinilangan mo ang pamilya mo." sambit niya sa akin. Pagkatapos makipagkwentuhan ni Mama sakin ay umalis na siya para magpahinga. Napaka fruitful bg usapan namin batid sa kanyang mukha na miss na miss na niya si Kuya. Sinong hindi nakaka miss dun eeh sobrang pilyo nun! sobrang maaalalahanin, sobrang clingy, sobrang bait. Paano ba siya napunta sa states? Ayy oo nga dahil sa pangarap niyang makapagtrabaho sa kilalang kumpanya doon. Alam ko malapit na siyang maging permanent resident dun. Nakapag pasa na siya ng citizenship niya. For approval nalang. Hayysss!!! nakakamiss talaga ang nakaraan yung tipong hindi pa namomobrelama si Mama samin. Yung napaka smooth lang ng way of living namin. Yung payak na pamumuhay lang ganun. Ganun kasi si Mama simple lang. Dati kinukuha siya sa iba't-ibang istasyon ng telebisyon para mag artista pero hindi siya pumayag. Napaka gulo daw ng showbiz kaya mas pinili nalang niyang maging ganto. Minsan may mga interview lang siya sa mga istasyon. Ok na kami dun. Ten 'oclock na pero gising pa ako. Siguro dahil sa napahaba ang tulog ko sa daan. Tinawagan ko si Tina dahil hindi ako makatulog at buti nalang ay sumagot Siya ngayon. "Girl!" sambit niya sa akin. "Tokis ka! Sabi mo iti-treat mo ako ngayon bakit hindi mo sinagot yung tawag ko kanina?" inis na sambit ko sa kanya. "Soooorrrryy na!!! Sinundo ako nila Mama at Papa sa school kasi mag mo-movie kami kasi aalis na naman sila for business trip!" sambit niya sa akin. "Kamusta pala sila Tita?" tanong ko sa kanya. "Hayyy ayun mukang pera parin," natatawang sambit niya sa akin. "Trabaho pa rin pala hanggang ngayon," sambit ko sa kanya. "Trabaho forever na yang mga yan. Sabi ko nga sa kanila bakit hindi nila ako binigyan ng kapatid para naman may kasama ako dito sa bahay pag wala sila. Ayun ayaw! Mahirap daw ang buhay!" natatawa niyang sambit. "Hindi mo din naman aalagaan yun! Ikaw pa? Eeh laman ka ng mga bar!" Natatawang sambit ko kay Tina. "Hindi naman masyado! Ktv bar palang napupuntahan ko at comedy bar wag ka nga bawal minor dun," natatawang sambit niya. "Kahit na namemeke ka ng id?" pang aasar ko sa kanya. "Sssshhhh... Kahit hindi naman!" sambit niya sa akin. "Mamatay? Kahit kilala kita?" natatawang sambit ko sa kanya. "Ingay mo naman! Syempre saan pa ako pupunta eeh wala naman akong kasama dito sa bahay," sambit niya sa akin. "Overnight ka dito sa bahay," masaya kong sambit sa kanya. "O-overnight pa eeh maghahanap na nga tayo ng dorm natin malapit sa school," sambit niya sa akin. "Next time na ako mag dodorm ng bahay. Papahatid nalang ako kay Papa sa school. Masyado pa kasing maaga para diyan," natatawa kong sambit sa kanya. "Nako naman! Dalawang taon nalang ang nalalabi natin dito para maging college student! Boring mo!" inis na sambit niya sa akin. "Bwisit kasi! Parang tanga kasi dun sa dati kong school! Napaka gulo nila! After ko mag second year tapos na agad! Parang tanga eeh noh? Tapos dito dalawang taon na lang ga-graduate na!" inis kong sambit. "Kaya nga mag dodorm tayo ng bwisit naman ooh!" inis na sambit niya. "Ge na! Papatayin ko na ang tawag ko," sambit ko sa kanya. "K!" sambit niya sabay patay ng tawag ko. "Mukang nagalit si Madam!" natatawang sambit ko. Hindi pa din ako dinadapuan ng antok kaya nanuod muna ako ng mga horror movie sa online. "Kagat sa dilim. Hmmmm mukang nakakatakot! Title palang kikilabutan kana." nakangiting sambit ko. Ngunit habang nanunuod ako ay may napapansin akong kakaiba. "Bakit parang ang daming bed scenes!" galit na sambit ko. Agad kong pinatay ang laptop ko at pinilit kong matulog. Kinabukasan Gaya ng dati maaga na akong nagigising at umaalis sa bahay. Hindi na ako nalalate. Hindi na ako natulog sa klase baka hindi na naman ako magising agad. Masyado pang maaga kaya nag gala-gala muna ako sa school hanggang sa nakita ko ang rooftop. Dali-dali akong pumanik sa rooftop. Napakalakas ng hangin sa rooftop at mukang tahimik ang lugar na ito kasi walang napunta dito ni isa man. Hanggang sa di kalayuan ay may nakita akong nakaupo sa hanging chair. Nakadekwatro at seryosong nagbabasa. Pagtingin ko sa muka nito ay agad akong nasura. Si sungit pala to! Bakit nandito yan! Napansin niyang napatitig ako sa kanya at tumayo Siya. "Bakitt nandito ka?" galit na tanong niya sa akin. Na froze ako ng bigla siyang nagsalita. Hindi ako nakapag salita agad. "Aah-- eeh nag eexplore lang ako!" utal-utal kong sambit sa kanya. "You shouldn't be here! This is my place!" galit niyang sambit sa akin. "Malamig kasi dito tsaka sobrang mahangin dito baka pwedeng dito muna ako? Naging hiding place ko din kasi yung rooftop sa dati kong school," sambit ko sa kanya sabay ngiti. "No!" seryosong sambit niya sa akin. Hindi na ako nakipagtalo pa kaya dali-dali akong bumaba ng hagdan. "Bukas ako pupunta kapag wala ka na. Tssss! Mr. Sungit!" inis kong sambit. Bumaba na ako sa room namin at saktong dumadating na din ang mga kaklase namin. Hindi man regular class ngayon pero kumpleto parin kami dahil sa gaganaping English week. Halos sabay pumasok ng room si sir Peter at si sungit. "Naeexcite ako sa skit natin. Napaka ganda ng istoryang nagawa ko." nakangiting sambit ni sir Peter. Napaismid agad si Chelsea sakin at sabay sabing. "Bakit walang ganyan noong ako ang muse? Bakit walang skit? Bakit ang daming nagbago simula noong dumating Yang si Keith?" inis na sambit ni Chelsea. "Ahmmm... Chelsea?" sambit ko. "Chelsea anak, kahit ako din ay nanibago sa mga pangyayari I don't expect na may ganto ngayon. Pero syempre changes is good. So sana pati ikaw anak wag na mag maldita. Move on na anak." nakangiting sambit ni sir Peter. "He said it right! Minsan maganda din ang may pagbabago." sambit ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD