Chapter 8

2067 Words
Simula nang maganap ang araw na ipinagtanggol siya ni Jeffrey mula kay Cielo, hindi na muling lumapit pa ang dalaga kay Kristine. Nagkikita pa rin naman sila tuwing practice, ngunit hanggang irap na lang at parinig ang nagagawa nito sa kaniya.  Nagpatuloy lang sila sa kanilang pagpa-practice hanggang sa sumapit na ang araw ng contest. May panghihinayang siyang nararamdaman sa kaniyang puso dahil pagkatapos ng araw na iyon, hindi na naman siya papansinin ni Jeffrey at paniguradong iiwasan na naman siya nito.  Napahinga na lang siya nang malalim saka ipinagpatuloy ang pag-aayos sa kaniyang sarili sa back stage. Nakasuot siya ngayon ng sports attire bilang iyon na ang kanilang ikalawang pagrampa.  Dahil volleyball player si Jeffrey, jersey rin na pang-volleyball ang kaniyang suot ngayon. White jersey na may violet and yellow lining ang kanilang suot ni Jeffrey. Nakatali nang mataas ang kaniyang buhok at lite make-up lang din ang in-apply niya sa kaniyang mukha. Naglagay pa siya ng wrist band kagaya ng kay Jeff. Para tuloy silang couples goal kung titingnan. “Kristine, ready ka na? Kayo na ang next,” sabi pa sa kaniya ni Mhy. “Ready na po,” nakangiti naman niyang tugon saka tumayo at naglakad na patungo sa lalabasan nila sa stage.  Huminga siya nang malalim at agad na ngumiti nang tawagin na sila ni Jeffrey. Buong kumpiyansa siyang naglakad patungo sa gitnang bahagi ng stage, at saka sinalubong ng tingin si Jeffrey na seryosong nakatingin din sa kaniya.   May hawak itong bola ng volleyball at flex na flex ang mga muscles nito, kahit pa hindi naman ito nag-e-effort gawin iyon. Nginitian niya ito saka sabay na silang humarap sa mga nanonood at buong puso nilang ibinigay ang lahat sa kanilang pagrampa.  Nagtitilian naman ang mga kaeskuwela nila habang rumarampa sila sa entablado, na lalo niyang ikinangiti. Hanggang sa matapos silang rumampa ay rinig na rinig pa rin nila ang tilian ng mga ito.  Nang makabalik na sila sa back stage ay agad siyang nagbihis ng kaniyang damit na gagamitin sa kanilang talent portion. Isang makinang na kulay pulang damit, na hapit na hapit sa kaniyang katawan ang kaniyang isusuot. Habang sa kaniyang saping pampaa naman, ay makinang na kulay silver na sandals, na may three inches heels ang kaniyang gagamitin, para mas maganda ang galaw niya mamaya sa stage.  Nang isusuot na niya ang kaniyang damit, napansin niyang tila may gumupit ng laylayan niyon dahil umiksi ang tabas niyon. Dahil sa wala ng oras, isinuot pa rin niya iyon at nakitang hanggang kalahati na lang ng kaniyang hita ang kaniyang damit.  Sumilip siya sa full body mirror at tiningnan ang sarili mula roon. Hindi naman masagwang tingnan iyon, mabuti na nga lang at naka-cycling siya ng kulay itim, kaya kahit umikot siya nang umikot mamaya, okay lang.  “Number four, halika na,” tawag sa kaniya ni Mhy kaya mabilis na rin siyang lumapit rito. “Anong nangyari sa damit mo?” tanong pa nito sa kaniya. “I don’t know, mukhang may nan-trip eh,” kibit-balikat niyang tugon rito.  Narinig pa niya ang bungisngis ng grupo ni Cielo sa isang tabi, kaya napatingin siya roon. Nakangising tinaasan lang naman siya ng kilay nito, habang nilalaro nito ang sariling buhok. “Hayaan mo na, mas lalo ka tuloy naging sexy sa damit mo. Anyway, good luck!” anito sa kaniya.  “Thank you, Ate Mhy!” nakangiti na niyang tugon rito, saka buong kumpiyansa pa ring ngumiti’t lumabas ng back stage nang tawagin na sila ni Jeffrey. Napalunok naman si Jeffrey nang makita niya ang suot na damit ni Kristine para sa kanilang sayaw. Hindi niya akalaing magpapalit ito ng damit, dahil ang alam niya’y hanggang tuhod nito ang damit na susuutin nito. Napaka-daring na lalo nitong tingnan ngayon, lalo pa’t lantad na lantad sa kaniyang paningin ngayon ang mga hita nito.  Naipilig na lang niya ang kaniyang ulo, at hinawakan na ito sa kamay nang mag-umpisang tumugtog ang kanilang sasayawin.  “Bakit ka nagpalit ng damit?” tanong niya rito nang mapadikit ang kaniyang labi sa tainga nito. Gumalaw muli ito’t ipinagpatuloy ang pagsasayaw. Nang magdikit muli ang kanilang mga katawan, saka naman ito sumagot sa kaniya. “I didn’t change may dress,” tugon nito sa kaniya, saka muli ito lumayo sa kaniya at ipinagpatuloy ang pagsasayaw. “Then why it’s so daring? Hindi naman ganiyan kaiksi iyong nakita kong isusuot mo dapat ah,” aniya rito. “Idon’t know. Maybe someone cut off my dress,” tugon naman nito sa kaniya habang gumigiling ito sa kaniyang harapan patalikod sa kaniya.  Hindi na siya muling umimik at ipinagpatuloy na lang ang kanilang pagsasayaw. Nagtilian sa kilig ang mga kaeskuwela nila nang hapitin niya ito sa baywang. Halos magkayakap na sila habang nagsu-sway sa harapan ng isa’t isa.  Ito ang isa sa pinaka-daring part ng sayaw, they have to make eye contact every time. At aaminin niyang naaakit siya sa mapang-akit na mga mata ni Kristine. Tila siya tinutukso nito sa bawat titig nitong iyon sa kaniya. At dahil nakatingin siya sa mukha nito, hindi niya maiwasang masulyapan rin ang mga labi nitong mapupula.  “Don’t bite your lips!” mahinang turan pa niya rito, nang kagatin nito ang pang-ibabang labi nito.  Iniikot niya ito saka ginawa ang huling step nila. Nakahawak siya sa baywang nito, habang inaalalayan niya itong naka-bend sa kaniyang harapan. Dahan-dahang bumaba ang kaniyang mukha sa mukha ni Kristine, hanggang sa magtama ang kanilang mga ilong.  Gustong-gusto na niyang halikan ito pero nagpigil siya. Kaya bago pa man niya mahalikan ito ay inalalayan na niya itong makatayo, saka siya tumikhim at magkahawak kamay na silang yumukod sa mga nanonood. Muling nagtilian ang mga taong nanonood, bago niya inalalayan si Kristine na maglakad pabalik sa back stage. “Magpalit ka na agad ng damit mo,” seryosong saad pa niya rito. May pagtataka man sa mukha nito ay tumango na rin ito sa kaniya. Iniwan na niya ito sa dressing room ng mga ito, saka siya naglakad pabalik sa dressing room ng mga lalake. Upang makapagpalit na rin siya ng kaniyang suit, para sa announcement ng winners mamaya.  Habang nagbibihis, hindi niya maiwasang muling maalala ang muntikan na niyang paghalik sa dalaga. Paano naman kasi niyang iiwasan iyon kung ganoong napakalapit nila sa isa’t isa, at sa talaga namang naaakit siya sa mga labi nito? ***** Nawiwirduhan si Kristine sa ikinikilos ni Jeffrey. Parang nairita ito nang makita siya nitong maiksi ang kaniyang suot na damit. Pero at the same time, kinilig din naman siya dahil sa paninita nito sa kaniya. Ibig sabihin ba noon ay ayaw nitong may ibang makakita ng kaniyang mga hita?  Napangiti pa siya habang nag-aayos na ng kaniyang sarili. Isang silver gown, na may kumikinang-kinang na maliliit na bato sa bandang laylayan nito, ang kaniyang suot ngayon. May mahabang hiwa iyon na umaabot hanggang sa kalahati ng kaniyang hita, kaya muli siyang napangiti. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Jeffrey kapag nakita siya nito mamaya? “Girls, ready na ba kayo for final rampa?” narinig niyang tanong ni Mhy sa kanila, nang sumilip ito sa dressing room nila. “Yes, Ate Mhy!” sabay-sabay naman nilang tugon dito. Muli niyang pinagmasdan ang kaniyang sarili sa salamin bago siya naglakad palabas ng dressing room.  Ilang sandali pa at nakapila na sila sa back stage, para sa final rampa nila bago i-announce ang winner. Nang sila na ni Jeffrey ang rarampa ay nagulat pa siya nang hapitin siya nito sa kaniyang baywang, no’ng magtagpo sila sa gitna ng stage.  Nagugulat man ay ngumiti na lang siya rito at sa mga taong nanonood ngayon sa kanila. Hinawakan pa nito ang kaniyang kamay, at sabay silang naglakad, at nag-pose sa stage.  Wala naman iyon sa inensayo nila, pero tila may sariling isip naman ang kaniyang katawang sumasabay sa bawat galaw ni Jeffrey. Hindi naman magkandamayaw ang mga nanonood sa kanila, lalo na no’ng muli siyang hinapit ni Jeffrey sa harapan ng stage, at pinagtama ang kanilang mga noo.  Abot-abot naman ang kaniyang kaba sa pinaggagagawang iyon ni Jeffrey sa kaniya. Nang magtama ang kanilang mga mata ay muntik pa siyang tumili nang ngitian siya nito. Kaya bago pa man niya magawa iyon ay siya na mismo ang unang gumawa ng paraan upang kumawala rito.  Muli silang nag-pose saka magkahawak kamay na naglakad pabalik sa likuran ng entablado, kung saan nakatayo na rin ang iba pang mga kalahok. Inalalayan pa siya nitong makatayo nang maayos saka ito tumayo sa kaniyang tabi. Napasulyap pa siya rito nang hindi pa rin nito binibitiwan ang kaniyang mga kamay. “Ahm, Jeffrey, you can let go of my hands na,” sabi pa niya rito.  Tumingin lang naman ito sa kaniya, at tila hindi narinig ang kaniyang sinabi’t, mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya. Napahugot na lang siya nang malalim na paghininga, saka hinayaan na lang ang kanilang mga kamay na magkahugpong.  Hindi na siya magrereklamo pa, dahil gustong-gusto naman niya ang pakiramdam na nakakulong ang kamay niya sa palad nito. Habang sa kabilang panig naman ng stage, gigil na gigil si Cielo habang matalim ang mga mata nitong nakatingin sa direksiyon nila ni Jeffrey.  “And now, to announce our Mister and Miss Campus Crush of this year, may we call on our original campus crush, Mister Rico Encinares!” anang host ng event na iyon.  Nagpalakpakan naman ang mga nanonood, habang napapailing naman ang kanilang Science teacher. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat sa paaralang iyon, na maraming nagkakagusto sa kanilang Science teacher, dahil sa angking kaguwapuhan nito.  “Thank you for that introduction,” natatawang saad pa nito nang abutin na nito ang papel at microphone sa host. Binuklat nito ang papel at saka tumingin sa mga kalahok. “First of all, I would like to say congratulations to all the participants of this event. Para sa akin, lahat kayo ay panalo, but unfortunately, we just need one pair to win this competition,” sabi pa nito. “And with that being said, our Mister and Miss Campus Crush of the year are—“ pambibitin pa nito saka tuminging muli sa mga kalahok bago ngumiti sa kanila ni Jeffrey. “Miss Kristine Alipao, and Mister Jeffrey Santos of section Primrose! Congratulations!”  Nagpalakpakan at nagtilian naman ang mga nanonood matapos i-announce kung sino ang nanalo sa patimpalak na iyon. Habang sila naman ni Jeffrey ay nagkatinginan at nagkayakapan.  Dahil sa labis niyang katuwaan, hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili at nayakap na lang ito nang mahigpit, at ganoon rin naman ito sa kaniya. Doon niya napatunayang masarap nga talaga ang makulong sa mga bisig nito. “Congratulations!” bati sa kanila ng mga kasamahan nila na naging dahilan ng paghihiwalay nilang dalawa.  Bago pa man sila muling magyakapan ay lumapit na ang kanilang mga guro, upang ilagay ang sash sa kanila ni Jeffrey, at iabot ang trophy sa kanila. Kinamayan pa sila ng mga guro nila saka nagpakuha ng larawan sa photographer.  Matapos niyon ay saka sila nagsibalikan sa dressing room upang magligpit na ng kani-kanilang mga gamit. Inabutan niya roon sina Liza at Ayesha na agad yumakap sa kaniya. “Congratulations! Sabi ko na nga ba, at kayo talaga ang mananalo eh! Kinilig kami sa paandar ninyo ni Jeffrey ha!” sabi pa ni Ayesha sa kaniya. “Paandar? Wala naman kaming paandar ah,” takang saad naman niya rito. “So, ibig sabihin totoo ang mga titigan ninyong kay lalagkit ni Jeffrey?” nanlalaki pa ang mga mata ni Liza na tanong sa kaniya. Nag-init naman ang kaniyang pisngi sa itinanong nito sa kaniya. “Uyyy, namumula siya oh! OMG! Ang landi mo girl! Kinikilig ako!” wika naman ni Ayesha na parang maiihi pa ito habang kinikilig-kilig ito sa isang tabi. “Hala, wala naman kayang ganoon. Kayo talaga,” tugon na lang niya sa mga ito. “Hmp! Kunwari ka pa riyan, okay lang naman kung sakali, bagay naman kayo eh,” nagniningning pa ang mga mata ni Ayesha ng sabihin nito iyon sa kaniya. Nagtilian pa ang mga kaibigan niya na kaniya namang ikinatawa. Napakagat pa siya sa kaniyang pang-ibabang labi dahil kinikilig na rin naman talaga siya sa isiping iyon. Paano nga kaya kung totoo lahat ng pinaggagawa ni Jeffrey kanina? Kaya lang ayaw niyang umasa, baka kasi after ng gabing ito, hindi na naman siya pansinin ng binata. Masakit sa puso iyon! Ouchy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD