Chapter 10

2137 Words
Hindi nga nagkamali si Kristine nang hinala, dahil ngayong tapos na ang contest, hindi na naman siya pinapansin ni Jeffrey. But unlike before, hindi na siya nito iniiwasan at pinagtataguan. Iyon nga lang, hindi pa rin talaga siya pinapansin nito. Napahinga na lang siya nang malalim saka ibinalik ang atensiyon sa kaniyang binabasa.  Nasa ilalim siya ng punong mangga ngayon, malapit sa kanilang canteen, at nagbabasa ng kaniyang ire-report para mamaya sa history. Hindi pa man siya nakakalayo sa kaniyang binabasa nang may lumapit sa kaniya. Napaangat ang kaniyang paningin at nakitang ang grupo ni Cielo ang lumapit na iyon sa kaniya. “Hi,” bati sa kaniya ni Cielo.  “Hello,” nagugulat man ay binati na rin niya ang babae. “Ahm, gusto lang sanang humingi ng sorry sa iyo ni Gandara,” mahinahong saad ni Cielo sa kaniya, sabay turo sa kasama nitong bakla na nakayuko sa kaniyang harapan. “Sorry? Para saan?” kunot-noong tanong naman niya rito. Siniko naman ni Cielo ang kasama nito na atubiling tumingin sa kaniya. “Sorry Kristine, ako kasi ang gumupit sa dress mo noong gabi ng Mister and Miss Campus Crush. Sana patawarin mo ako,” anito sa kaniya habang magkasalikop pa ang mga kamay nito sa ibabaw ng dibdib nito. Napamaang naman siya sa inamin nitong iyon sa kaniya.  “Ahm, akala kasi niya, ikatutuwa ko kung gagawin niya iyon. Eh, sinabi ko naman sa kanila na lalaban ako ng patas, kaya ayun,” agad na dugtong ni Cielo sa sinabi ng kaibigan nito. “Sana mapatawad mo itong si Gandara, Kristine. Kasi naman ang baklang ito, kung anu-anong naiisip gawin eh,” wika naman ng isa pang baklang kasama ng mga ito. Tiniklop naman niya ang kaniyang binabasa saka nakangiting hinarap ang mga ito. “Okay na iyon, don’t worry I’m not mad. Basta sana sa susunod huwag mo na lang uulitin,” aniya rito. “Ayyy, ang bait-bait mo naman pala Kristine. Akala ko sasampalin mo ako at sasabunutan eh. Thank you! Promise, hindi ko na uulitin,” sabi pa ni Gandara sa kaniya saka ito tila nabunutan ng tinik sa dibdib nito. Natawa naman siya sa sinabi nito, kahit naman siguro galit siya, hindi niya magagawa ang manakit ng kapwa. “Why would I do that? Naku, basta huwag mo na lang ulit uulitin,” aniya rito. “Ahhh, so nice of you naman pala, Kritine. Actually, I want to say sorry too, dahil sa kamalditahan ko sa iyo noong unang pagkikita natin. Sana mapatawad mo rin ako,” mahinahong saad naman ni Cielo sa kaniya.  Hindi naman siya makapaniwala sa kaniyang naririnig mula rito. Ang buong akala kasi niya ay hindi marunong magpakumbaba ang isang Cielo. Hindi naman siya nagdalawang isip na ngitian ito’t tanguan. “Oo naman, don’t worry, I forgot everything that happened that day na,” aniya rito. Bigla namang nagningning ang mga mata nitong lumapit pa sa kaniya at naupo sa kaniyang harapan. “Really? So, does this mean we’re friends?” nakangiti pa nitong tanong sa kaniya. “Yeah! I don’t think why not?” sagot naman niya rito habang nakangiti sa mga ito. “Eeeiii!” tili naman ni Cielo sabay tayo nito’t yakap sa kaniya, na kaniya namang ikinagulat.  “Thank you! You’re so nice talaga!” sabi pa nito sa kaniya nang bumitiw na ito sa pagkakayakap sa kaniya. “Hehehe, you’re welcome,” nahihiyang saad niya sa mga ito. “Oh, we have to go. Malapit na pala ang next class namin,” maya-maya’y paalam na nito sa kaniya. “Thank you again Kristine. Maybe we can hang out sometimes?” sabi pa nito sa kaniya bago umalis ang mga ito. “Y-yeah! Sure!” tanging naisagot na lang niya rito. “Great! Bye, see you next time!” paalam na nito sabay flying kiss pa sa kaniya. “Let’s go,” baling pa niya sa mga kaibigan nito. “Bye, Kristine! Thank you so much ulit!” paalam naman ni Gandara, sabay sunod na nito, at ng isa pang kaibigan ng mga itong hindi niya man lang nalaman ang pangalan, kay Cielo. Nagtataka man siya sa biglaang pakikipaglapit na iyon ni Cielo sa kaniya ay nagkibit-balikat na lang siya. Muli niyang binuklat ang librong binabasa niya kanina bago siya lapitan nila Cielo, at ipinagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. ****** “Ang galing-galing mo sis! Paniwalang-paniwala sa iyo ang kawawang si Kristine,” ani Bhelan kay Cielo nang nasa loob na sila ng kanilang classroom. “Oh, ‘di ba? Sabi ko naman sa inyo eh, madaling mauto ang isang iyon,” nakangisi niyang saad sa mga kaibigan, habang sinusuklay niya ang kaniyang mahaba’t makintab na buhok. “Oo nga! Nakakaloka, hindi man lang siya nagtaka kung bakit bigla ka na lang bumait sa kaniya?” sabi naman ni Gandara, na kinuha mula sa kaniya ang hairbrush na kaniyang ginagamit, at itinuloy ang pagsusuklay sa kaniyang buhok. “Eh, magaling kasi akong umarte. Sayang naman ang pag-e-enroll ko sa workshop kung hindi ko naman magagamit, ‘di ba?” taas noong saad pa niya sa mga kaibigan.  Ang totoo niyan, nagmo-model ng mga damit si Cielo at pangarap niyang maging artista, kaya naman sumabak siyang mag-workshop. Umaasa kasi siya na may makadiskubre sa kaniya, at kunin siya sa isang pelikula.  Maganda naman si Cielo, maputi, matangkad, payat, manipis ang mga kilay, mga matang matatalim kung tumingin, manipis ang mapupulang mga labi, at maganda ang mahaba at makintab niyang buhok. In sort, pang kontrabida ang itsura ni Cielo.  Marami rin namang nagkakagusto sa kaniyang mga lalake sa kanilang paaralan, iyon nga lang, medyo may kagaspangan lang ang kaniyang ugali. Kaya marami ring may ayaw sa kaniya.  “So, what’s next? Paano mo siya ngayon gagamitin para mapalapit kay Papa Jeffrey?” tanong ni Bhelan sa kaniya. “Hmmm, hindi ko pa alam. Pero I’m sure na kapag nakita ni Jeff na close na kami ni Kristine, mapapansin na rin niya ako,” nakangiting tugon niya sa kaniyang mga kaibigan. “Ayyy! Bonga sis!” sabi naman ni Bhelan sabay pangalumbaba nito sa arm rest ng upuan nitong nakaharap sa kaniya. Napapangiti pa siya habang iniisip na magiging malapit na rin sila ni Jeffrey sa mga susunod pang mga araw. Kapag napansin na siya ng binata, saka naman niya didispatsahin si Kristine. Wala naman kasi siyang balak na magpanggap na mabait sa babaeng iyon. Kukunin lang niya ang gusto niya saka niya ito pagtatawanan. ***** Hindi makapag-focus si Jeff sa dini-discuss ni Kristine sa harapan ng kanilang classroom, dahil wala naman sa nire-report nito ang kaniyang atensiyon. Nakatutok siya sa mukha nito habang nagsasalita ito.  Kahit hindi mag-effort ang dalaga, kusang lumalabas ang malalalim nitong biloy sa magkabilang pisngi nito. Kapag napapatingin ito sa kaniyang gawi ay nagpapanggap siyang nagsusulat, kahit pa wala naman siyang isinusulat.  Natapos na lang lahat ang pagre-report ng dalaga ay wala man lang siyang naintindihan kahit isang kataga sa mga pinagsasasabi nito. Mabuti na lang at wala silang quiz, dahil kung hindi, tiyak na itlog ang makukuha niya. “Okay class, give a round of applause to Kristine,” pukaw ng kanilang guro na agad naman nilang pinalakpakan. “All right! That was an excellent reporting. Malinaw at hindi nakakabagot pakinggan, ‘di ba class?” tanong pa ng kanilang guro sa kanila. “Opo,” sabay-sabay namang tugon ng kanilang mga kaklase. “You may now take your sit, Kristine.” Baling pa nito kay Kristine na nginitian naman ng dalaga saka ito naupo sa upuan nito.  “Anyway, class, nalalapit na ang prom night ninyo, at ang foundation day ng ating paaralan. Siyempre alam niyo naman na kapag prom, may cotillon ‘di ba?” anito sa kanila. Hindi siya nangangamba para roon, dahil palagi namang si Lester ang nakukuha sa kanila sa ganoong mga event.  “For this year, dalawang pares ang kukunin namin sa section ninyo, and those are— Lester, Marianne, Jeffrey, and Kristine.” Bigla siyang napatuwid sa pagkakaupo’t napadako ang tingin kay Kristine na tila gulat ding nakatingin sa kaniya. Muli niyang binaling ang kaniyang paningin sa kanilang guro saka nagtaas ng kaniyang kamay. “Yes, Jeffrey?” tanong naman sa kaniya ng kanilang guro. “Ahm, Ma’am bakit po ako kasali?” nahihiyang tanong niya rito. “Oh, bakit naman sana hindi? Ang galing-galing niyo ngang sumayaw ni Kristine noong Mister and Miss Campus Crush eh. By the way congratulations nga pala sa inyong dalawa,” litaniya pa nito sa kaniya. “Pero kasi Ma’am—“ magdadahilan pa sana siya nang magsalita si Lester. “Nahihiya lang po itong si Jeffrey Ma’am, pero payag na po siya,” tugon nito sabay baling sa kaniya. “‘Di ba?” kumpirma pa nito sa kaniya. Napakamot naman siya ng kaniyang ulo saka tumango na lang sa kanilang guro. “Very good! So, we will announce kung kailan ang official practice. But for next week, start na rin ng foundation day. You are allowed to wear your civilian clothes that week, but please wear your ID’s. May mga booths din na itatayo sa buong ground ng school, na puwede ninyong salihan,” litaniya pa ng kanilang guro na ikinaingay ng kaniyang mga kaklase.  Mahahalatang excited ang karamihan sa kanilang foundation day. Samantalang siya naman ay iniisip pa rin ang tungkol sa kanilang prom. Mukhang wala na talaga siyang chance na maiwasan pa si Kristine.  “Uyyy, Santos, bakit ang tahimik mo yata?” untag sa kaniya ni Marc na tinapik pa siya sa kaniyang balikat. “Ha? Wala naman,” tugon lang niya sa kaniyang kaibigan. “Nakow! Mukhang iniisip na naman nito iyong prom,” sabat naman ni Rex. “Shhh! Ang iingay ninyo,” saway niya sa dalawang makukulit na kaibigan. “Eh, bakit mo naman kasi iniisip ang tungkol sa prom, eh next month pa naman iyon?” tanong naman ni Chino sa kaniya. “Tsk! Hindi ko naman iniisip iyon eh,” kaila naman niya sa mga kaibigan. “Hindi raw!” sabi naman ni Rex. “Hindi nga kasi, ang kukulit ninyo. Tara na nga!” kunot-noong yaya na niya sa kaniyang mga kaibigan. “Nakakatawa ka talaga ‘tol, alam mo ba iyon? Tanggi pa nga?” pang-aasar naman ni Marc sa kaniya habang isinusukbit nito ang bag sa balikat nito. “Ewan ko sa inyo, tsk!” aniya sabay lakad palabas ng kanilang silid-aralan. Hindi naman sa napipikon siya sa kaniyang mga kaibigan, sadyang in denial pa kasi siya sa mga ito.  “Uyyy, Santos, hintay!” narinig pa niyang tawag sa kaniya ni Chino. Huminto naman siya sa kaniyang paglalakad saka hinintay ang mga kaibigan.  “Tara sa bahay!” yaya ni Lester saka sila nagpatuloy sa kanilang paglalakad. Wala naman silang pasok kinabukasan kaya puwede silang tumambay sa bahay nito. Nang makarating sila sa bahay nila Lester ay doon na siya muling kinulit ng kaniyang mga kaibigan. “Ano na Santos, iiwasan mo pa rin ba si Kristine?” tanong ni Marc sa kaniya. Tumingin naman siya sa kaibigan matapos niyang tumira ng bola ng bilyar. Iyon ang madalas nilang gawing libangan kapag nasa bahay sila nila Lester. Umayos siya ng tayo saka ibinaba ang tako stick sa kaniyang harapan. “Hindi ko naman siya iniiwasan ah,” tugon niya sa kaniyang kaibigan. “Wehhh? Hindi raw?” sabi naman ni Rex. “Hindi na niya iniiwasan ngayon ‘tol, hindi na lang niya pinapansin. Oh, magkaiba iyon ha?” sabat naman ni Lester na tatawa-tawa habang nakaupo sa bean bag na malapit sa kanilang pinaglalaruan. “Ahhh, oo nga naman,” tatango-tangong turan naman ni Rex saka nito pinitsarahan ang bola ng biyar. “Alam mo kasi Jeff, pinahihirapan mo lang iyang sarili mo. Kausapin mo na kaya si Kristine?” sabi naman ni Chino. “Ano namang sasabihin ko sa kaniya?” balik tanong naman niya rito. “Isa pa, paano ba dapat ang ikilos ko sa harapan ng mga babae? Paano ba dapat sila itrato?” kakamot-kamot sa ulong tanong niya sa mga kaibigan. “Ha? Ibig sabihin, kaya hindi mo kinakausap si Kristine dahil hindi mo alam  kung paano mo siya dapat kausapin at itrato?” gulat na tanong ni Marc na kaniya  namang tinanguan. “Pambihira! Sana sinabi mo agad sa akin ng na-seminar kita agad!” sabi pa nito sa kaniya. “Aba, malay ko ba naman sa pagtrato sa mga babae. Alam naman ninyong puro kami barako sa bahay, at kahit kailan ay wala naman akong naging kaibigang babae,” aniya sa mga kaibigan. “Iyon lang. Pero ‘di bale kaming bahala sa iyo!” taas-baba pa ang mga kilay ni Rex habang sinasabi iyon sa kaniya.  Ano naman kayang kalokohan ang naiisip ng kaniyang kaibigan? Parang kinakabahan siyang bigla sa sinabi nitong iyon sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD