Mabilis na lumipas ang mga araw, mga lingo, mga buwan, at mga taon. Ngayon nga ay tapos na siya ng kolehiyo sa kursong Criminology, at nakapasa na rin sa board exam. Tuloy pa rin ang kanilang kumunikasyon ni Kristine at habang tumatagal, lalo siyang nananabik na makita at muling makasama ang kasintahan. “Hi, Babe! Congratulations! I’m so proud of you!” nagniningning ang mga mata nitong bati sa kaniya. Tinawagan kasi niya ito upang ibalita sa kasintahan ang kaniyang pagpasa sa board exam, at pagtanggap ng mataas na karangalan sa kanilang batch. “Thank you, Babe! Sana nandito ka ngayon to celebrate with me,” malungkot niyang turan sa kasintahan. “I’m so sorry Babe, talagang busy lang ngayon eh. But, promise, next month I’ll be there on your birthday!” nakangiting wika pa nito sa kaniya

