Chapter 3

1368 Words
Dalawang buwan na ang nakalilipas simula ng ma-transfer si Kristine sa SNA. Mababait naman ang kaniyang mga naging classmate sa kaniya. Lalong-lalo na ang magkakaibigang sina Jeff, Chino, Lester, Rex, at Marc. Makukulit ang dalawa sa kanila habang ang tatlo ay mga seryoso. Lalo na si Jeff na ang balita niya ay hindi namamansin ng babae sa school nila. Ipinagtaka naman niya iyon, dahil hindi naman niya natikman ang pagsusungit nito. Gaya nang sinasabi ng ibang mga estudyanteng babae. Well, noong first day niya, oo, pero iyon lang iyon dahil kasalanan naman niya iyon. “Mabuti at hindi ka sinusungitan niyang si Jeffrey? Alam mo bang madami ng babaeng nagtangkang lumapit diyan, pero palaging umuuwing luhaan?” Nasa canteen siya ngayon, at kausap sina Grace at Althea habang kumakain.  Nakilala niya ang mga ito, dahil sa kaniyang pinsan na kaklase ng dalawa. Madali naman silang nagkasundo-sundo, kaya simula noon, naging magkakaibigan na sila. “Sabi nga rin ng mga kaklase naming mga girls. Pero so far, mababait naman sila sa akin eh,” sagot niya sa mga ito sabay kagat sa inorder nitong burger. “Kaya nga you’re so lucky. Ikaw ang kauna-unahang babaeng nakasungkit sa atensiyon niyang si Mr. Sungit!” humahagikgik pang sabi ni Althea. “Pero kahit suplado siya, alam ko namang nice rin siya eh. I actually like him.” Pahayag niya sa dalawang kaibigan, na ngayon ay namimilog na ang mga matang nakatitig sa kaniya. “Seriously?” bulalas pa ni Grace sa kaniya. “Uh huh,” tanging sagot niya sabay inom ng soda. Magsasalita sana ang mga ito, nang humahangos na dumating si Dianne, ang pinsan ni Kristine. Agad itong naupo sa tabi niya at nakiinom sa soda niya. Mukhang pagod na pagod ito galing sa kung saan. “Hi girls! Sorry late,” hinging paumanhin pa nito sa kanila. “Okay lang. Saan ka ba kasi galing?” tanong niya sa pinsan niya. “Kaya nga. Parang pagod na pagod ka ah,” segunda naman ni Grace at inabutan pa niya ito ng tissue na tinanggap naman ni Dianne. “Diyan lang. May practice kasi para sa isang event, siyempre kasali ako. Kaya heto, pagoda,” sagot nito sa kanila. “Ayyy, oo nga, iyan ba iyong Mister and Miss SNA? Hindi ka kasali this year?” takang tanong ni Althea rito. Tumango naman ang pinsan niya bilang tugon. “Ayyy, bakit?” nanghihinayang na tanong niya rito. “Naku cous, give chance to others naman. Saka mas bet ko ang sayaw-sayaw,” nakangiting sagot nito sa kanila. “Eh, kung hindi ka sasali, sino ang kapalit mo?” tanong ni Althea. “Eh, ‘di iyong best friend nitong si Grace. Si Katherine.” Balewalang sagot ni Dianne. “Oh? Pumayag si Kath?” tanong ni Grace. “Oo. Hindi mo alam?” balik tanong ni Dianne rito. “Hindi,” maikling sagot naman ni Grace. “Teka medyo OP na ako. Who’s Kath?” tanong ni Kristine sa kanila. “Ahhh, BFF ko. Isa sa umuwing luhaan nang subukang lapitan si Jeff,” nakangising sagot ni Grace sa kaniya. “Ohhh,” tanging naisagot niya rito. “Pero don’t worry. Wala na iyon. Infatuation lang naman ang nararamdaman noon ng BFF kong iyon kay Jeff mo,” agad na sagot nito sa kaniya.  Napatingin tuloy sina Althea at Dianne sa kaniya. Lalo na si Dianne, dahil huli itong dumating. Tila naman naghihintay nang paliwanag niya ang kaniyang pinsan. She rolled her eyes before talking. “Cous, I just told them that I actually like Jeff,” walang ano’y sabi niya sa pinsan. “Jeff, as in Jeffrey Santos? The Mr. Suplado?” namimilog pa ang mga matang tanong ni Dianne sa kaniya. “Yes!” magkapanabay na sagot naman nina Althea at Grace. Habang siya ay natatawang tumango na lang sa kanila. “Cous, I’m warning you. Wala pang hindi pinapaiyak iyang si Jeff dahil sa kasupladuhan niya ha. Baka mamaya lumuha ka lang din diyan,” paalala pa ni Dianne sa kaniya. “Don’t worry cous, hinding-hindi mangyayari iyan. He’s nice kaya,” nakangisi pa niyang sabi sa kaniyang pinsan. “Malala na itong pinsan mo Di,” saad naman ni Grace. “Oo nga. Pero malay naman natin ‘di ba? Eh, si Kristine lang ang natatanging pinapansin, at kinakausap ni Jeff na babae. ‘Di ba? Malay natin special si Tin kay Jeff,” wika naman ni Althea. “Basta cous, pinaalalahan ka na namin ha. Pero kung diyan ka naman masaya eh, ‘di go! Ihahanda na lang namin ang mga tissue, panyo, at balde. Para kapag lumuha ka, ready na kami para aluin ka!” Natawa naman siya sa kaniyang pinsan, at sa mga kaibigan. Pero sinisiguro naman niyang hindi siya luluha gaya nang sinasabi ng mga ito kay Jeff. “Santos, ano na? Hindi mo pa rin pinopormahan si Kristine? Sige ka baka maunahan ka ng iba riyan.” Nilingon niya si Marc na pinipitsarahan ang mga bola ng bilyar.  Kasalukuyan silang nasa bahay nila Lester. Pagkatapos kasi ng klase nila ay rito sila dumiretso. Madalas kasi na rito sila tumambay. Madalas din naman kasing wala ang ama ng kaibigan, kaya mag-isa lang ito sa bahay ng mga ito. “Nahihiya ako mga ‘tol eh. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako magtatapat sa kaniya eh,” sagot niya sa mga kaibigan.  “Anak ka ng tipaklong. Sa laki mong iyan, natotorpe ka?” tatawa-tawang sabi ni Marc sa kaniya. “Eh, anong magagawa ko? Si Tin ang kauna-unahang babaeng napalapit sa akin. Alam niyo namang siya lang ang tanging babaeng hinayaan kong makalapit sa akin eh.” Napakamot pa siya sa kaniyang ulo bago tumira.  “Sabagay nga ‘no? Hmmm, eh, kung daanin mo sa love letter?” suhistiyon ni Rex. “Oo nga. Tutal natotorpe ka naman, eh, ‘di sa sulat mo na lang daanin ang pag-amin mo,” segunda naman ni Marc saka tumira na rin sa bilyar. “Kayong dalawa, may maiaambag ba kayo?” nilingon pa ni Marc sina Lester at Chino na abala sa kung anong ginagawa ng mga ito. “Wala!” magkapanabay na sagot naman ng mga ito.  “Kita mo itong dalawang ito, mga walang silbi. Palibhasa kayong tatlo, pare-pareho kayo eh, mga woman hater!” sabi pa ulit nito, habang dinuduro silang tatlo. “Mali ka na naman ‘tol eh. Iyong dalawa na lang ang woman hater, kasi si Jeff ay tumiwalag na sa dalawang iyon,” tatawa-tawa pang sabi ni Rex. “Ayyy, oo nga ‘no? Sorry naman,” pagsang-ayon naman ni Marc. Nagkamot pa ito ng kilay. “Ayan! Kayong dalawa, diyan kayo magaling. Hayyy, basta bahala na. Ako na ang bahalang dumiskarte. I-enjoy ko na lang munang nakakausap ko pa siya, at nalalapitan. Saka na ako magtatapat kapag lumakas na ang loob ko,” sagot naman niya sa dalawang kaibigan. “Kailan naman kaya iyan? Kapag puti na ang uwak?” tanong pa ni Marc sabay tawa nila ni Rex. Napapailing na lang siya sa dalawang kaibigang ubod ng kukulit. “Huwag niyong pangunahan si Jeff. Hayaan natin siyang dumiskarte,” sabad naman ni Lester. “Oo nga. Saka hindi naman siguro mawawala si Tin, kaya chill lang tayo. Kapag nag-call a friend si Jeff, saka tayo tumulong. Sa ngayon hayaan natin siya sa diskarte niya.” Si Chino iyon na mukhang tapos na sa kung anong ginagawa nito. “Sabagay,” kibit-balikat na sabi na lang ni Rex. “Dahil diyan, ‘tol wala bang miryenda riyan? Nakagugutom maglaro eh.” Natawa siya sa sinabing iyon ni Marc. Siya namang labas ni Aling Ising, na may dala na ngang miryenda. Agad naman silang nagsipagkilos upang tulungan ang matanda.  “Salamat po manang,” sabi ni Lester sa matanda saka sila iniwan na nito. Habang nagmimiryenda ay hindi na maalis sa isip niya si Kristine. Gustong-gusto niya ang dalaga, walang duda. Kaso torpe nga kasi siya, kaya hanggang tingin lang siya rito. Kapag nakaipon na siya ng sapat na lakas ng loob, saka na siya magtatapat sa dalaga. Hahayaan na lang muna niyang maging malapit sila’t maging magkaibigan sa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD